Eighteen

261 35 24
                                    

Napatayo ako sa gulat, "A-Anong s-sinasabi mo?" Mapakla akong natawa, "Magkaibigan tayo."



Napabuntong hininga siya at bumaling sa akin. Kita ko sa mata niya na nasasaktan siya. "'Yun na nga, eh. Magkaibigan tayo at ang laking tanga ko para magkagusto sayo," napailing siya.



Dahan-dahan akong umupong muli at hinarap siya. "H-Hindi ka naman tanga. Feelings mo 'yan... Kailan mo ba 'yan naramdaman? Baka naman dahil ako ang lang ang babaeng palagi mong nakakausap o nakakasama, Benchong." Sunod-sunod na sambit ko sa kanya.



Nakatingin lang siya sa dagat, "Hindi ko rin alam... Siguro no'ng nag-college tayo or nung highschool pa lang," natawa siya sa sinabi. Napaawang ang labi ko. Kung ganoon, matagal na nga pala. Hindi ko man lang naramdaman.



Napayuko ako, "Sorry, h-hindi ko a-alam."



Hinawakan niya ang aking kamay at mahina iyong pinisil. "Hindi. 'Wag ka mag-sorry, hindi mo naman kasalanan. 'Di ko lang talaga kayang itago, M. Nagbabaka-sakali lang ako. Alam ko naman ang mangyayari pero pinilit ko pa rin."



Mahina ko siyang hinampas sa braso at gulat siyang napatingin sa akin. "Para saan 'yon?" Sabay himas ng braso.



Napabuntong hininga ako, "Bakit kasi ako pa? Hindi ko deserve ang love mo. 'Di ko masusuklian ang pagmamahal mo, Benchong."



Napatawa naman siya at ginulo ang aking buhok. "Ayos lang sa akin iyon. Sana hindi mo 'ko lalayuan, ah. Nakakahiya..." Napakamot siya sa batok at umiwas ng tingin sa akin.



"Virus ka ba para layuan ko?" Napairap ako. Pero kahit na ganoon ay naawa tuloy ako sa kanya. Pakiramdam ko ay pinaasa ko siya sa loob ng mahabang panahon.



"Siya nga pala..." Humilig ako sa balikat niya, "Nung tinawag kitang babe. Sorry talaga dun. Putangina kasi ng utak ko, kung anu-ano naiisip."



Tinapik-tapik niya ang likod ko, "Alam mo bang natuwa at the same time nasaktan ako no'n. Akala ko talaga 'babe' mo na ako pero kunwari lang pala." Napasinghap siya.



Umalis ako sa pagkakahilig at ngumuso, "Aish. Ang tanga ko talaga. Ilang beses na kitang nasaktan nang hindi ko alam. Sorry talaga. Sorry..."



Kahit naka ilang sorry na ako ay sinasabi niyang ayos lang daw. Tahimik lang ako habang nagmamaneho siya pauwi. Hindi ko alam kung alam din ba 'to nila Tonyo at Raul.



Naalala ko tuloy 'yung mga kilos ni Bench. Kaya pala minsan parang ang sweet niya. Akala ko kasi ay normal na 'yon sa kanya dahil babaeng kaibigan niya ako pero hindi pala. Tuwing uwian noong highschool ay sinasamahan pa niya akong umuwi. Hindi ako sinusundo nila kuya dahil ayaw ko. Mas gusto ko pa kasing gumala at kumain bago umuwi kaysa diretso agad sa bahay. Nakaka-bored ang ganun.



Kinagabihan ay napatawag ako kay Tonyo. [Matagal na naming alam. Kahit na hindi niya sinasabi noon, halata naman.] Natawa siya, [Pero inamin din niya sa amin. Hindi namin siya pinilit dahil gusto namin kusa siyang magsabi.]



Napabuntong hininga ako, "Nakakainis naman. Naiinis ako sa sarili. Hindi ko man lang napansin. Sobrang manhid ko," napapadyak ako sa inis.



[Nag-aaya nga ng inuman mamaya, eh. 'Wag mong sabihin na sinabi ko sayo, ah?]



Huminga ako nang malalim, "Oo."



Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin nila ako pinapapasok sa trabaho. Wala namang masakit o nabali sa akin, eh! Kinusot ko ang mata ko bago bumangon. Pagkabukas ko ng pinto ay narito sa harap ko ang dalawa kong kuya, may hawak na tray na kahoy at may mga platong nakatakip. "Goodmorning!" Sabay nilang bati.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now