"Ano?!" gulat kong sigaw kaya napahinto rin siya.
Hinarap niya ako, "Titira tayo sa condo ko, Misty." pag-uulit niya.
"Paano ako rerelax?! Sige nga!" napasapo ako sa noo. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko pero 'di ko magawa! "Anong.." huminga ako nang malalim, "Anong titira sa isang condo, Dwarren?" nahampas ko ang kamay ko sa upuan. "Ni hindi ko kayang makasama ka nang matagal tapos sa condo mo.." tinuro ko siya, "Tayo titira? Sa isang condo.. Yuck!" napailing ako.
Sa sobrang inis ko ay binuksan ko ang pinto ng shotgun seat at kinuha ang paper bag na lagayan ng stufftoy ko. Bago pa man ako makababa ay nahablot niya ang braso ko, "Teka lang, Misty, naman." hinawi ko iyon at diretsong bumaba. Padabog ko ring sinarado at nagmartsa paalis. Naglalakad ako ngayon dito sa gilid ng kalsada. Narinig ko rin ang pagsarado ng pintuan ng kotse, meaning ay hinabol niya ako. "Misty, teka lang muna," hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko para humarap ako sa kanya. Bored ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay. "H-Hindi naman ako tatabi sayo sa pagtulog, eh. S-Sa couch ako," kinakabahan siya habang nagpapaliwanag.
"Dapat lang! Dalaga pa ako kaya hindi ako pwedeng makitabi sa lalake!" sigaw ko. "At isa pa, ano na naman 'tong pakulo mo na 'to?" inis akong napakamot sa ulo, "Kanina sa date date na 'yan pumayag ako pero ngayon ibang usapan na 'yung sa isang condo mags-stay, Dwarren." hinihingal ako dahil sa galit.
Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Wala pa man din akong dala na inhaler! "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Umayos na rin ang paghinga ko at kumalma na.
Napairap naman ako, "Iuwi mo nga ako. 'Di ako goods sa trip mo." nilagpasan ko siya at bumalik sa kotse niya. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makauwi na ako. Padabog kong sinara ang pintuan ng kotse niya at pumasok na sa bahay nang 'di siya nililingon. Pagkapasok ko ng kwarto ay tinaas ko ang bitbit kong paperbag at inilabas ang minions. Kinuha ko iyon at humiga sa kama. Pinikit ko ang mata ko at niyakap ang stufftoy. Kinagabihan ay late nakauwi ang dalawa kong kuya. Sinumbong ko sa kanila kung ano ang trip ni Dwarren at tinawanan ako ni Choule-angot samantalang si kuya naman ay sinamaan lang ako ng tingin.
"It's either sa condo ka niya mag-stay or dito siya mag-stay." napaawang ang labi ko sa sinabi ni kuya Chandler. Seryoso?! Bwisit naman!
"Hahayaan niyo lang akong kasama sa iisang lugar 'yang Dwarren na 'yan, kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kaya nga mamili ka. Dito siya o roon ka?" tanong ni kulangot. "This is for the both of you. Para mas magkakilala kayo."
"Ano ba naman 'to!" sigaw ko. Nasapo ko nalang ang noo ko sa inis. "Nakakainis kayo," 'di ko mapigilang maging emosyonal. "Hindi ba kayo natatakot para sa bunso niyo?" tanong ko, "Paano kung masama pala siya tapos may gawin siya sa akin!" naghi-hysterical na ako rito! "Kuya-"
Biglang napatayo si kuya Chandler, "Para 'to sa kinabuksan ng kompanya, M." napasuklay siya sa buhok niya. "Para rin 'to sayo. Kapag bumalik na sa dating sigla ang hotel natin tataas ang kita, pwede na kayong maghiwalay-" pinutol ko rin siya.
"Kinabukasan ko?" mapakla akong tumawa, "Kinabukasan lang naman yata ng hotel iniisip niyo, eh." nagkibit balikat ako, "Lagi nalang akong sunod sunuran sa inyo." napailing ako, "Kayo kaya ang ipa-engage sa taong 'di mo mahal?" peke akong natawa at nagwalk out.
"M!" tawag ni kuya ngunit narinig kong pinakalma siya ni kulangot.
Humiga ako ng kama, napatitig sa ceiling at napabuntong hininga. "Hay," bulong ko sa sarili ko. Hinanap ng paningin ko ang stufftoy ko. "Andito ka lang pala." nang makita ko siya, "Nakakainis sila kuya.." niyakap ko siya. Kalaunan nakatulog din ako. Pagkagising ko ay bigla kong naalala ang singsing. Nilagay ko 'yon sa drawer ng side table ko. Tinitigan ko iyon at kinuha bago pumasok ng banyo. Itatapon ko sana sa bowl ngunit hindi ko tinuloy. Kapag doon ako titira sa condo ni Dwarren ay hindi lang ako magiging komportable.
![](https://img.wattpad.com/cover/252620750-288-k504028.jpg)
YOU ARE READING
When the Stars Aligned
RomanceMisty was engaged. That engagement was all arranged by her brothers. They didn't liked each other at first, but little did they know that they were falling for each other. Until, Misty found out that her future Mister had a child with someone else...