Hinalikan nga ako sa lips.. Pero mga three seconds lang naman! Mahinang nilalang!
"Bagay kaya sa akin ang short hair?" pagpapapansin ko kinaumagahan. Nagbabasa lang siya ng magazine at 'di ako pinapansin. Hmp! Kainis! "Kapag ba magiging kuto ako, mamahalin mo pa rin ako?" pagpapapansin ko ulit.
Nilingon lang niya ako, "Tch." sambit niya.
Hindi ko na rin siya pinansin. Sabi niya 'I can't resist you' pero tignan mo naman ginagawa ngayon! Nakakainis!
"Aalis na ako," nagpaalam ako kahit papaano. Bumaling siya sa akin at tinanguan lang ako.
"Bwisit," bulong ko sa sarili ko bago binuksan ang pinto. Pagkalabas ko sa unit niya ay padabog ko iyong sinarado dahil sa inis ko. Ayaw mo 'kong pansinin, edi 'wag!
Nakarating na ako sa hotel at wala pa si Berna. Maaga iyong pumapasok pero nauna ako ngayon.
First time lang mangyari na maaga ako kaysa sa kanya. Speaking of, kakarating niya lang. Kumaway ako at nang nakarating na siya ay nagtaka ako kung ano iyong pula sa leeg niya.
May nilabas siya sa bag niya, "Ano 'yang nasa leeg mo?" takang tanong ko.
Inikot niya sa leeg niya ang scarf na nilabas mula sa bag. "Kagat ng lamok," natatawang sabi niya.
"Ang wild naman ng lamok. Grabe makakagat." naawa tuloy ako sa kanya. 'Di ba delikado ang kagat ng lamok? Tapos sa leeg pa niya.
Nang wala masiyadong guests ay kinuha ko ang phone ko. Nag-aabang sa text niya.
To: bb D ❤️
panget moSinend ko iyon sa kanya para inisin siya. Nakakainis naman. Hindi ako mapakali at gusto ko na agad umuwi.
Lunch time na at nauna si Berna sa bathroom. Pagkapunta ko sa bathroom ay nakita ko siya na tinanggal ang scarf niya. Nakita kong may isa pa palang pula maliban sa may leeg niya. Iyong isa pang pula ay malapit sa collarbone niya.
Grabe naman 'yung lamok!
"Okay ka lang ba Berna?" usisa ko.
"Oo naman!" masiglang sagot niya.
Napakamot ako sa tainga, "Eh, meron pa pala malapit sa may collarbone, oh." turo ko roon.
"Ah, kagat lang din ng lamok yan," natatawang sabi niya. "Wild kasi 'yung lamok na kumagat." aniya at humalakhak.
Tumango naman ako, "Ang galing naman kumagat ng lamok na 'yun," komento ko. "Wild nga." sabi ko habang nakatingin sa mga pula niya sa leeg at malapit sa collarbone.
Naghugas lang ako ng kamay. Kasama raw ni Berna na mag-lunch ay si Tonyo. Wala namang problema roon. Lumabas ako sa hotel at nakita ko si Matilda na papasok.
Lumapit siya sa akin. "Hi, M!" masayang bati niya pero ang smile niya ay parang pilit lang.
"Hello," bati ko in monotone.
"I'll having lunch with your brother. Wanna join?" maarteng sabi niya.
Umiling ako, "Hindi na. Enjoy nalang kayo," sambit ko at pilit siyang nginitian.
Nilagpasan ko na siya at may biglang bumusina. "Misty!" tawag sa akin ng isang lalaki.
Nilingon ko iyon, "Bench!" kinawayan ko siya. Lumapit ako sa bintana ng sasakyan. "Sino kasama mo?" sumilip ako kung sinong katabi niya. "Uy, Raul!" bati ko.

YOU ARE READING
When the Stars Aligned
RomansaMisty was engaged. That engagement was all arranged by her brothers. They didn't liked each other at first, but little did they know that they were falling for each other. Until, Misty found out that her future Mister had a child with someone else...