2 years ago...
"Ang bagal naman ng oras. Gusto ko nang mag-dinner," bulong ko sa sarili ko. Nakahiga ako sa kama at nagpapahinga dahil katatapos lang ng araw ko as intern sa hotel ng parents ko.
Nakaka-pressure dahil gusto nila kuya na maging manager ako balang araw. Kaya lang.. Hindi ko 'to gusto. Mayroon sana akong sasalihan na singing contest ngayon kaya lang 'di sila pumayag dahil mas importante raw ang pag-iintern ko kaysa sa ganyang mga contest. Pero para sa akin importante ang musika atsaka may cash prize rin iyon. Pwede akong magsimula na makapaghulugan ng motor.
Dahil sa bagal ng oras kung anu-ano na tuloy ang naiisp ko. Paano nalalaman ng tao kung gusto nila ang isang bagay... or tao? Totoo ba ang love at first sight? Never ko pang na-experience ma-inlove, ano ba ang feeling nang inlove? Iyong the guy that can't out of your head? Daydreaming..? May tao rin kayang magmamahal sa akin? Kung wala man, magiging masaya pa rin ako. Mayroon akong dalawang kapatid at tatlong kaibigan. Masaya na ako sa ayos na ganun.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko, "Kain na, Misty. May bisita tayo.." boses 'yun ni kuya Chandler.
Lumabas na ako at bumaba papuntang kusina. Nagulat ako nang may isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Nakita kong lumingon siya sa akin at pinasadahan ang suot kong minion na shirt at pajama. Nagtaas ako ng kilay, "Tinitingin tingin mo diyan?" humalukipkip ako.
"M, bisita natin siya. 'Wag kang ganyan," suway ni kuya Chandler. Napairap naman ako. Ba't naman kasi tinitignan ang suot ko?! Naiirita ako rito sa taong 'to!
Lumapit na ako at umupo na. Ang nasa tapat ko ay itong gunggong na lalake. Sino ba kasi 'to?!
Tumikhim si kulangot bago nagsalita. Tahimik lang akong kumakain dito dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda at pagkairita. "Misty.." lumingon ako sa kanya habang ngumuya. Nag-aabang ng kanyang sasabihin, "Siya ang.. magiging fiancé mo," sambit niya.
Napatawa naman ako nang malakas. Tama ba ang dinig ko? Fiance raw?! "Teka lang- BWAHAHA!" hinampas hampas ko ang mesa sa pagkatawa ko. Pinaypayan ko ang sarili ko, "Galing naman ng joke mo. Benta," sabi ko.
"We're serious, Misty," ani kuya. Nilingon ko iyong lalake, "Si Dwarren, Misty. Hindi mo naman pwedeng tanggihan agad 'yung tao malay magkakasundo pala kayo kapag-" pinutol ko siya.
"Ano? Seryoso ba talaga?!" padabog kong nilapag ang mga kubyertos. "Ano 'to?" nilingon ko 'yung Dwarren daw. Tumayoa ako at dinuro siya, "Hoy, ikaw-"
Pinutol ako ni kuya, "M, may pangalan siya." tumaas ang tono niya.
Hindi ko rin mapigilang mainis. "Kuya, naman.. Hindi niyo man lang ba tatanungin ang opinyon ko kung payag ako? Tsaka para saan 'to? " huminga ako nang malalim at pinipigilang umiyak. "Ipapakasal niyo ako sa isang lalakeng.." nilingon ko siya at nakita kong wala siyang pakialam, kumakain at nakikinig lang, "Hindi ko naman kilala at 'di ko gusto!" sinigawan ko sila.
"Misty, isang taong lang naman 'to. Pagkatapos pwede na kayong mag-separate para sa kompanya 'to nila mom and dad." paliwanag ni kulangot.
"Oo nga naman, M. Mabilis lang ang isang taon." singit ni kuya.
Pinakalma ko ang sarili ko bago nilingon si Dwarren. "Ikaw, wala ka man lang bang sasabihin?" matabang na tanong ko.
"Maka-react ka wagas," diretsong sagot niya. Nakakainis talaga siya!
"Hindi kasi ninyo naiintindihan ang nararamdaman ko!" naha-highblood ako rito, ah!
![](https://img.wattpad.com/cover/252620750-288-k504028.jpg)
YOU ARE READING
When the Stars Aligned
Roman d'amourMisty was engaged. That engagement was all arranged by her brothers. They didn't liked each other at first, but little did they know that they were falling for each other. Until, Misty found out that her future Mister had a child with someone else...