One

552 130 111
                                        

"Misty, asan ka?!" Pagsisisigaw ng mga katulong. Pumuslit ako sa likod ng bahay para makalabas. Mira Christy Tamayo ang name ko. Misty or M ang tawag sa akin ng karamihan.



Gumuho ang mundo ko nang lumisan na sila mom and dad. Nung nawala ang sila ay madalas akong tumatakas sa aming subdivision. Sa may labasan, mapalit lang nakatira sila Bench na minsa'y tinatawag na Benchong or Ben, tapos sila Raul, at Tonyo.



Silang tatlo ay magkakaibigan na talaga noon pa.



"Bata, tahan na kasi," sabay hagod ng likod ko. Nakaupo ako sa sementadong daan sa gilid ng kalsada at umiiyak.



"Kawawa naman 'yan, Benchong. Pinaiyak mo ba?" tanong nung medyo matangkad na lalaki at mukhang magkaibigan sila. Mukha siyang siga at nang-aaway kaya kinabahan ako.



"Uy hindi, ah." sagot naman nung Benchong.



Tumayo na ako at nagpunas ng luha, "A-Aalis na a-ako," sambit ko at pinagpag ang sarili pero hinawakan ako sa braso nung batang naghagod ng likod ko.



"Tara libre ka namin, bata. Para sumaya ka naman." aniya.



"Oo nga. Ang pangit mo kapag umiiyak," humalakhak iyong medyo matangkad na lalaki. Nakita niyang sumimangot ako, "Jukjuk lang," nagpeace sign siya sa akin.



"Ikaw, Raul, nang-aaway ka na naman ba?" may biglang dumating na mas matangkad sa amin na madungis ang kamay. Natakot ako kaya nagtago ako sa likod nung Benchong. Sumilip ako at nakita kong nakangiti iyong matangkad na lalake sa akin, "Hi, bata. Ako si Tonyo, ikaw si?" marahang tanong niya.



Napalunok naman ako bago sumagot, "B-Bawal daw po ako talk sa strangers," saad ko.



Tumawa naman siya, "Sige," ngumuso siya, "Tara libre nalang natin siya ng pagkain." pag-aya rin niya sa mga kasama ko. "Bakit pala 'yan umiiyak?" tanong niya. "Mukhang galing pa atang school, oh."



Kinuwento naman ni Raul at Ben ang nangyari. Tumatakbo ako palabas ng aming subdivision habang umiiyak. Ang mga kasambahay ay akalang nasa kwarto ako. Tulog ang security guard ng subdivision kaya nakatakas ako papuntang labasan. Nung umaga kasi, binully ako ng mga babaeng kaklase ko na tomboy daw ako dahil nakikisali ako sa larong benti-uno ng mga kaklase naming lalaki.




Dati sila mom and dad ang pinagsusumbungan ko.



Mukha lang silang adik pero ang totoo ay hindi naman sila nag d-drugs. Nagbibisyo lang paminsan minsan. Actually kaya paminsan minsan nalang dahil daw sa akin. Kaya laking pasasalamat nila dumating ako sa kanila. Nagbago daw buhay nila dahil sa akin. Ewan ko kung joke joke lang o totoo talaga.




Hindi naman sa napariwara sila nang todo, nabawasan lang ang pagbibisyo nila, nang dahil sa akin. Palagi ko kasi silang sinasaway at asthmatic din kasi ako.




Mula noon, sinasamahan na nila ako kapag lumalabas ako ng subdivision.




Tatlo kaming magkakapatid. Ako lang ang only girl sa amin. Malas nga lang dahil bata palang ako nawala na sila Mom and Dad.




Si Kuya Mirol Chandler ang pinakapanganay. Kaya nang mamatay sila ay siya na ang nag asikaso nang lahat ng business at the age of eighteen. Kaya siya ang sobrang busy. Hindi kami gaanong nakakapag usap or hindi ko siya masyadong mabwisit dahil nakakatakot at baka palayasin pa ako. May girlfriend na 'yun at sana magkaanak na sila para may lalaruin akong bata. Pero siyempre dapat kasal muna.




Hindi naman talaga ako boto sa jowa niya, lagi akong tinatarayan at mas feel at home pa siya kaysa sa akin! Pero since magaling naman pumili 'tong kuya ko for sure magiging maganda o gwapo rin ang magiging anak nila. Kaya lang, delikado ang magiging ugali. Charot.




Si Miren Choule naman ang mas close ko. Magkalapit lang kasi edad namin. Lagi ko siyang iniinis kasi trip ko. Hindi na yan pwede maki-mingle sa iba dahil taken na rin yan! Itong girlalu niya, botong boto ako! Ang bait niya di katulad nung isa dyan! Nag she-share rin siya ng mga pagkain. Hindi katulad ng isa ulit dyan taga kain lang sa bahay namin. Tapos tinutulungan din ako ng jowabels ni kulangot sa mga projects ko noon.




Graduate na 'ko ng college at 'di ko sigirado ang tinatahak ko sa buhay. Kaya lang gusto nila akong mag-manage ng hotel in the future, dahil konektado iyon sa business nila mom and dad na hinahandle ni Kuya Chandler.




Actually, naranasan ko na maging hotel receptionist noon kaso tinamad na ako nung na-heartbroken ako. Kaya ilang taon din akong tambay.




Sila Tonyo kasi ay may vulcanizing shop at doon kami tumatambay paminsan minsan. Ang gusto ko talaga 'yung may kinalaman sa pagmemekaniko, eh. Tinuturuan niya kasi ako noon bata pa kami, kaya nakahiligan ko na ring magmekaniko.




Nakagraduate ako nang may degree na BS HRM. Buti at nasurvive ko iyon kahit na hindi naman talaga iyong ang napupusuan ko.




"Mahiwagaa..." pagkanta ni Raul, "Pipiliin kaaa sa araw araaaw.." tunog nang-aasar pa talaga.



Iyon ang paborito naming kanta noon ni.. Napabuntong hininga ako, paboritong kanta namin ni Dwarren.




Mahilig talaga 'tong mang-asar si Raul. Ang sarap niyang ilagay sa ataul.




"Tigilan mo na nga si Misty, Raul." suway ni Bench.




Si Bench ang tagapagtanggol ko. Kahit noong bata palang kami, kapag inaasar ako ni Raul o nang iba ay pinagtatanggol niya ako.




Andito kami sa terrace ng bahay. Wala kasi sila kuya, eh, kaya libre magpapunta ng mga bisita o mga kaibigan.




"Sus, bakit 'di pa ba 'yan nakamove-on si M?" walang pakialam na tanong ni Raul.




Wala si Tonyo dahil sinasamahan niya ngayon ang tatay niya sa negosyo nila.




"Raul, talaga.." napailing si Benchong.




"Ewan ko sa inyo!" asik ko sa kanila.




Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

Ang nadarama sa 'yo'y malinaw




Naalala ko pa noong kinakanta namin ito ni Dwarren. Parang kailan lang nung ayaw namin sa isa't isa.. Nung nagkagustuhan at nahulog ako sa kaniya.. Parang kailan lang noong nangako siyang walang iwanan at walang magtatago ng sekreto sa isa't isa...






<3




03/24/21

When the Stars Aligned Where stories live. Discover now