Prologue

648 94 112
                                    

"Ano ba! Putangina!" Galit na sigaw ko at napaupo sa sahig habang umiiyak.



"Misty.." Tawag sa akin ni Dwarren.



Kinuyom ko ang kamao ko bago tumayo sa harap niya. "May balak ba kayong sundan si Emily, ha? Rito pa talaga?!" Dinuro ko siya.



Niyakap niya ako bigla, "M, hindi. Bigla lang niya akong hinalikan. Please 'wag ka namang umalis," pagsusumamo niya. Sinuntok-sunok ko ang dibdib niya hanggang sa nanghina ako. Bumitaw siya, tinignan niya ako sa mata. Hindi pa rin ako tumigil sa paghagulhol, "W-Wala k-ka namang balak na iwan ako 'di ba?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Iniwas ko mukha ko at hinawi siya. Dumiretso ako sa cabinet at binuksan iyon para kunin at ligpitin ang mga gamit ko. "Misty, naman..." Sunod lang siya ng sunod sa akin.



Pinagkasya ko ang mga gamit ko sa maleta. Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Mahal ko siya pero nasasaktan na ako...



Nang tumayo ako at hihilain na sana palabas papuntang sala ang maleta ay bigla niya akong niyakap sa likuran. "D-Dwarren, b-bitaw nga." Nanghihinang saad ko. Andito ako tumigil sa tapat ng pinto at hinanap ng paningin ko si Kaitlyn na mukhang umalis na at iniwang bukas ang pinto.



Umikot siya para harapin ako. "'Wag namang ganito, M. Malapit na tayong ikasal, ilang buwan nalang. 'Di ba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan?" kinagat ko ang ibabang labi ko, "I will love you 'til we're old, misis ko. Please stay. I'll explain. I love you. I love you, Misty, mahal kita. Please... Hindi ko kaya," Desperadong aniya habang umiiyak. Yumuko siya at pinagdikit ang aming noo at hinawkaan ang pisngi ko.




Mas lalo akong humikbi. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko, "Mahal din kita, Dwarren. Mahal na mahal... Pero hindi na ako masaya," bigla siyang bumitaw at tinitigan ako, "Nasasaktan ako!" Tinuro ko ang sarili ko. "Hindi ko rin kaya ng ganito! Oo, selfish ako! Kasi mahal kita..." Umiling ako, "Pero napapagod na ako..." Nanghihinang sabi ko.




Hinaplos niya ang labi ko at tinitigan iyon, "Pagod ka na?" tumango ako. "Ganito ba talaga ang gusto mo?" Dismayadong sambit niya at tumigil sa paghaplos ng aking labi.




Lakas loob akong tumango, "Alam kong magiging mabuting ama ka kay Emily. Emily is so precious to you... Alam kong hindi mo siya pababayaan." Inalis ko ang engagement ring at binigay sa kanya.




Muli niya akong niyakap nang mahigpit, "Kung 'yan ang gusto mo, rerespetuhin ko. Pangako, aalagaan ko si Emily at magiging mabuting tatay ako sa kanya."







<3


03/24/21

decided to change the prologue, mwehehe - 05/15/21

When the Stars Aligned Where stories live. Discover now