"Gusto kong sumali rito," nakangusong sambit ko kay Dwarren dito sa balcony habang nakatanaw sa paligid sa ibaba. Nagkakape kaming pareho at nagpapahangin at the same time. Nakita ko kasi sa isang Facebook post na may pa-singing contest sa loob ng tatlong araw, malapit lang dito at gusto ko iyong masubukan.
Nilingon ako ni Dwarren nang nakangiti, "Sali ka. Sususportahan kita," aniya bago sumimsim ng kape.
Humawak ako sa railings at pumikit kasabay ng pag-alon ng buhok ko sa hangin. "Ang ganda ng ganito," nagmulat ako ng mata at nag-angat ng tingin sa kanya.
Bumaling din siya sa akin, "Ang ganda nga," ngumisi siya bagi lumapit at hinalikan ang noo ko.
Umirap ako at muling pinagmasdan ang paligid. "Alam kong maganda ako. Ang ibig kong sabihin ang ganda ng sunrise lalo na kapag kasama mo 'yung mahal mo." Nakangiting saad ko. Nagising kami ng maaga at inantay nalang ang paglabas ng haring araw kanina.
Nung hapon ay pumunta ako ng bahay para makuha ang gitara na gagamitin ko. Marunong akong maggitara dahil tinuruan ako noon ni Bench. Iyong 'Maybe the Night' ay alam ko na ang mga chords. Inikot ko ang peg ng guitar para maayos ang tono. Nag-practice lang ako buong gabi dahil matagal na rin simula noong hindi ako nakapagtugtog. Andito ako sa kama naka-indian seat at nakapatong sa hita ang gitara. Bumukas ang pinto at pumasok si Dwarren, tinabihan ako. Habang kumakanta ay sinabayan niya ako. "Moon has never glowed this color... Hearts have never been this close." Nagkatitigan kami, "I have never been more certain... I will love you 'til we're old..."
Napatigil ako sa pagkanta nang hinawakan niya ang isang kamay ko, "Bakit?" Natatawang tanong ko.
"I will love you 'til we're old, misis ko." Lumapit siya para bigyan ako ng halik.
Kinabukasan ay umalis kaming pareho at sinamahan niya ako sa audition. Sa may auditorium lang ng city ang venue at marami-rami ring tao. Pang-number fifty-seven pa ako kaya nagpabili muna ako ng makakain para maibsan ang kaba. "Anong gusto mo, misis ko?" Tanong sa'kin ng Dwarren habang nakaupo sa monobloc chair.
"Hmm..." Lumingon ako sa paligid, "Gusto ko sana ng mais."
Bahagya niyang ginulo ang aking buhok bago tumayo, "Ilan?"
Ngumiwi ako, "Isa lang. Grabe 'to!" Asik ko.
Pagkabalik ni Dwarren ay may dala siyang dalawang mais. "Ayan para sa misis ko," kinuha ko iyon. Hinalikan niya ang noo ko, "Goodluck. I love you," bigla-biglang saad niya. Uminit naman ang pisngi ko at lumingon sa paligid. May mga kabataang nakatingin at kinilig pa.
Tinawag na ang numero ko at kinuha ko na mula sa case ang gitara ko. Umakyat ako sa maliit na stage at tumayo sa tapat ng mic na may stand. Isinabit ko ang guitar strap sa balikat. Kita sa baba na nanonood si Dwarren, nakatayo, nakangiti, at nakapamulsa. Huminga ako ng malalim at pumikit bago nagstrum, "I want to lay down by the fire with you... Where souls are glowing, ever warmer too." Sakto pagmulat ko ng mata at nag-flying kiss pa ang mister ko. Mas ginanahan tuloy ako! Napangiti ako habang kumakanta, "Your love surrounds me like a lullaby... Singing softly, you are mine, oh mine." Nakatingin ako sa mga mata niya sa bawat pagbigkas ko ng lyrics.
Pinagpatuloy ko lang iyon hanggang sa matapos. Nagpalakpakan naman ang mga judge pati na rin ang ibang naroon. Pagkababa ko ay dali kong niyakap si Dwarren. "Nakakakaba," nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti siya at kiniss ang ilong ko. Napapikit naman ako, "You did great, baby, misis ko."
"Salamat sa pagsama at pagsuporta sa'kin dito. Love you," nag-tiptoe ako para mahalikan siya sa pisngi. Nilibot ko ang paningin ko. Ang PDA pala namin masiyado!

YOU ARE READING
When the Stars Aligned
RomanceMisty was engaged. That engagement was all arranged by her brothers. They didn't liked each other at first, but little did they know that they were falling for each other. Until, Misty found out that her future Mister had a child with someone else...