5

3 1 0
                                    

Kalen:

Susunduin kita bukas. 7 ang pasok mo 'di ba? 6:30 pupunta na ako para hindi ka ma-late.

Bukas na ang first day at senior high na ako. Nakaka-excite nga dahil apat na taon din akong hindi nakapag-aral. Nag advance reading ako kaya nakaka-excite rin dahil alam ko na ang mga aaralin namin.

Sa star section ako napasok dahil magaganda ang grades ko noong highschool ako. Honor student din ako sa school namin nun sa public school. Ayaw ko na nga lang bumalik dun dahil makukulit at bully ang mga estudyante.

Maaga akong nagising kinabukasan. May small bag akong binili dahil ayaw ko munang gamitin ang binili ni Kalen sa akin na pang-school talaga, first day pa lang naman.

Black pleated skirt at polo na may black ribbon ang uniform namin. Maiksi ang palda pero ayos lang naman, mahaba rin ang medyas. Hindi ako sanay sa ganitong uniform, sanay ako na parang pang-madre ang skirt ko at polo lang.

Inayusan ako ng buhok ni Mama, half up french braid ang pagkaka-ayos niya at tint lang ang nilagay ko sa labi ko dahil sa school lang naman ako. Nag-dala lang ako ng notebook at ballpen para isulat ang mga subjects at schedule namin.

"Si Kuya maaga umalis?" tanong ko kay Mama nang mapansing wala na si Kuya sa baba.

"Oo, pinuntahan 'yung project nila sa Makati. Anong oras nga uli ang pasok mo?"

"7 kailangan nasa school na. 7:20 ang start."

Natigil lang ang pag-uusap namin ni Mama nang may kumatok sa pinto. Siya na ang nag-bukas dahil nag-aalmusal pa ako. Nakita ko sa labas si Kalen, naka office attire siya at nakangiting sinalubong si Mama.

"Good Morning po, Tita."

"Naku! Magandang umaga rin! Mag almusal ka na rito!"

Nilakihan ni Mama ang pagkakabukas ng pinto at sinenyasan na pumasok si Kalen. Nag-tama ang tingin namin at pinasadahan niya ako ng tingin sabay ngiti. Ngumisi ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan ang suot. Hubad na kasi ang coat niya kapag nasa bar, ngayon suot niya na.

"Mag almusal ka na, nagluto ako."

Binalingan ni Kalen si Mama. "Nag breakfast na po ako, Tita. Hihintayin ko na lang po si Callisse. Thank you po."

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para hindi na siya mag-antay nang matagal. Ang kapal ko naman 'di ba? Halos siya na ang nag-paaral sa akin, siya na ang maghahatid-sundo sa akin tapos ngayon pag-aantayin ko pa.

"Tapos." sabi ko habang puno pa ng pagkain ang bibig at dali-daling pumasok sa kusina para ilagay sa sink ang plato ko.

"Hoy, baka mabulunan ka!" saway sa akin ni Mama at awkward na tumawa. "Pagpasensiyahan mo na, Kalen, mabagal talagang kumilos 'yan."

Wow huh?

Nag toothbrush ako at inayos uli ang sarili bago lumabas. Napatingin sa akin 'yung dalawa, parehas nakangiti habang pinapasadahan ako ng tingin. Tumayo si Kalen kaya tumabi ako sa kaniya at binalingan si Mama na naluluha na.

"Ma," Umasim ang mukha ko habang pinapanood siyang punasan ang luha sa gilid ng mata niya. "Ano ako? Kinder?" Humalakhak ako.

Natawa rin siya kahit naluluha, hinampas niya ako sa braso. "Kasi naman apat na taon kang huminto at nag-trabaho para pag-aralin ang Kuya mo. Masaya lang ako na sarili mo naman ang inuuna mo ngayon."

"Worth it naman lahat, Ma."

Nakanguso siyang tumango at binalingan si Kalen. "Salamat, Kalen, malaki ang naitulong mo sa amin. Hulog ka ng langit."

I Just Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now