Sa mga nagdaang araw, wala akong ibang ginawa kundi mag-pokus sa pag-aaral at tumulong kayla Mama. Parang single mom nga ako kapag wala sila dahil ako lang mag-isa sa bahay at ako ang naglilinis at nagluluto. Minsan dinadalhan ko rin sila Kaiser para hindi na siya magluto o bumili sa labas, natural kapag namamalengke naman si Mama ay kasama sila sa bilang dahil parang anak na rin ang turing niya sa dalawa.
Nakakatuwa na kinaya ko ang school year na 'to. Para akong bumalik sa kabataan ko kung saan unang beses akong nag-aral. Para akong bumalik sa kinder. Ang bilis ng panahon. Ngayon isang taon na lang ang aantayin ko at college na ako.
"With high honors. Sevelleno, Calliope Tristesse."
Umakyat ako sa stage na malaki ang ngiti at kinuha ang certificate at medal ko bago humarap sa madla. Tinignan ko sila Mama, Kuya, mga kaibigan ko pati na rin si Kalen na pumapalakpak sa akin ngayon. Yumuko ako at sa isip ay sobrang nagpapasalamat sa kanila dahil hindi ako makakarating dito kung hindi sila ang inspirasyon ko.
"Whooo! Ang galing mo, Calliope!" sigaw ni Maureen na may honor din kagaya ko. Lahat kami ay with honors kaya naman nag handa talaga si Mama.
"Ayan na, isang taon na lang at ga-graduate ka na." Tumawa si Kuya at ginulo ang buhok ko. "Congrats."
"Salamat, Gusion."
Napawi ang ngiti niya at napatili ako nang bigla niyang kinulong ang ulo ko gamit ang braso niya.
"Sira talaga ang ulo mo!"
"G-Gusion..." Kiniskis niya ang kamao niya sa ulo ko habang tinatapik ko ang braso niya. "Masakit, hayop ka!"
"Ano ba 'yan, Calix!" Natatawang saway ni Mama at inalis ako sa pagkakakulong sa kapatid ko. Mahigpit akong niyakap ni Mama habang nagtatatalon siya. "Ang galing mo, anak!"
"Baka anak ni Susan 'to," Hinawi ko ang buhok ko at natawa naman silang lahat.
Nginitian ko si Mama bago binalingan si Kalen na kanina pa ata nakatingin sa akin at hinihintay niya lang na mapansin ko siya. Nginitian ko rin siya at nilapitan bago binangga sa braso.
"Salamat sa pag gawa ng mga arts ko, Mayor." Pang-aasar ko sa kaniya. Nakakatawa na ako ang pinaka-mataas sa Arts dahil sa mga ginagawa niyang activities ko. Di-ni-splay pa nga e! Puring-puri naman nila ako dahil akala nila ako ang gumawa.
"Anytime." Ngumiti siya at ginulo rin ang buhok ko.
Tss. Parang si Calix.
Dumiretso kami sa bahay dahil may handaan. Nag tawag pa ng kapit-bahay si Mama kaya naman sa kwarto na lang kami tumambay nila Kalen kasama ang mga kaibigan ko at kapatid niya. Alam kong sanay sila sa marangyang buhay pero nakakatuwa na hindi sila nag reklamo kahit sa lapag lang kami nakaupo, walang sapin at walang lamesa kaya pahirapan kami kumain.
"Fan ka pala ng One Direction, Ate?" Nilibot ni Kaleigh ang paningin niya sa kwarto ko. Puro poster ng 1D ang nakadikit do'n.
"Oo. Crush ko si Zayn." Kinindatan ko siya.
"Tsk. Mas gwapo pa ako ro'n." Pagmamayabang ni Samuel dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"Kuko ka lang niya, tanga!"
"Oh, ayan na! Away na!" Gatong ni Charlotte.
"Hindi ka naman mapapansin nun," Naka-ngusong nag-iwas ng tingin si Samuel.
"Wait ka lang diyan. Kapag ako nakapag-aral sa ibang bansa, baka pag-uwi ko rito ay boyfriend ko na siya!"
"Ay, ganun ba 'yon?" Tumatawang tanong ni Maureen.
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.