51

1 1 0
                                    

Papasok na sa garahe ang kotse ko nang makita si Ezekiel sa pinto ng bahay, nag-aabang habang magka-krus ang braso. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Mabilis kong pinunasan ang pisngi kong puno pa ng luha dahil hindi sila maawat habang nagmamaneho ako paalis sa bahay nila Kaleigh.

Nagu-guilty ako sa hindi malamang dahilan.

Mahina akong napamura nang makitang namumugto ang mga mata ko. Kahit ata bukas ay hindi 'to mawawala. Hindi ako makakatakas kay Ezekiel.

Hindi niya ako binigyan ng oras para ayusin ang sarili ko. Nagulat ako nang makita siya sa tapat ng kotse ko, nag-aabang at mukhang masama ang timpla.

Inayos ko ang gamit ko bago nakayukong lumabas. Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya at nanghihinang sumandal sa balikat niya.

"Why aren't you answering my calls?" Bumuntong-hininga siya. "Kanina pa kita tinatawagan. Galing ka kayla Kaleigh?"

Tumango ako. "Sorry..."

"What's wrong?" Kumibot ang labi ko nang hawakan niya ang likod ko at hinaplos. "Hmm?"

"K-Kiel..."

"May nangyari ba? May... nakita ka ba ro'n?"

Hindi ako sumagot. Ayaw kong mag sinungaling, pero ayaw ko ring malaman niyang umiiyak ako dahil kay Kallele.

"Is he there?" Mababa ang boses niyang tanong.

Tumango ako. "I'm sorry..."

"It's okay..." Humakbang siya palapit sa akin hanggang sa wala na kaming distansya. Hinawakan niya ang ulo ko at marahang hinaplos 'yun. "What happened?"

"G-Gusto niyang... balikan ko siya,"

"Gusto mo ba siyang balikan-"

Kumalas ako sa yakap niya at sinamaan siya ng tingin. Akma ko siyang babarahin nang makita ang pagod at nanghihina niyang mata.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Mariin kong tanong.

"Mahal mo pa ba siya?"

Umawang ang labi ko at mabilis na umiling. "Ano ka ba?! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo-"

"Bakit umiiyak ka pa rin?" Mariin niyang tinignan ang pisngi ko nang may tumulong luha. Napapikit ako nang marahan niya 'yong hinaplos para mawala. "Bakit nasasaktan ka pa rin?"

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang bigat ng nararamdaman. Maski ako nalilito. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Ezekiel. Totoo 'yun. Mahal na mahal ko siya, at alam kong higit pa 'yun sa naramdaman ko kay Kallele.

Pero bakit nasasaktan pa rin ako kapag nagmamakaawa sa akin si Kallele na balikan ko siya? Bakit may panghihinayang pa rin para sa aming dalawa? Dahil ba ginanito kami ng tadhana? Natabunan lang ba talaga ng galit ang nararamdaman ko sa kaniya?

"Mahal mo pa siya, Callisse?"

Umiling ako.

"Alam kong mahal mo ako, pero, siya-"

"Mahal na mahal kita, Kiel, kaya nga ikaw ang pinili ko 'di ba?" Putol ko sa sasabihin niya.

Hindi ko gustong iniisip niya 'to. Ni minsan, alam ko sa sarili ko na hindi ko pinaramdam sa kaniyang nakakalamang pa rin si Kallele, dahil noong araw na sinagot ko siya, alam ko at sigurado akong siya talaga ang pipiliin ko kahit anong mangyari.

Siguro kaya nasasaktan pa rin ako ay dahil kahit papaano, mahalaga pa rin sa akin si Kallele. Siya ang dahilan kaya kahit papaano'y umayos ang buhay namin.

I Just Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now