"Good morning, Kallele." bati ko, hindi na nagulat nang makita uli siya sa shop.
Palagi siyang nandito at palagi ay nagpapagawa siya. Minsan ay bumibili. Hindi ko nga siya minsan ma-gets dahil araw-araw siyang nandito samantalang pwede niya naman sabihin sa akin ang mga design na gusto niya. Isa pa, client siya at hindi ko siya pwedeng tanggihan.
"A-Ah... bibili lang." sabi niya habang pumipili sa male section.
Ngumiti ako tumango bago binalingan ang mga staff ko. Hindi ako maaga pumupunta dahil nandito naman si Mama, magdamag nga lang nasa office. Si Bianca ang madalas mag entertain dito.
"Magtatagal ka ba, Ma'am?" tanong ni Bianca.
"Hindi naman. Dumaan lang ako kasi kukuhanin ko 'yung portfolio ko. Dadaan ako kayla Mrs. Constantina para sa 50th birthday niya. Dito ko rin naiwan sa office 'yung design."
"Oo nga po pala. Ginabi na po pala kayo rito."
Tumango lang ako at nilingon si Kallele na nakikinig pa ata sa amin. Agad niyang binalik ang tingin sa mga damit at pumasok naman ako sa office kung nasaan si Mama at may inaasikaso.
"Kuhanin ko lang," sabi ko at kinuha sa drawer ang portfolio ko pati ang design ng gown ni Mrs. Constantina."
"Nag almusal ka na?" tanong ni Mama.
Tumango ako. "Binigyan ako ni Kiel pag-uwi kasi maaga ang hearing niya ngayon."
Ngumisi siya at tumango. "Nasa labas si Kallele?" natigilan ako at tumango bago bumuntong-hininga. "Nakikipag balikan ba?"
Umiling ako.
Naisip ko rin namang pakulo 'to ni Kallele para mapalapit sa akin pero ayaw ko siyang komprontahin dahil paniguradong mangungulit lang siya. Kapag kinausap ko siya, magkakaroon siya ng rason para kausapin ako nang kausapin. Hindi siya titigil. Napag-usapan na namin 'to, at kung hindi pa rin siya titigil, kasalanan niya na 'yun.
"May plano ka bang balikan kung makikipag balikan?" Tumigil si Mama sa sinusulat at tinignan ako mula sa ilalim ng salamin niya.
Umismid ako. "Kasal 'yung tao, Ma."
"At kung hindi kasal, pwede?"
Bumuntong-hininga ako. "Hindi. Kilala mo ako, Ma. Hindi ako 'yung tipo ng tao na nagpapabalik kapag may umaalis."
Tumango siya at ngumiti. "Matanda ka na at alam kong alam mo na ang tama at mali, 'nak. Pero gusto kong sundin mo ang puso mo. Hindi sa sinasabi kong mahal mo si Kallele, pero kung ganun nga at parehas kayo ng nararamdaman, ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?" pinaningkitan niya ako ng mata.
"Wala sa isip ko ang maging kabit, Ma," Ngumisi ako at inipit ang portfolio sa braso ko. "At kung mahal ko si Kallele at mahal niya ako, sa tingin ko mali pa rin dahil nga kasal siya at mahal siya ni Neria."
"So parehas kayong magdurusa, ganun? Kasama 'yung taong hindi niyo naman mahal?"
Nagkibit-balikat ako. "Kaysa naman mahal nga namin ang isa't isa, tutol naman sa amin ang lahat. At kung mahal ko pa rin si Kallele, hindi ako hahanap ng iba para may panakip-butas."
Bahagya siyang natawa. "Hindi mo na nga mahal..."
Umangat ang gilid ng labi ko at napailing. Ang totoo, hindi naman nawawala ang pagmamahal mo sa isang tao e. Napapalitan lang at nahihigitan.
"You're leaving?" tanong ni Kallele, humabol sa akin sa parking lot.
Tumango ako at nilagay sa passenger's seat ang portfolio ko bago siya nilingon. "Tapos ka na mamili?" nagbaba ako ng tingin sa paper bag niya at tumango. "Wala ka bang trabaho?"
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.