29

2 1 0
                                    

Ginilid ko sa bunganga ko ang lollipop nang lumabas ako ng kotse para sunduin si Fabienne sa school nila. Kinder na siya ngayon at dahil nandito na ako, ako na ang maghahatid-sundo sa kaniya.

Patingin-tingin ako sa paligid habang hinahagilap si Fabienne. Naturuan na raw siya kung saan siya dapat maghintay at dahil nagmana siya sa akin, malikot siya at hindi madaling hagilapin.

"Tsk!" Pumamewang ako nang makita ko siyang nakikipag-kilitian sa kaklase niya habang nakahiga sila sa lapag. Magulo na ang buhok, madungis at gusot na ang uniform niya. "Fabricia Lienne!"

Agad siyang tumayo, bakas pa rin ang pagtawa sa mukha niya. 'Yung katabi naman niyang babae ay maligalig na kumaway sa akin.

"Mama!" sigaw niya at patakbong lumapit sa akin. Pinagtitinginan na siya ng mga schoolmates niya pero parang wala lang sa kaniya.

Inaalagaan ko naman 'to... pero bakit mukha siyang napabayaan?

"Ang asim mo na!" Nangasim ang mukha ko nang yumakap siya sa akin at natawa naman siya.

"Sorry po, Mama. Nagkulit po ako." Gigil niya akong hinalikan sa pisngi. "Siya Mama ko!" Tinuro niya ako sa mga bata at napatakip naman ako ng mukha. "Panis! Maganda siya ano?"

"Sigurado ka ba? Ate mo 'yan e..." Sabat ng isang bata at napangisi naman ako.

"Oo nga! 'Yung Papa mo nga Kuya mo lang ata e!"

"Ble!" Dumila si Fabi sa kanila dahil para mangasim na naman ang mukha ko. "Maganda kasi Mama ko at Lola! Inggit kayo!"

"Magtigil ka na." Pinandilatan ko siya bago maangas na tumango sa mga bata. "Ako ina niyan, hindi ba kapani-paniwala?" Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ko nang makitang natakot sila. "Maganda kasi lahi namin, hindi niyo ata napansin."

"Charot, charot!" Nag peace sign sa kanila si Fabienne bago siya bumababa mula sa pagkakabuhat ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ang kabila naman ay ang lunch box niya. Hila ko naman gamit ng isang kamay ko ang stroller niya.

Nang sumakay siya sa kotse ay agad niyang kinabit ang seatbelt niya at binuksan ang phone ko para magpatugtog. Nagmaneho naman ako papunta kayla Jairus para ibaba si Fabi bago pumunta kayla Sapphira dahil balak naming tumingin ng lupa ngayon na patatayuan ng shop namin.

"Langit?" Kumatok ako sa pinto nila at nagulat ako nang bumungad sa akin si Icy na wala man lang reaksyon.

"Hi." Tipid siyang ngumiti bago binuksan nang maluwag ang pinto nila. "Ate Sky is in her room, akyat ka na lang po, Ate?"

"Naliligo?"

"I don't know po. You can wait here if you want."

Nakita kong may hawak siyang skateboard kaya baka lalabas siya. Hindi na ako umakyat at naupo na lang sa sofa nila. Wala pa ring pinagbago, maganda at malinis pa rin.

Mula rito ay naririnig ko ang boses ni Kai na paniguradong nagpa-practice na naman. Naririnig ko rin ang tawanan nilang magkakapatid kaya baka magkakasama sila. T-in-ext ko naman na si Sky na papunta na ako kaya paniguradong nag-aayos na 'yun.

"Calliope!" Nagulat ako sa malakas na tiling 'yun kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita kong pababa na si Ate Zoe na may dala pang stick. "Na-miss kita!"

"Onis 'yan?" Narinig kong tanong ni Lei.

"Edi 'yung fashion designer natin na fresh pa from France!" Sigaw ni Ate Zoe at narinig ko na ang kalabog mula sa second floor. Maya-maya lang ay nasa harapan ko na ang magkakapatid, except kay Sapphira na abala sa pag-aayos ng buhok niya.

I Just Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now