Pagod ako kagabi dahil abala ako sa draping. Nagugulat nga si Ezekiel dahil nakikita niyang hindi na hubad 'yung dress form ko e. Nakikita niya 'yung progress kaya naman hindi na raw siya makapag-hintay makita 'yung outcome.
After kong maligo ay pumunta na ako sa apartment niya dahil doon ako nagluluto at sinasabayan ko rin siya kumain. Hindi raw kasi siya sanay mag-isa. Naiisip ko tuloy kung paano niya nakayanang mag travel mag-isa? Or may kasama siya? May girlfriend kaya 'to?
"O-Oh!" Gulat siyang napatayo nang makita akong pumasok sa apartment niya. May spare key rin ako. Ganun kalaki ang tiwala niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa center table niya at bigla akong na-guilty nang makitang kumakain siya ng chichirya bilang almusal.
"I-I was hungry and-"
"Hala, sorry!" Napahawak ako sa bibig ko at gulat siyang tinignan. "Anong oras na kasi akong natapos sa ginagawa ko. Na-late ako ng gising."
"Yeah. I saw you last night. I was watching you actually..." Nanlaki ang mata ko. "L-Lumabas kasi ako k-kasi naghahanap ako ng tindahan tapos nakita kita-"
"Nagutom ka kagabi?"
"Slight..." Nahihiya siyang nagkamot ng ulo.
"Dapat pinuntahan mo ako! Gutom din ako nun!" Natawa siya. "Next time puntahan mo ako kapag gutom ka para magluluto ako ng pancit canton. Dumating 'yung package galing sa Pilipinas kaya may mga filipino foods ako. Nandoon sa apartment, mamaya dadalhin ko rito 'yung iba."
Tumango siya. "Sure. Next time sasabihan kita."
"Magluluto lang ako. Tigilan mo na 'yan," Pinandilatan ko siya dahil hindi magandang kumain ng chichirya sa umaga. Puro betsin kasi. "Uminom ka na ba ng kape?"
"Yes."
Sumunod siya sa akin sa kusina at uminom siya ng tubig habang pinapanood akong mag prepare ng breakfast namin.
"Mamaya, anong gusto mong ulam?" tanong ko pa.
"You choose."
"Ikaw na. Lahat naman kinakain ko."
"Me too."
"So ano ngang gusto mo?" Nilingon ko siya habang mini-mix sa bowl 'yung ingredients para sa pancake.
"Anything."
"Sinigang?" Tumango siya. "Anong mas gusto mong sinigang?"
"I love seafoods."
"Bangus?"
"Yes. Anything."
Natawa ako at tumango na lang. Parehas sila ni Jairus, mahilig din sa seafoods 'yun. Hindi gaya ni-
Pinilig ko ang ulo ko nang pumasok na naman siya sa isip ko. Pinagbuntong-hininga ko na lang 'yun at tinuon ang atensiyon sa ginagawa.
Nakakausap ko pa sila Kaleigh, palagi siyang tumatawag sa akin para mangamusta. Gaya rin nila Sky ay pinapadalhan ko siya ng damit na gawa ko. Kapag kasi malalim ang inisiip ko ay nagtatahi ako, ayaw kong naiisip ko siya.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong ko kay Ezekiel na handa na kumain ngayon. Hinain ko ang pancake sa lamesa at naupo rin sa harap niya.
"Ano bang magandang puntahan dito?" tanong niya.
"Gusto mong pumunta ng Paris?" Agad siyang tumango. "Sige, alis ka na." Napawi ang ngiti niya kaya naman muli akong natawa. Siguro naisip niyang binibiro ko siya kaya pati siya nakitawa na rin.
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.