48

1 1 0
                                    

Isang taon na pala'ng nanliligaw sa akin si Ezekiel, hindi ko napansin dahil sa totoo lang, parang mag-jowa na rin naman kami. Hatid-sundo niya ako madalas, kapag may oras din ay sabay kaming nagmemeryenda. Minsan pumupunta siya sa bahay kapag naiimbitahan ni Mama sa tuwing sinusundo niya ako sa boutique. Minsan din ay sabay kaming nagsisimba kasama si Fabricia.

Malapit na siya sa anak ko. Kung ano-ano ngang laruan ang binibili niya, nakaka-miss lang daw magkaroon ng batang inaalagaan. May mga pamangkin naman siya pero hindi naman daw niya laging nakikita.

Hindi ko alam na mahilig din pala sa bata si Kiel.

"Halimbawa.... halimbawa lang 'to ah!" Pinandilatan ko siya. Natatawa naman siyang tumango.

Magkasama na naman kami ngayon sa condo niya. Birthday niya kasi kahapon kaso hindi kami nagkasama dahil nag celebrate sila ng family niya. Inaaya niya nga ako para raw makilala ko na sila kaso kahapon ay kinailangan kong samahan si Sapphira sa ospital dahil kailangan niya ng makakasama. Naintindihan naman ni Kiel.

"Halimbawa nagpakasal tayo at ayaw ko ng anak, papayag ka ba?"

Umawang ang labi niya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil ang hirap talaga. Hindi ko makita ang pagtutol sa mga mata niya, mukha lang siyang inosenteng tao na tinanong kung nakapatay ba siya.

"Hindi ba ikaw dapat ang mag desisyon niyan?" Ngumiti siya.

"Eh ikaw, siyempre asawa kita no'n. Alam mo bang kadalasan ang problema sa isang relasyon ng mag-asawa e kapag hindi pwedeng mabuntis ang babae o kapag ayaw ng babae mag-anak?" Napakunot ang noo niya. "So halimbawa kapag kinasal tayo at ayaw ko pala ng anak pero gusto mo, iiwan mo ako?"

Bahagya siyang natawa at napailing. "Hindi naman kita papakasalan para buntisin, Callisse. Hindi ba pinapakasalan mo ang isang tao kasi mahal mo sila at gusto mong makasama sila habang buhay?"

"Pero siyempre kung gusto mo ng anak at ayaw ko, hindi naman kita pwedeng itali sa akin kung may babae namang willing magdala ng anak mo."

Bumuntong-hininga siya at bahagya uling natawa bago ako inakbayan. "Callisse, ikaw ang magdadala ng bata kaya ikaw dapat ang mag desisyon niyan," Malambing niyang paliwanag. "Kung ayaw mo, edi huwag tayong mag anak. Ano naman kung gusto ko ng bata? Maraming bata diyan, kahit hindi sa atin. Papakasalan kita kasi mahal kita. Kuntento na ako sa'yo, sa kaya mong ibigay, kahit hindi anak."

Ngumisi ako. "Ayos lang sa'yo na walang anak?" Mabilis siyang tumango. "Pero gusto mo ng anak?"

Nagtaas siya ng balikat. "May anak o wala, ayos lang. May mga pinsan akong pwedeng mag-anak, marami akong pwedeng alagaang bata."

Natawa ako at tumango. Sa totoo lang, ayun lang naman ang problema ko. Wala kasi sa isip ko ang mag buntis at bihira lang sa mga lalaki ang makakaintindi nun. Swerte na lang ako na si Kiel ang napunta sa akin. Pero kung kami nga talaga sa dulo at gusto niya ng anak, kaya ko namang ibigay. Ano bang mahirap sa pagdadala at pag-aalaga ng bata, financially stable naman na kami. Hindi ko man naalagaan si Fabi nung baby pa siya, sa tingin ko naman ay kaya ko mag-alaga ng baby.

"Okay," Tumango ako.

Natawa siya. "Okay."

Bahagya akong napanguso at lumingon sa kaniya. "Pwede ka sa Sunday?"

"Hmm? Why? I'll free my sched if you need me."

"Ipapakilala kita kayla Mama bilang boyfriend ko."

"Okay—What?!" Biglang nanlaki ang mata niya at napaurong palayo sa akin.

"Ayaw mo?"

I Just Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now