Bago kami umalis ni Kiel sa Tondo ay tumulong siya sa mga tao ro'n. Kakausapin niya rin daw ang mga Vergara para gumawa ng plano para sa lugar dito. Gaya na lang ng pagpapagawa ng paupahan para sa mga natutulog sa lansangan. Ang pagtatayo ng negosyo para magkaroon ng trabaho ang mga tao. Pagsasagawa ng feeding program at ibang programa para sa mga bata at mahihirap. At marami pang iba.
Nakakalambot ng puso para sa isang taong galing sa hirap. Gusto ko rin tumulong kaya naman hindi na ako makapag-hintay na matuloy ang plano niya. Naiisip ko pa lang ang tuwa sa mukha ng mga tao rito ay hindi na ako makapag-hintay.
"I miss my friends, Mama..." Ngumuso si Fabi habang nakatingin sa mga laruan niya. "Gusto nila 'yung toys ko pero kaunti lang ang nabigay ko..."
"Naku, ang daming binili ng DaddyPa mo sa kanila. Sa pasko, babalik tayo doon kasi magpapa-christmas party sila DaddyPa mo tsaka sila Papa, Daddy at Tatay mo."
"Really?" Nagliwanag ang mukha niya.
Tumango naman ako.
Sa covered court magaganap ang christmas party. Dapat nga ay magde-date kami ngayon ni Kiel kasi monthsary namin pero abala siya sa pamimili ng regalo para sa mga bata kasama ang mga kapatid ko. Ayos lang naman. Marami pa naman kaming pwedeng i-celebrate na okasyon na magkasama, minsan lang mag pasko kaya hinayaan ko na siya sa gusto niya.
Tumambay ako sa shop ni Sky nang ma-bored dahil hiniram ni Tatay ko si Fabricia. Hindi niya naman talaga apo 'yon dahil hindi niya naman anak si Kuya Calix. Pero dahil wala pa siyang apo sa aming mga tunay niyang anak, tinuring niya na rin na parang tunay na apo si Fabricia.
"Kumusta naman kayo after niyong tumira ng isang linggo sa Tondo?" Natatawang tanong ni Sky habang abala sa paglalagay ng cupcakes sa oven.
Ngumisi ako at sumandal sa counter top. "Ayon, mukhang nasanay sa buhay doon. Naalala ko pa na sinabi niyang pag-iigiban niya ako ng tubig sa condo, e may bath tub kami ro'n! Nakalimutan niyang may tubig na pala kami."
Malakas na tumawa si Sapphira habang pumapalakpak pa.
"Oh? Tapos?" tanong niya pa nang kumalma.
"Naghahanap ng daing at nung naglalako ng taho, 'te. Gusto pa nga ata magpagawa ng bahay no'n sa Tondo." Umirap ako.
Paano ba naman kasi, narinig ko siyang may kausap sa phone at nagtatanong kung may binebenta bang lupa sa Tondo. E imposible naman 'yon! Hindi naman probinsya ang lugar namin. At kung makakabili man kami ng sariling lupa ro'n, 'yung natayuan na ng bahay at baka gibain pa.
"First time niyang maglaro ng basketball nang naka hubo, ayon at kapag tumatambay sa labas kasama ang mga hypebeast, nakahubad siya-"
Naputol ang sasabihin ko sa malakas niyang halakhak. Natawa na rin ako dahil bumabalik sa alaala ko ang mga nakakatuwang experiences ni Kiel sa kinalakihan kong lugar.
Naalala ko kung paano siya nagulat sa away sa labas. Kung paano maghagisan ng gamit ang mga kapitbahay namin kapag nag-aaway. Ang mga batang naghahabulan at basta na lang mangangatok sa bahay. Lahat 'yon namangha siya. Cute na cute nga ako sa reaksyon niya dahil alam ko naman na hindi siya sanay sa ganito. Pero imbis na ayain akong umuwi, talagang tinapos namin ang isang linggo.
Minsan ding nagtatawag 'yan ng mga naglalako sa labas para ma-try ang mga pagkain. Pero dahil nagtitipid kami, minsan naghahati lang kami para sa meryenda pero pinapaubos ko sa kaniya dahil siyempre kinalakihan ko na ang mga pagkain na 'yon.
Imbis na matakot sa buhay namin, mukhang minahal niya pa ang lugar namin.
"How's my sweetheart?" Tumabi siya sa akin sa kama at agad yumakap. "Sorry, babawi ako next month, okay?"
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.