"Sakit na ng ulo ko."
Umunat ako at umayos ng upo sabay tingin kay Sapphira na focus na focus sa inaaral niyang pastry.
"Pahinga ka muna," sabi niya. "Nga pala, tatawag si Natasha mamaya. Abangan natin."
"Natasha Guevarra?" Nanlaki ang mata ko.
Tumango siya. "May pinabili kasi ako sa kaniya, ipapakita niya raw mamaya kung tama."
Umawang ang labi ko. "Pupunta siya rito?"
Umiling siya. "Ipapadala lang."
Tumango ako at sabay kaming tumingin sa laptop niya nang tumunog iyon at lumabas sa screen ang mukha ni Natasha. Agad 'yun sinagot ni Sky at nagulat ako nang makitang si Natasha nga 'yun!
"Hey," Mukhang kakagising niya lang yata. "I slept late last night. Ipapadala ko na later, check mo muna."
"Mag-almusal ka muna, Ellery!" Singhal ni Sky.
"Pinadalhan nga ako nila e," Tinapat niya 'yung camera sa bedside table niya at nakita nga naming may kanin at mga ulam do'n.
"Ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Sky.
"Of course..." Ngumiti siya. "Of course I'm not." Napawi ang ngiti niya at nawala sa screen ang tingin niya.
Huminga ako nang malalim at tinignan siya mula sa screen. Ang laki ng pinagbago niya.
"By the way..." Tumingin siya uli sa screen at pinaningkitan iyon ng mata. "Akala ko nananaginip ako, it's you pala talaga... Hi, Calliope!" Tipid siyang ngumiti.
"H-Hi..."
"Tuloy ka sa France?"
Nagtaas ako ng balikat. "Nag-iipon pa ako e. Pero sa tingin ko naman..."
Tumango siya. "Kuhanin mo akong model ha!"
Natawa ako at tumango. "Ako bahala."
"Naisip ko... what if mag collab tayo?" Pinaningkitan ako ng mata ni Sky.
"Taray, vlog 'yan?" Ngumisi si Natasha.
"Gaga! I mean, kasi 'di ba nag be-bake ako... tapos ikaw fashion designer, parang mas maganda kung mag co-collab tayo. Like sa mga parties, pwede nila tayong kuhaning organizer."
"Hey, that's a good idea!" Pag sang-ayon ni Natasha.
"See?" Tinuro pa ni Sky si Natasha.
"Hindi pa nga sure kung magiging fashion designer ako e-"
"Sure 'yon!" Sabay pa nilang sinabi dahilan para matawa kami.
Halos dalawang oras din kaming nag-usap nila Natasha bago niya binaba dahil may gagawin pa raw siya. Sariwa pa ang lahat kaya alam kong hindi pa siya maayos, pero kilala ko siya e, alam kong makakayanan niya rin 'to.
"Magkaibigan pala kayo ni Natasha?" tanong ko kay Sky nang matapos ang tawag.
"Actually, naging close ko lang siya kasi sa tuwing may anniversary ang school, palagi kaming nagkakasama kasi nag pe-perform nga kami. Confident siya palagi... siya 'yung nag bo-boost ng confidence ko."
Ngumiti ako at tumango. "Mabait nga si Natasha."
"Oo. Madali lang nahuhusgahan dahil sa mga ginagawa niya. Pero kapag napalapit ka sa kaniya, makikita mong mabait naman siya e."
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.