"They like you," bulong ni Kiel habang nakatingin sa mga batang sumasayaw sa harapan namin dahil may mini performance silang inihanda. May ibang kumakaway pa sa akin kapag nadadaanan ng mata ko.
"Ikaw rin naman. Idol ka nga raw nila kasi pogi at matalino ka raw."
Namula ang mukha niya. "They said that?"
"Boomerang, beh?" Tumawa ako.
"Seriously?" Natawa siya. "Akala ko takot sila sa akin kasi hindi lumalapit, sa'yo lang."
"Palagi ka kasing naka poker face. Try mo kayang mag smile!"
"I'm smiling!" Ngumiti siya, iyong hindi nakalabas ang ngipin.
"Ganito oh!" Ngumiti ako na labas ang ngipin at halos hindi na kita ang mata. Natawa siya sa ginawa ko at ginaya ako. Nagulat ako dahil ang cute niya ro'n!
"Like that?" Tumawa siya.
"Mas mukha kang approachable kapag naka-ngiti ka kaya ngumiti ka na lang lagi."
"Noted, Madame."
Ngumisi ako at binalik ang atensiyon sa mga bata na tapos na pala'ng sumayaw. Malakas akong pumalakpak at nag takbuhan agad ang iba sa akin.
"Sumayaw ka po, Ate Ganda?" tanong ng isang batang babae.
"Naku, beh, wala akong talent!"
"Weh? Maganda nga po boses niyo, e. Kumakanta po kayo 'no?"
"Sa tingin niyo?" Ngumisi ako.
"Sample! Sample!" Chant nila kaya natawa ako at naghanap ng pwedeng gawing instrument.
"May gitara kayo?" tanong ko sa mga staffs na nanonood sa amin.
"G-Guitar?" Gulat na tanong ni Ezekiel. Tumango ako at tumingin naman siya sa mga staffs.
"Ako po, meron!" sabi nung isa at agad binigay ang gitara niya.
Kaniya-kaniya nang upo ang mga bata sa harapan ko. Para lang silang nakikinig ng bedtime story. Si Ezekiel naman ay nakatingin lang sa akin at parang hindi pa rin siya makapaniwala na kakanta ako.
Sabagay, hindi niya alam na marunong akong kumanta at mag gitara.
Nilagay ko muna sa tono ang gitara at tumikhim bago nagsimulang mag strum.
"Rainbow notes up on the wall, dancing children under rainfalls, perfect sunset set to ten, then we begin again." Nag-angat ako ng tingin sa mga bata at napangiti nang makita ang pagka-mangha sa mga mukha nila. "There's a ribbon in the sky. Painting rivers on the moonlight. Moving pictures say the words of a story that begins."
"Hala ang ganda ng boses niya..." Narinig kong bulungan ng mga bata.
"I'll hold your hand and wipe your tears. We'll laugh until we run out of years. 'Cause no matter if our blue skies turn to gray, there's a ray of sun that's bound to light our way. And although the roads are rough, I'll get through it just because..." Nilingon ko ang katabi kong kanina pa nakatitig sa akin. "I'll have my you... you'll have your me... No matter what may come, we'll have our we and us."
Nag tilian ang mga bata nang mapansin ang pagtititigan namin ni Ezekiel. Natawa naman siya at binasa pa ang labi bago nag-iwas ng tingin.
"Uy! Kinikilig si Kuya Pogi!" tudyo ng mga bata.
Ngumiwi si Kiel pero namumula naman ang mukha.
"Bagay kayo ni Ate, Kuya!" sabi pa nung isa.
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.