Balik-pasukan na at huling taon na namin sa senior high. Kung mahirap ang mga subject namin noon, aba, mas lalo na ngayon!
"Ano 'to? Kingina." Bulong ko habang nakatingin sa pinapa-solve sa amin. Parang wala namang tinurong ganito nung junior high kami!
"Ano 'yan, Ate?" Nakangiting tanong ni Kaleigh. Magkaiba na kami ng section ngayon at kasama niya si Lydia.
"Basic Calculus." Bumuntong-hininga ako.
"Oh, hindi pa pinapasagot sa amin 'yan." sabi niya nang dumungaw sa notebook ko.
"Talaga?" Tumango siya. "Kuwawa naman kayo."
Natawa siya at agad napawi 'yun nang dumaan sa table namin si MJ. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo nila sa isa't isa.
Naalala ko nga no'ng retreat namin, tinapon niya 'yung toiletries ni MJ kaya walang choice 'yung isa kundi mang-hiram. Medyo naawa naman ako pero nag-gantihan sila. Tinapon ni MJ 'yung mga mamahaling highlighter ni Kaleigh kaya maiyak-iyak na 'tong isa. Hindi ko naman siya magawang kampihan dahil parehas naman silang abno. At isa pa, si Kaleigh ang nanguna.
"Stupid, stupid, stupid." Bulong-bulong ni Kaleigh na parang may ginagawa siyang ritual habang masama ang tingin nila ni MJ sa isa't isa. Nagkatinginan kami ni Lydia at ngumiti siya sa akin.
"Tigilan niyo na nga 'yan," saway ko bago binalik ang tingin sa notebook ko.
Matalino naman ako sa math pero siguro naninibago lang ako dahil hindi siya kagaya last year. Medyo mahirap 'to.
"You're a fucking piece of shit! Get out of my sight!" Nanlaki ang mata namin ni Lydia sa narinig kay Kaleigh at gulat silang tinignan.
Ngumisi si MJ habang nakataas ang kilay sa kaniya. Dios mio... mga kabataan talaga!
"Ano bang ginawa mo?" Tamad na tanong ko kay MJ. Kanina mapayapa buhay ko e, ngayon mas naii-stress pa ata ako sa kanila kaysa sa math.
"Nothing," Nag-taas siya ng balikat. "Why are you so mad at me, Kaleigh? I'm just staring-"
"Staring your ass! Stop staring at me! Nakakadiri! Nakakasuka! Go back to CIS because we don't need you here! At ano bang ginagawa mo rito, huh? Spying?!"
"Chill, chill, baby..." Humalakhak siya. "Masiyado kang galit e. Tinitignan ka lang."
"Huh? Ulol!"
Napahawak ako sa bibig ko at gulat na nilingon si Kaleigh. Lagot ako nito kay Kalen e, tsk! Mga natututunan sa akin ng kapatid niya!
"Kaleigh..." Saway sa kaniya ni Lydia.
Nakita kong lumingon pa sa amin 'yung ibang estudyanteng nakarinig. Nagulat din siguro sila na 'yung kapatid ng former president ng SSG nila ay malutong mag-mura.
Umiiling na tumawa si MJ bago nilagay ang kamay sa bulsa at tumatawang umalis. Mas lalo namang napikon si Kaleigh at mukhang gusto niya pang sugurin kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Quiet ka nga, girl! Makarating 'to sa Kuya Kallie mo, pitikin talaga nun bibig mo!" Banta ko sa kaniya kaya ngumuso siya.
"Oo nga. Baka magalit si Kallistus." sabi pa ni Lydia.
"Ang gago kasi no'ng Mattheos na 'yon, e! Feeling close!"
"Baka gusto ka lang maging friend, ikaw naman." Pagpapakalma ko sa kaniya bago nilingon si MJ na may binabasa ng libro ngayon.
YOU ARE READING
I Just Fall in Love Again
Teen FictionEchoes of Melody Series #1 When love strikes twice, hearts sore and emotions ignite.