19

3 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw... maraming nangyari, ilang beses dumating ang mga problema, maraming nawala... pero kagaya noon, tuloy pa rin ang buhay.

"Oh," Nilapagan ko si Kaiser ng tubig, dumaan sila rito nila Kalen pagka-uwi galing sa basketball. Hindi ko ba alam sa dalawang magkapatid na 'yun kung bakit dumaan pa rito eh ligong-ligo na rin sila.

"Thanks." Tipid niyang sagot at uminom.

Nandito rin sila Lydia, Kaleigh, pati 'yung dalawa ko pang babae na kaibigan. Si Samuel naman ay umuwi dahil kailangan pang mag-pakain ng mga kapatid. Hindi rin ako nakanood ng laro nila dahil walang magbabantay kay Kaira at walang mag-aasikaso sa bahay dahil wala sila Mama.

"Anong gusto niyong ulam?" tanong ko kayla Kaleigh na nagbubulungan sa may sala. Seryoso ang itsura nila at kahit hindi ko naririnig, alam ko kung sino ang pinag-uusapan nila.

"Kahit ano, Ate." Nginitian ako ni Lydia.

"Pero ako ano... gusto kong adobo." sagot ni Charlotte. "Nag c-crave talaga ako sa adobo!"

"Uuwi na muna ako." Sabay naming nilingon si Kaiser na nagpupunas ng pawis. "Pasabi na lang kayla Kuya Kallele na susunod na lang ako mamaya sa mansion."

"S-sige..." Pilit na ngumiti si Kaleigh at hinalikan naman siya sa ulo ni Kaiser bago lumabas.

"Grabe 'no?" Biglang bulong ni Maureen. "Ang bilis. Nangyari lahat ng 'to sa loob lang ng isang linggo?"

Pumunta na ako ng kusina para mag-hanap ng pwedeng isahog sa adobo. Nang makita ko ang baboy at manok ay nilabas ko na 'yun dahil marami kami at dapat umabot pa 'to hanggang mamayang gabi dahil nakakatamad mag-luto.

"Ang bango ng sabon mo," Lumabas sa kwarto ko si Kalen na bagong ligo. "Ka-amoy na kita!" Parang natutuwa pang aniya.

"Eh pati lotion ko gamit mo," Pabiro ko siyang inirapan. "Pang-babae 'yon!"

"Whatever." Nag-taas siya ng balikat at nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likod. "What are you cooking?"

"Kallele, hindi pa ako naliligo!"

"So?" Nanlaki ang mata ko nang amuyin niya ang leeg ko. "Ang bango-bango mo kaya? I can do this all day." Humigpit pa ang pagkaka-yakap niya sa akin kaya napailing na lang ako. Parang tarsier.

"Adobo 'to." sagot ko sa tanong niya kanina. "Baboy tsaka manok, may gusto ka ba?"

"You. Can I have you?"

Ang aga-aga naman nitong lumandi!

"Tignan mo muna si Kaiser," Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "That's the consequence of his bad action."

"Hindi niya sadya 'yun," Pinandilatan ko siya. "Kapag galit ang tao, hindi nila nako-control ang mga salita nila, okay? At isa pa, hindi niya rin ine-expect na mangyayari 'to. Walang nakaisip na mangyayari 'to."

"Alam niyang hindi ayos 'yung tao e, sana hindi na lang siya sumabay..."

Bumuntong-hininga ako sa sinabi ni Kalen. Naiintindihan ko naman siya. Ako rin, hindi rin naman ako natutuwa sa nangyari pero at the same time, naiintindihan ko. Kasi lahat may kasalanan e. Nagalit si Kaiser kasi may pinanghuhugutan siya, pero sana naisip din nila na kaya nagalit 'yung isa ay dahil wala siyang alam sa nangyayari. Ngayon wala na... paano pa sila makakapag explain?

Tsk.

Sana pinatulog man lang nila 'yung tao nang payapa 'yung isip. Naaawa rin ako e.

I Just Fall in Love AgainWhere stories live. Discover now