chapter 28

247 5 0
                                    

Halos naupud na ang keybutton kakadayal ni Kendrick upang macontact si Almira ngunit nag ri -ring lamang ito habangbnag aantay sya sa labas boutique kung saan nagtatrabaho si Almira..
Halos kalahating oras na rin syang nag aantay doon ngunit di parin lumalabas si Almira sa shop..kaya naman napilitan na syang bumaba sa kanyang kotse at nagtanung sa guard ng nasabung establishment..

"magandang hapon po manong...tanung ko lang po kung nandyan napo ba si Almira?"

"ay sir Kendrick kayo po pala..maaga po sila nagsara ngayun sir..kasi po nagkaroon po ng kunting salo salo ang mga empleyado sir..kasi po pasasalamat ng mga big boss namen dahil sa mataas po ang sales namen..at balita ko po ay napromote po ata si Maam Almira kaya baka po nagcecelebrate na rin po yun"
salaysay ng guard na napagtanungan ni Kendrick dahil kilala na sya neto bilang asawa ni Almira..

"ganun po ba..pwede ko po bang malaman kung saan restaurant sila naroroon ngayun?"
usisa ni Kendrick

"ang pagkarinig ko po sir..sa isang sea foods restaurant..malapit lang po dito yun sir..
pero para makasiguro kayo sir mas mainam na tawagan nyo po si maam Almira"
payo ng guard kay Kendrick..

ngunit ang di alam ng guard ay kanina pa nya ito tinatawagan ngunit di naman neto sinasagot ang tawag nya kaya napagdesisyonan na lang nyang hanapin ang nasabing restaurant..

"sige po puntahan ko pa lang po siguto sa restaurant na tinutukoy nyo..salamat po.."
sabay sakay sa kanyang kotse upang magtungo sa restaurant..

Pumarada na ang kotse ni Kendrick sa tapat ng sea foods restaurant na tinutukoy ng guard..
bababa na sana sya sa kotse ng makita nya si Almira na transparent glass na dungding ng restaurant..
Kitang kita ni Kendrick ang saya sa mga mata ni Almira at ng sumilay ang ngiti neto na nakadagdag lalo sa maamo at maganda netong mukha na nakakahalina sa kanyang paningin kaya naman naenganyo syang lapitan ang asawa upang sana ay makibahagi sa celebrasyon ng promotion na natanggap neto ngunit nang palabas na sana sya sa kanyang kotse ay nakita nya ang paglapit ni Czanjuh sabay yakap sa asawa na gumanti naman din ng yakap itong si Almira na nagpapakulo sa kanyang dugo!
Nawalan sya ng gana na lapitan ito kaya padabog syang sumakay ulet pabalik sa kanyang kotse!

Inatake na naman sya ng kanyang panibugho!
Ayaw nyang sirain ang pagsasaya ng asawa kaya naisip nyang sa bahay na lang nya ito aantayin at doon ay ipinagdiwang ang natanggap na promotion neto kasama ang kanilang anak na si Clarence..

Napasarap ang salo salong naganap kasama ang mga kasamahan sa trabaho ni Almira kaya naman pasado alas nueve na sya nakauwe ng bahay..dagdagan pa ng kunting alak kaya naman medyo tipsy tipsy na rin ang kanyang nararamdaman kaya naman di na nya napansin ang asawang naghihintay pala s kanya..

"ito ba ang tamang oras ng uwe isang mabuting maybahay?Mrs.Almira Mullins?"
sarkastik na tanung ni Kendrick kay Alnira na kadadating lang...

ayaw nang patulan pa ni Almira ang pasaring ni Kendrick kaya naman sya na lang ang nagpakumbaba dito..

"Kendrick pwede ba..bukas mo na ako sermunan..pagod na ako..gusto ko nang magpahinga.."

pagak na tumawa si Kendrick saka nagpatuloy sa kanyang litanya..

"pagod?saan?sa pag eentertain kay Czanjuh?
halos kinalimutan mo nang may asawa at anak kang naghihintay sa pag uwe mo!"

dahil sa sinabing iyun ni Kendrick ay di napigilang magpanting ang tenga ni Almira dahil pakiramdam nya ay inaakusahan sya ng asawa ng maling paratang!

"Kendrick wag mong madamay damay dito si Czanjuh!wala kameng ginagawang masama magkaibigan lang kame ! at isa pa ngayun lang naman ako ginabe sa pag uwe ah! at di ko naman kinakalimutan ang responsibilidad ko sa anak ko ah!"

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon