chapter 36

283 10 2
                                    

Lakad takbong tinungo ni Almira ang kwarto kung saan nakanconfined ang anak na si Clarence!
Pagkabukas nya sa pinto ay sinalubong sya ng byenan ngunit mas nakatawag sa kanyang pansin ang anak na nakaratay na halos dumurog sa kanyang puso..

"anak..nandito na si mommy.."
ang naluluhang sabi ni Almira..

"mommy don't cry..sorry if i got sick.."
ang mahinang tugon ng anak na nakadextrose..

" wag ka nang magsalita anak..it's not your fault..si mommy nga ang dapat magsorry sayo eh.."
patuloy sa paglandas ng luha sa mga mata ni Almita..

Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang nurse..

"maam kayo po ba ang mommy ng pasyente?"
nakatingin ang nurse kay Almira..
ngunit nag alinlangang sumagot ang babae dahil nanduon ang kanyang byenan na alam ang katotohanang hindi sya ang ina ni Clarence..kaya nakayuko syang tumingin sa ginang..
kung kayat si Mrs.Mullins na lang ang sumagot..

"yes nurse..sya ang mommy ng pasyente.."
saka tipid na ngumiti kay Almira..

Biglang naangat ni Almira ang kanyang mukha at masayang nagpasalamat sa byenan..

"thank you.."
ang paanas nyang tugon..

"maam..pinasasabi ni dok na kakausapin po daw kayo sa opisina nya.."
ani ng nurse kay Almira..

"sige po..susunod na po ako.."
tungon ni Almira sa nurse sabay lingon ulet sa anak..

"anak pahinga kana muna ah..kakausapin lang ni mommy ang doctor babalik ako agad.."

Tumango lang ang bata saka pumikit ito..

"sige na hija..ako na muna bahala kay Clarence.."
ani ni ginang Mullins..

Marahang kumatok si Almira sa pinto ng opisina ng doktor..

"come in..."

pumasok si Almira ng marinig ang tugon ng doktor sa kanya..

"magandang araw po doc..ako po ang mommy ni Clarence.."
ang kinakabahang sabi ni Almira dahil nag aalala sya sa resulta ng mga test ni Clarence..

"Mrs.Mullins..ayun po sa mga test ay wala namang malubhang saket ang anak nyo..
pero nakausap ko sya kanina ang sabi nya ay sinadya yang huwag kumain para magkasaket sya ng sa ganun ay uuwe kana sa bahay nyo.."

Nagulat si Almira sa pahayag ng doctor..

"dahil sa hindi nya pagkain ng maayos ay bumaba ang kanyang immune system kaya sya nanghina.."
patuloy ng doctor sa pagpapahayag..

Napaluha si Almira sa sinabi ng anak..nakuha netong mag hunger strike para lang bumalik sya sa tahanan ng mga Mullins na kamuntikan netong ikakapahamak

"Misis..di ko alam kung anu ang pinagdadaanan ninyo ngayun sa bahay...
pero sana isipin nyo parin ang kapakanan ng anak nyo..
kung may problema kayo ni mister make sure pag isapan ninyong mabuti kasi ang bata ang higit na nagss suffer sa lahat ng mga consequences ninyong mag asawa...
mas mainam sana kung nandito rin si mister para maliwanagan din sya..nasan po ba ang mister nyo?"
ang pagtatakang tanung ng doctor?

Nasan nga ba si Kendrick?baket wala sya dito?di ba nya alam na isinugod si Clarence sa ospital?"
ang mga katanungan ni Almira sa sarili..

"niresitahan ko ng mga vitamins na pampaganang kumain ang anak nyo misis..sa ngayun ay kailangan munang syang madextrose dahil dehydrated na rin ang bata..
kailangan na makumbensi nyo syang mapakain ng mga masustansyang pagkain at sapat na pahinga.."
ang payo ng doctor sa kanya..

"opo doc..marame pong salamat.."

Tumango na lang ang doctor sa kanya saka nya nilisan ang opisina ng doctor upang bumalik sa silid ng anak..

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon