chapter 5

403 8 0
                                    

Tatlong buwan na rin ang makalipas ng huli nyang nakita ang binata..
Sa di maipaliwanag ay namimiss ni Almira ang binata..
nakadama sya ng kunting guilt dahil alam nyang lantarang may gusto dito ang kanyang kaibigang si Claire..

Isang umaga habang papasok na sya sa eskwela ay napansin nyang hindi pa naghahanda si Claire sa pagpasok sa trabaho..
Madalas itong lumiliban sa trabaho dahil lageng nahihilo at masama parate ang pakiramdam..

Nag aalala sya para sa kaibigan dahil kapansin pansin din ang pangangayayat neto..

Nilapitan nya ang kaibigan at sinalat ang leeg kung may lagnat ba ito..ngunit sa tantya nya ay natural lang naman ang temperatura neto..

Napadilat si Claire at matamlay na ngumiti ito sa kanya..

"wala akong lagnat..nanghihilo lang talaga ako..ewan ko ba kung baket sa umaga naliliyo ako?"
nanghihinang tugon ni Claire..

"baket di ka kaya magpatingin sa doktor para malaman mo ang kalagyan mo?gusto mo samahan kita mamaya pagkagaling ko sa school?di na lang muna ako papasok sa cafe shop.."
sinserong tugon ni Almira..

"hwag na..ako na lang kaya ko pa naman ang sarili ko..
itutulog ko lang muna ito at mamaya ay magiging okay na rin ako.."

"sige..pero kung may kailangan ka wag kang mag atubili na tawagan ako ah..kahit may klase pa ako uuwe ako agad.."
paninigurong bilin nya sa kaibigan..

Napangiti naman si Claire sa sinabi ni Almira..
dama kasi nya ang totoong pag aalala ni Almira sa kanya..

"sige..pero sa ngayun ay gusto ko lang matulog.."
at pumikit na ule si Claire..

Kahit nag aalala sa kalagayan para sa kaibigan si Almira ay napilitan syang iwanan dito panandali dahil mid term na at marame rin syang mga project nakailangan sa ipasa at kung anu anu pang gawain para sa eskwela..

Kinahapunan ay di na nga pumasoknsa cafe shop si Almira upang alagaan ang nananamlay na kaibigan..
dumaan muna sya sa palengke upang bumili ng sangkap para sa iluluto nyang sinigang na paborito ni Claire..

Pagkapasok nya sa bahay ay napansin nyang wala doon ang kaibigan..
kinuha nya ang de keypad na cellphone at idinayal ang numero ni Claire..
makalilang ulet din nyang tinawagan ang kaibigan ngunit nagriring lang ang telepono neto..

"pumasok kaya si Claire?
kahit naman pumasok yun..imposible na di nya sagutin ang text at tawag ko.."
naitanung nya sa sarili..

Dahil nga nakabili na sya ng rekado para sa sinigang ay minabuti na lang nyang ipagpatuloy ang pagluto neto nang sa ganun ay makahigop ng sabaw ang kaibigan..panay kasi mamantika ang nabibili nilang pagkain sa kanto..

Saktong dumating si Claire ng maluto ang nilulutong sinigang..

Pansin nya ang pamumutla at pilit na ngiti ng makita sya neto..

"oh..san ka galing?nag alala ako sayo"
usisa nya kay Claire..

"s-sa doctor nagpatingin ako.."

"anung sabi ng doctor baket ka nahiHilo at nanghihina?"

"ha!?a-anu..s-sabi nya kulang lang daw ako sa dugo.kaya ako nahihilo..heto at may nireseta syang gamot.."
at ipinakita kita nya ang mga dalang gamit na nakalagay sa plastic..

ngunit ni siyasatin sana ni Almira ang mga gamot ay agad naman itong binawe ni Claire..

"naku..mga vitamins na pampadagdag sa dugo lang ito.."
pilit na ngiti ni Claire sabay kubli sa plastic ng gamot sa kanyang likuran..

Hindi na lang nagpilit na tignan pa ang mga gamot ni Claire..
baka kasi isipin neto na masyado syang mausisa..

"ganun ba..basta inumin mo yang mga vitamins mo sa tamang oras at huwag kana muna magpupuyat..
tamang tama  luto na rin itong sinigang ng makahigop na ng sabaw.."

"talagang paborito ko pa talaga ang niluto mo bff.."

"sige na umupo kana sa lamesa at ako na ang maghahain.."

Sumunod naman si Claire sa sinabi ni Almira..
at pumuwesto nga ito sa hapagkainan..

Habang inihahanda ni Almira ang kanilang pagkain ay nasipat nyang may malalim na iniisip ang kaibigan..

Ramdam din nya na hindi ito nagsasabi ng totoo dahil parang nababalisa ang kaibigan..
Gusto man nyang tanungin kung anung bumabagabag kay Claire ngunit napangibabawan sya ng hiya na usisain ang kaibigan..

Inilapag na ni Almira ang kanilang pagkain sa hapag kainan..at ganun na lang ang maganang paghigop ni Claire sa maasim na sinigang na kanyang iniluto..
natutuwa naman sya dahil maisip na nabumabawe ito ng lakas..

Sa gitna ng kanilang maganang pagkain ay biglang may sinabi si Claire..

"ahm..bff..m-may dadalawin akong kamag anak sa malayo aalis ako sa makalawa..
mawawala ako sa bahay ng ilang araw.."

nagtataka naman si Almira kung baket may kamag anak ito samantala ang kwento neto ay ulila sya at di nya kilala ang mga magulang neto kaya panu nagkaroon ng kamag anakan ito?
ngunit tulad dati ay ayaw nyang mag usisa sa kaibigan..

"ganun ba..kaylan ka naman babalik..?"
ang bukod tangi nyang naitanung?

"mga ilang araw lang ako at uuwe din ako..may importante lang akong gagawin doon"

"sayang naman at nagkasabay pa..iimbentahan sana kita sa sabado sa bahay namen..kasi birthday ko na..
may muntung salo salo.kasi dise otso na ako..debut ko na.."
magkahalong.ngiti at lungkot dahil di makakasama si Claire sa kanya pag uwe nya sa daratung na sabado..

"naku sayang naman talaga..pero di bale babawe na lang ako pagbalik ko.."
panghihinayang na tugon ni Claire..

"okay lang yun isang buwan na lang naman at magsasara na ang klase..
mapapadalas na din ang pag uwe ko samen..
pero sayang kasi ipapakilala sana kita sa mga magulang ko at kay ate Jonas.."

"sayang naman talaga..nakakexcite bamab makilala ang pamilya mo..
pero hayaan mo sa pagbalik ko sasama talaga ako sa inyo.."
masayang tugon ni Claire..

Tumango naman si Almira dahil nababakas nya ang tuwa sa mukha ng kaibigan ng banggitin nya dito ang kanyang pamilya at may bahid na pagkaawa dahil alam nyang wala iting ginagisnan na magulang simula bata pa ito..

Kinaumagahan ay napansin ni Almira na wala na sa higaan si Claire..

Agad syang bumangon ngunit di nya mahagilap ang kaibigan ngunit may naoansin syang isang maliit na kulay pulang kahin at isang sulat kaya naman agad niyang binasa ito..

"dear mahal kong bff na si Almira,

  di na kita inabala pang gisingin dahil alam kong puyat ka sa pag aaral mo kagabe upang sana ay magpaalam sayo...
Minabuti kong umalis na ngayun upang makabalik ako kaagad kasi na eexcite na akong makilala ang pamilya mo..
at lalo na ang ate Jonas mo..
sarap siguro sa pakiramdam na may buo kang pamilya..

Sya nga pala iniwan ko na ang regalo ko sayo sana magustuhan mo..
Happy 18th Birthday My BFF Almira..
I am one of your 18th gitf..

Love,
Claire..

Naluha si Almira sa sulat ng kaibigan..
ramdam kasi nya.kung gaano ito nangungulila sa pag aaruga at pagmamahal ng isang totoong pamilya..

Binuksan nya ang kahon upang makita ang laman neto..

"kwentas!"
bulaslas nya sa kanyang isipan..

Sinuri nya ang kwentas at tinignan ang nakauket sa bilog na pendant neto..

Dalawang ibon na magkaharap at pinaglapit na parang naghahalikan ang mga tuka neto na naghugis puso..binasa din nya ang mga letrang pabilog na nakaukit sa pendant..
"H-I-S-B-R-I-D-E"
magkahalong gulat at pagtataka ni Almira kung baket naman ganun ang regalo ni Claire..
para syang ikakasal samantalang magdedebut sya!

"ito talaga si Claire puro kalokohan.."
natatawa syang bulong sa sarili..

Ngunit kahit anu pa man ay nagpapasalamat sya sa regalong natanggap mula sa kaibigan at ipinangakong iingatan nya ito dahil ang kwentas na iyon ay magsisilbing bigkis sa kanilang pagkakaibigan..

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon