chapter 15

369 9 6
                                    

Sa dami ng pinamili ni Mrs.Mullin ay natutuwa ito sa kanyang mga nakuhang discounted item..

"naku hija ang gaganda at ang mumura ng mga furnitures ninyo dito saka di pahuhuli ang kalidad.."
tuwang tuwa na sabi ni Mrs.Mullins..

"sabi ko sayo ninang..
mas maganda po bumili dito.."
sabat naman ni Jonas..

"Mrs.Mullins ito napo yung debit card at resibo ninyo.."
nakangiting tugon ni Almira..

Ubod tamis na ngumiti si Mrs.Mullins kay Almira..

"hija.. kung pwede ba mommy na lang ang itawag mo saken?"

Nabigla ang magkapatid sa sinabi ng matanda..

"kasi hija..ninang Carol ang tawag saken ni Jonas..masyado naman kasing pormal kung Mrs.Mullins pa itatawag mo saken..
para na rin naman tayong kamag anak..
kaya mommy Carol na lang tawag mo saken
total naman ay nagkakaunawaan na kayo ni kend.."

"ay sige po Mrs.Mull..este m-mommy Carol.."
awat ni Almira sa matanda para di na ituloy pa ang sasabihin neto at baka mabuko na sya talaga ng kapatid na nagpalipas sya ng isang gabe sa pad ni Kendrick..

"ayan..mas maganda sa pandinig.."
natutuwang tugon ni Mrs.Carol..

"sya..dito na kame Almira..
medyo mabigat bigat na rin kasi si baby sa tummy ko.."
may paghimas pa si Jonas sa umbok na umbok na tyan..

"naku ate..mag ingat ka..
wag mo naman pagurin sarili mo.."
paalala ni Almira..

"hindi naman ako napapagod..
sa katunayan ay bibihira nga lang ako makalabas ng bahay..
palakad lakad lang ako sa bakuran nila James..
saka si Bernie na naman ang bahala sa pag aayos sa town house nila ninang.."
tugon nya kay Almira..

"basta mag ingat ka parin ate.."

"sige..dito na kame..
idadaan pa ako nila ninang sa bahay baka gabihin sila ninang papuntang town house nila.."

"sige ate ingat kayo..
m-mommy Carol thank you po at ingat din po kayo.."

Nakangiting tumango ang matanda kay Almira..
palabas na sana ito sa pinto nang bumalik pa ito sa kinatatayuan ni Almira..

"hija..birthday ko na susunod na buwan..
kaya iniimbitahan kita..
sana makadalo ka ah..hihintayin kita.."
paglalambing ni Mrs.Carol kay Almira..

"s-sige po.."

"ayan...sinabi mo yan ah..
pag di ka dumalo magtatampo talaga ako sayo.."
nakanguso pa ang matanda kay Almira..

"dadalo po ako promise.."

"sige..ipapaabot ko kay Kendrick ang invitation ko para sayo.."
excited na tugon ng ginang..

Tumango naman si Almira..

"sige hija..dito.na kame.."

"ingat at salamat po ulet.."
sabay kaway ni Almira sa papalayong mag ninang..

Kinahapunan ay pinuntahan ni Kendrick ang address na tinukoy ng detective na pinagtatrabahuan ng nagngangalang Jhazmine..
tumapat ang kanyang kotse sa isang furniture boutique na pamilyar sa kanya ang pangalan ng shop..

Pababa na sana sya sa kanyang kotse ng bumulaga sa kanya ang biglang paglabas ni Almira sa may kasamang lalaki na nakaakbay pa ito sa dalaga..
Namukhaan nya ang lalaki dahil ito yung sweet na kausap ni Almira sa venue ng kasal nila James at Almira..

Parang may kung anung tumadyak na panibugho ng makita nyang may pabulong bulong pa ang lalaki sa tenga ni Almira at parang kinikilig pa ang dalaga..

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon