Chapter 40

300 10 6
                                    

Magiliw na pinagmasdan ni Almira ang kanyang anak na nooy naglalaro ito sa bakuran ng mga Mullins..
Bumabalik sa kanyang alaala ang mga panahong sanggol pa lang ito..at ang unang araw na kinarga nya ito sa kanyang mga bisig saka sumagi sa kanyang isipan ang nooy naghihingalong kaibigan..

"Claire..."
ang bulong nya sa sarili..

"sana mapatawad mo ako kung di ko natupad ang pangako ko sayo na huwag iwan si Clarence..pero sana nakikita mo ngayun na magkasama naman sila ng ama nya.."
nakangiting  bulong ni Almira sa sarili..

"Almira.."

natigil ang pagmumuni muni ni Almira saka napalingon sa dereksyon ng asawang si Kendrick..

"mukhang malalim yang iniisip mo ah"
usisa ni Kendrick..
umupo ito sa tabi ng asawa

"hindi naman..naisip ko lang yung mga panahong sanggol pa lang si Clarence..
yung unang araw na ibinigay sya saken ni Claire.."

saglit na natigilan si Almira at napatingin ito kay Kendrick..

"it's okay...ang totoo ay nahihiya ako kay Claire at kung saan man sya ngayun ay gusto kung humingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya..at the same time ay gusto ko din magpasalamat dahil di sya nagdalawang isip na bigyan ng pagkakataon na mabuhay si Clarence kahit ang kapalit ay ang buhay nya.."
sinserong.tugon ni Kendrick..

Biglang umihip ang malamig na hangin sa pagitan nila Kendrick at Almira..

"ayan narinig ka ata ni Claire.."
natatawang sabi ni Almira sa asawa kaya nakitawa na rin si Kendrick..

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila ngunit si Kendrick na ang bumasag neto..

"Almira may sasabihin nga pala ako sayo.."

"anu yun Kendrick?"

Inabot ni Kendrick ang tatlong ticket ng eroplano
kay Almira..

"anu to?"
pagtatakang tanung ni Almira

"since tapos na naman ang pasok ni Clarence..gusto ko sanang isama sya magbakasyon sa states.."

Bagamat nabigla ay nagkibit balikat na lang si Almira dahil sinu ba sya para pigilan ang gusto ng tunay na ama neto..

"oo naman..maganda nga iyun at makakarating ng ibang bansa si Clarence..
di mo na kailangan magpaalam pa saken"
ang pilit nyang ngiti kahit sa loob loob nya ay nalulungkot sya at nababahala na baka di na iuwe ang anak tulad ng plano ng mama nito at doon na manirahan ang bata..

ngunit kumunot ang noo ni Kendrick sa simpleng itinuran ni Almira..

"hindi mo ba itatanung kung baket tatlo ang ticket na yan?"
usisa ni Kendrick..

Napansin na talaga ni Almira na tatlo ang ticket pero alam nya kung para kanino ang isa..imposible naman kasi na kay mommy Carol yun dahil nasa states na ang ginang..
kaya nagkibit balikat na lang sya..

"kailangan pa bang itanung yan Kendrick?alam ko naman sa para sa inyong tatlo yan ni Chantalle.."
ang pilit nyang ngiti sa asawa..

Binuklat ni Kendrick ang isang ticket saka pinakita nya kay Almira kung para kanino ang isang ticket..at laking gulat nya na ang pangalan nya ang nakalagay doon..

"alam kung tatanggi ka..pero nagbabakasali lang naman ako na baka gusto mong sumama samen ni Clarence sa states.."

Biglang tuwang naramdaman ni Almira ay napalitan ng agam agam..

"baket?"
ang tanung ni Kendrick ng napansin neto ang pagbago ng kanyang mukha..

"kasi anu.."
ang di nya malamang alibi..

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon