"Maganda ang salaysay mo Almira kanina..
may posibilidad na grant yung annulment nyo ni Kendrick.."
angasayang tugon ng abogado ni Almira..
"salamat po attorney.."
ang pilit nyang ngiti sa abogado habang naglalakad sila sa pasilyo..
"sige hija..mauna na ako sayo kasi may kaso pa akong dadaluhan.."
Tumango na lang sya sa abogado saka sila ng daan palabas ng gusali kung saan nilitis ang kanilang kaso ni Kendrick..
Pasakay na sana ng.kotse si Kendrick ng matanaw nyang naglalakad si Almira napansin ni Kendrick na malungkot ang mukha ng asawa..kaya naman di na sya nag atubili pang lapitan ito..
"Almira!"
Napalingon si Almira sa tinig na tumawag sa kanya at di nga sya nagkamali ng hula kung sino ang may ari neto...si Kendrick..
"are you okay?"
pag aalalang tanung ng lalaki
Tumango lang si Almira saka bahaw na ngumiti sa asawa..
"hatid na kita sa bahay mo hone.."
ngunit mabilis na tumanggi si Almira..
"wag na Kendrick kaya ko naman magtaxi..
at isa pa baka may makakita saten na magkasama..isipin pa na hindi tayo seryoso sa annulment naten"
ang matamlay nyang sagot dito sabay talikod sa asawa..
Hindi na lang nagpilit pa si Kendrick..
naaawa sya sa asawa dahil batid nyang nahihirapan ito sa kanilang sitwasyon..
nakadama sya ng guilt dahil sa kanyang pagpilit sa kasal na may halong kasunduan ay nagulo ang tahimik na buhay ni Almira..
Naging bulong bulungan sa establishementong pinapasukan si Almira..
may iilan sa kanyang kasamahan ay nag isip na isa syang gold digger na ginamet ang anak para makapangasawa ng mayaman..ang ilan naman ay pinag isipan syang niloko ang asawa kaya nag file ito ng annulment..at syempre si Czanjuh daw ang naging third party..
Gustong gusto ni Almira na ipagtanggol ang sarili mula sa mapanghusgang isip ng kanyang mga kasamahan..
ngunit mas pinili nyang manahimik dahil wala naman syang dapat na ipaliwanag sa mga ito..
Sa gitna ng patipa nya sa kanyang computer ay lumapit ang isang sales clerk..
"maam may naghahanap po sa inyong costumer..ang gusto po kasi kayo ang mag assist sa kanya.."
Nagtaka man si Almira sa nasabing tao ay di naman syang nagdalawang isip na harapin ito..
"ayun po sya maam..yung babaeng mestita na englisera.."
sabay turo ng saler clerk kay Chantalle na nooy patingin tingin sa mga crafts and furnitures na kanilang tinda..
"sige bumalik kana sa pwesto mo.."
ang utos nya sa sales clerk..
Bumuga muna ng malalim na paghinga bago nya nilapitan si Chantalle..
"anung ginagawa mo dito Chantalle?"
ang diin nyang tanung sa babae..
Bahagyang nabigla si Chantalle sa kanyang presensya ngunit sarkastik itong humarap sa kanya..
"this is a furniture shop..isn't it? I would like to buy some stuff for our condo..could you please help which one is the best choice that suit the taste of Kendrick? I knew you have an idea about this because he is your husband and soon be ex-husband.."
Dahil sa pagbanggit ni Chantalle sa pangalan ng asawa ay napatingin ang iilan sa mga kasamahan nya doon sa kanilang dereksyon at nag umpisa na naman itong nagbulong bulungan..
Pinigil ni Almira ang kanyang emosyon dahil ayaw nyang patulan ang pang aalaska ni Chantalle sa kanya..
"alin ba ang gusto mong bilhin?"
BINABASA MO ANG
Almira's 18th Gift
Romance"So matapang kana ngayun Almira!?" sarkastik na sabi ni Kendrick Nakadama man ng kunting kaba si Almira sa lalaki ngunit nilakasan nya ang loob para komprontahin ito.. "kung galet ka saken sabihin mo para malaman ko! kung may gusto kang gawin ko sab...
