chapter 24

399 10 4
                                        

Tinanghali na ng gising si Almira dahil napuyat syang kakaiyak sa nagdaang gabe dahil sa pagtatalo nilang mag asawa...
dahil araw ng Linggo kaya naman di sya nag aalalang malate sya sa trabaho..

Nilingon nya ang kabilang panig ng kama at napag alaman nyang wala na sa kama ang kanyang asawa..

"hmp!ang walanghiya!talagang gumising ng maaga para makatyempo sa kulasisi nya!"
inis na bulong ni Almira sa sarili..

"hoy Almira!paalala lang ha! although legal ang kasal pero di ka naman talaga legal wife dahil sa kasunduan lang naman ito di ba?"
paalala sa kanya ng kabila nyang utak!

"tse!!magsama sila ng girlfriend nyang Amerkanag hilaw!"
asik nya sa kanyang kabilang diwa!

"hays jelly fish ka na naman neng!"
pang aasar ng kanyang sarili

"No way!"
patuloy nyang pang deny na nakikipagtalo sa kanyang diwa..

Inis na bumangon si Almira saka nagtuloy sa banyo upang maghilamos at magsepilyo..

Nang matapos nyang magsepilyo at maghilamos ay napatitig sya sa kanyang repleksyon na harap ng salamin...

"maganda din naman ako ah..
baket di nya ako makuhang magustuhan?"
naisatinig na tanung ni Almira sa harap ng salamin..

"ooyy..na iinsecure na sya..
na iinlove kana siguro kay Kendrick noh!?"
kinikilig na tanung ng kanyang kabilang utak

"hindi noh!hmp!"
patuloy sa pandadaya ni Almira sa kanyang nararamdaman para sa asawa..

Pagkalabas ni Almira sa banyo ay agad syang sinalubong ng kanyang anak na si Clarence..

"good morning mommy!"

"good morning anak.."
sabay halik sa pisngi ng bata..

"mommy pinitas namen ito ni daddy sa garden ni grandma..
sabi ni daddy sorry na daw..nag aaway po ba kayo?"
sabay abot ng bata sa isang tangkay ng rosas kay Almira..

Napatingin si Almira sa nakangiting si Kendrick...

"ah..eh..hindi naman anak..medyo nagkatampuhan lang.."
nakangiting sagot ni Almira sa bata..

"sige na mommy bati na kayo ni daddy.."
sabay hatak ni Clarence kay Almira papalapit sa asawa..

Kumilos naman si Kendrick para lapitan si Almira..

"daddy bati na kayo ni mommy..
wag ka kasi naughty para di magalet si mommy sayo.."

dahil sa sinabi ng bata ay biglang natawa si Almira habang si Kendrick naman ay bahagyang napakamot sa ulo ngunit tumitig naman agad ito sa asawa..

"I made you a breakfast in bed as a peace offering for what happened last night..
and I swear it won't happened again.."

Napatingin si Almira sa side table na may nakahandang almusal kaya naman di nya mapigilang ngumiti sa kilig..

"your smile is the most beautiful smile I've ever seen in my entire life.."
paanas na sabi ni Kendrick habang malagkit itong nakatingin sa asawa saka dahan dahan itong yumukod upang humalik ito sa pisngi..

"good morning honey.."
malambing na tugon ni Kendrick

May kung anung libong lubong boltahe na kuryente ang dumaloy sa kaloob looban ni Almira ng dumampi ang mga labi ng asawa sa gilid ng kanyang mga labi..
kaya naman napakapit sya sa batok ng asawa at agresibo nyang sinalikop ang mga labi ni Kendrick..

ngunit bigla syang bumalik sa ulirat ng biglang nagsalita ang kanyang anak...

"yuck!"
ang sambit ni Clarence habang tinakpan ang mga mata neto!

Almira's 18th GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon