Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw dahil weekend lang ang hinihintay ko. Sabado na ngayon kaya maaga akong nagising para maglinis ng kwarto. Ngayon pupunta sina Arik para magpractice sa roleplay namin. Naligo rin ako ng maaga at nagpalit ng bedsheet at punda ng mga unan. Nagpabili pa 'ko ng air humidifier kay Auntie Rosie at iba pang klase ng mga pabango sa kwarto.
Habang iniisip ko kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito ngayon, hindi ko talaga alam. Basta ayaw ko lang makita ni Arik na balahura akong babae kung sakaling mapadaan siya sa kwarto ko mamaya. Baka anong isipin niya sa'kin. Ma-turn off pa.
"Ang aga mo yata, 'nak?" bungad ni Mama pagkabukas niya ng pintuan sa kwarto ko. Umuwi siya kagabi dahil medyo maluwag na raw ang schedule niya. Kahit si kuya Kael ay nandito rin. Kasasabi lang ni Janine na walang tao sa bahay namin pero nagsi-uwian silang lahat ngayon, si Papa lang ang kulang.
"Pupunta 'yung mga kaklase ko ngayon, Ma. Magpapractice kami para sa role play."
"Anong oras daw?"
"Ewan? Baka eight?"
Ang usapan namin ay alas-otso ng umaga pero alam ko na ang mangyayari kapag oras na ng pagkikita ang usapan. Expected ko na ang mga late comers at kaniya-kaniya nilang alibi kung bakit sila late.
"May makakain ba kayo dyan sa ref? Namalengke ba si Rosie?" tanong ni Mama.
"Baka pumunta nalang ako sa—" Hindi ko naituloy ang dapat kong sasabihin nang biglang tumahol ang mga aso namin.
"Katarina!" bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang isang pamilyar na boses. Totoo ba ang naririnig ko, Lord? Si Arik ba 'yon? Ang agang blessing ah!
Lumabas kami ni Mama sa kwarto pero nauna si Auntie Rosie sa harap ng gate. Maging sina kuya Kael at Krista ay lumabas din sa mga kwarto nila. Mabuti nalang ay wala si Papa, mas nadagdagan pa sana ang kaba ko ngayon.
"Sino 'yan?" tanong ni Auntie habang naglalakad.
"Miguel Alaric po." That's it! Pakiramdam ko ay natunaw ako sa kakasilip nang marinig ang pangalang iyon.
"Bakit hijo?"
'Yun na ang huling narinig ko sa usapan nila dahil masyado ng malayo mula sa gate.
Si Miguel Alaric? Pupunta sa bahay namin ngayong alas-sais ng umaga? Para saan? Alas-otso ang usapan ng grupo ah! First time rin niyang pupunta rito at mabuti nalang alam niya kung saan. Sabagay, madali lang naman ang magtanong.
"Katkat daw," tawag ni Auntie mula sa gate. Lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa'kin na para bang lilitisin ako ngayong umaga. Si Arik palang kasi ang kauna-unahang kaklase kong lalaki ang pumunta rito ng alas-sais ng umaga at siya lang mag-isa.
"Miguel Alaric Dela Vega?!" namamanghang tanong ni Krista sa'kin na halatang kagigising pa.
"Ang baho ng hininga mo, Krista. Magtoothbrush ka nga muna!" Itinulak ko siya papunta sa CR para hindi na siya mang-intriga pa. Kahit sa mga lower year sikat si Arik, nakakaloka!
"Sino raw?" napairap nalang ako nang pati si kuya Kael ay nakichismis na rin. Tumingin naman ako kay Mama na halatang nagpipigil ng tawa dahil sa ginagawa ng mga kapatid ko.
Pinapasok na ni Auntie Rose si Arik at kitang-kita ko kung paano niya ako tunawin sa mga titig niya. Simple lang ang suot niya ngayon pero sobrang lakas ng dating. Ang sarap ipakilala sa buong pamilya. Pagkalapit ko sa kaniya ay nalanghap ko ang pabango niyang nakakaadik amuyin. Sobrang pagpipigil sa sarili ang ginagawa ko ngayon para lang hindi siya yakapin sa harap ng pamilya ko.
"Bakit ang aga mo? Alas-otso pa usapan ah!" naiilang na tanong ko sa kaniya.
"Wala raw kasing sasakyan 'yung iba kaya hiniram ko 'yung tricycle ni Papa." Tumingin ako sa labas ng gate at nakitang 'yun nga ang gamit niya. "Baka gusto mo akong samahang sunduin sila isa isa?" Natulala ako dahil sa tanong ni Arik sa'kin. Seryoso ba siya? Siyempre gusto ko 'yon!
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
General FictionKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...