Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko kanina. Wala akong kasalanan dahil hindi naman ako ang naka-perwisyo kung 'di ang englisherong 'yon. Kaya sa sobrang inis ko ay pinili ko nalang na 'wag mag-lunch kahit pa panay ang pilit sa'kin nina Trixie at Janine.
"Birthday ni Miguel Alaric bukas ah!" dinig kong usapan mula sa grupo nila Nicole. Agad nabuhay ang sistema ko nang maalala ang love letter na hanggang ngayon ay 'di ko pa nasusulatan. Kinuha ko ito sa bag ko at lumayo ng kaunti dahil baka mamaya'y nakasilip na pala si Janine sa ginagawa ko.
Wala naman akong balak sabihin kay Arik 'to. Wala akong balak sabihin sa lahat. Ako lang ang nakakaramdam nito kaya ako lang din ang nakakaalam.
Kung anuman ang nararamdaman ko ngayon, sana mawala rin agad. Nakakatakot kapag tumagal.
Ilang segundo ko pang tinitigan ang papel para isipin kung paano ko sisimulan. Ano ang isusulat ko? Baka mabaduyan si Arik, mabawasan pa ako ng self-confidence.
Huminga ako ng malalim at nagsimula nang magsulat. Isusulat ko lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Bahala na siya kung anong mararamdaman niya. Wala naman akong balak magpakilala.
"Guys, ilagay na po sa box lahat ng love letters niyo para makauwi na tayo," anunsyo ni Harley. Unang tumayo ang row nila Janine at sumunod naman ang kina Trixie.
"Last row." Alanganin akong naglakad sa teacher's table habang dinarasal na sana hindi mahalata ni Arik ang handwritten ko.
"Hintayin daw muna si Ma'am Esti bago umuwi. May iaannounce pa raw siya," pahabol pa ni Harley. Lahat kami ay nanlumo dahil masyadong paasa ang adviser namin. Uwing-uwi na 'ko!
"Sana sinabi nalang niya sa'yo para ikaw nalang ang nagsabi samin," reklamo ni Janine. Tumango kaming lahat dahil may point naman siya. Lumabas muna kami sandali at tumambay sa ilalim ng puno ng mangga. Mula rito ay matatanaw naman namin kung sakaling parating na si Ma'am Esti.
"Birthday boy!" tawag ni Janine kay Arik. Tsaka ko lang napansin na wala pala siya sa classroom kanina dahil may practice ang Dance Troupe ngayon para sa program bukas. Hindi pa naihulog ni Arik ang love letter niya sa box.
"Akala ko ba pwede nang umuwi?" nagtatakang tanong niya samin. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Bakit hindi siya amoy mabaho ngayong punong-puno siya ng pawis sa katawan? O kaunting asim at amoy araw man lang? Bakit ang bango parin ni Miguel Alaric? At bakit parang may galit na nilalang sa ilalim ng sweatpants niya?
"Ang baho mo, Migs!" pangungutya ni Trixie sa kaniya sabay takip ng ilong.
Natawa siya bago magsalita. "O'sige na, magpapalit na 'ko. Bye girls!" Matapos niyang magpaalam ay sumama na siya sa ka-grupo niya at dumiretso na sila sa CR ng Jaica Building.
"Sana manlibre si Migs bukas 'no? Kahit pizza lang," umaasang sabi ni Janine.
"Wala na ngang allowance 'yung tao tapos buburautin mo pa!" pambabara sa kaniya ni Trixie.
Tulad ng karamihan, hindi rin ganoon kaginhawa ang buhay ni Miguel Alaric. Alam niya ang hirap ng buhay. Lagi niyang sinasabi sa mga recitations namin na kung pwede lang ay maka-graduate na sana kami agad para mapauwi na raw niya ang Mama niya sa abroad at siya nalang ang magtrabaho.
Balang-araw Arik, alam kong makakamit mo rin lahat ng pangarap mo.
"Guys, pasok na po sa room. Papunta na si Ma'am Estrada," anunsyo ni Harley sa mga kaklase naming nasa labas. Tumayo na kaming tatlo at bumalik na rin sa classroom dahil baka magkaroon pa kami ng deduction kapag nakita kami ni Ma'am Esti na pakalat-kalat dito.
Tahimik ang lahat nang pumasok si Ma'am Esti. Agad namang pumunta si Harley sa harapan na dala ang box ng mga love letters namin.
"Kumpleto na ba 'to?" tanong ni Ma'am Esti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
General FictionKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...