It's been a year since I last saw Edward Jake De Ramalez. Apat kaming pumunta sa Palawan pero tatlo lang kaming umuwi. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi man lang siya nagpaalam.
"He always had his reasons Kat. He will never leave you like that," depensa ni Cairo Dizon sa pinsan ng ex-girlfriend niya.
"He already did," sagot ko. "One year na," dugtong ko pa.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Tanging musika at ingay ng mga tao ang maririnig dito sa coffee shop. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba akong nagawa o kung minahal ba niya ako ng totoo pero wala siya rito para sagutin lahat iyon. Alam ko rin na aalis si EJ pero hindi ko inasahan na sa ganong paraan naman pala siya aalis. Ang hirap lang dahil kahit si Patricia ay apektado sa nangyari.
Simula nung umalis si EJ ay nawala na rin si Ducci. Naghiwalay na rin sina Cairo at Caitlyn. At iyon na rin ang una't huling araw na nakita ko si Ethan. Wala na kaming narinig na balita sa mga De Ramalez pagkatapos ng gabing iyon.
"I have to go," basag ko sa katahimikan dahil alam kong iiyak nanaman ako anumang oras.
Tumango muna si Cairo bago nagsalita. "Congrats! I'll tell him na valedictorian ka." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sarkatisko akong ngumiti bago lumabas ng pinto.
Bakit hindi nalang ako ang tawagan ni EJ para ako ang magkuwento sa kaniya? Hindi naman ako galit. Gusto ko lang malaman kung ano ang totoong dahilan. May tiwala ako sa pagmamahal niya sa'kin pero wala akong tiwala sa laro ng tadhana.
"Dear friends, this is not the end. But let us all bid a wonderful goodbye to our memorable youth. May God grant us the future we always talk about. See you in college!"
Pagkababa ko sa stage ay sinalubong ako ni kuya Kael kasama si ate Amara na may dalang bouquet of flowers at malaking teddy bear. Hindi sila ang inaasahan kong magbibigay sa'kin ng ganitong bagay ngayong Graduation Day ko.
Si EJ.
Kaya nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral dahil pangarap kong mag-speech sa stage. Gusto kong salubungin ako ni EJ ng yakap at mga regalo. Gusto kong siya ang una kong pupuntahan pagkatapos ng apat na taong paghihirap sa school. Gusto ko na pagkatapos nito ay pormal ko siyang ipapakilala sa mga magulang ko at sabay-sabay kaming magcecelebrate. Pero lahat ng iyon ay dala lang ng kagustuhan ko.
Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan sa ganong paraan. Siya ang pahinga ko noon pero binigyan lang niya ako ng rason para mapagod.
Habang naglalakad ako pababa ay parang humihinto ang oras. Lahat ng pangarap ko kasama si EJ ay naglaho nalang bigla. Unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa sakit na nararamdaman. Iniwan niya ako na kinukuwestiyon ang sarili at hindi na siya babalik para magpaliwanag.
"Kuya," mahina kong sabi at agad niya akong hinila para mayakap siya. Pakiramdam ko ay naipon lahat ng sakit at pagod na matagal kong itinago dahil ayaw kong may makaalam o makaistorbo sa kahit sino. Gusto kong makita nila akong masaya, nakangiti, nag-aaral ng mabuti, at nag-eenjoy sa buhay.
"Makita ko lang ulit 'yon, Katkat, pasensyahan tayo," tugon niya na may diin ang bawat mga salita. "Mas maraming gwapo sa college lalo na sa engineering," pang-aasar niya dahilan para agad akong humiwalay sa yakap namin. Panira ng moment, bwisit!
"Katkat," tawag sa'kin ni Janine. Natatawa akong lumapit sa kaniya dahil kalat-kalat ang make-up sa mukha nila ni Trixie. Niyakap namin ang isa't isa habang walang tigil sa pag-iyak si Janine.
"Umiiyak ako kasi ang ganda ng girlfriend ng kuya mo Kat, loss na 'ko. Salamat nalang sa lahat," humihikbi niyang sabi. Hinila naman ni Trixie ang buhok niya kaya tuluyan ng nag-away ang dalawa. Bahala sila dyan!
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
General FictionKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...