Love is sweeter than the second time around.
Is it real?
What about the quotation that says first love never dies?
Whatever it is, let it be.
"Kat, parang ang lalim naman ng iniisip mo?" tanong ni Patricia. Nandito kasi kami sa Jollibee para maglunch. Napatingin ako doon sa lalaking nakasalamin habang may hawak na libro. Complete uniform at maayos ang gupit. May suot pa itong earphones habang magkasabay sa pag-indak ang kaniyang ulo sa makinis niyang sapatos.
The action of that man reminds me a lot of him.
I still remember those times na halos 'di ko na makilala ang sarili kong emosyon dahil sa kaniya.
Kung paano ko siya pahalagahan.
Kung paanong ang tahimik kong mundo ay unti-unti niyang ginugulo.
Kung paano ako naging masaya kasama siya.
Kung paano siya nawala.
"Sabi kasi, this week daw magrerelease eh!" dagdag pa niya.
Hindi ko na maisip kung paano ko nairaos ang mga araw na 'yon. Sobrang hirap. Sobrang sakit.
"Ah! Oo. Saan?" sagot ko kay Pat dahilan para kumunot ang noo niya.
"Anong sinasabi mo Katarina? May problema ka ba?" gulong-gulo naman ang reaksyon niya ngayon.
"I mean, saan tayo sunod na pupunta after kumain?" palusot ko nalang. Halatang nalilito na siya sa iniaasta ko.
"Malamang sa Review Center! Bilisan natin at malapit na palang mag ala-una." Tahimik na kaming kumain at pinilit kong alisin lahat ng hindi kaaya-ayang isipin sa isipan ko.
"Arik!"
Muntik ko pang maibuga ang iniinom kong pineapple juice kay Patricia nang marinig ko ang pangalang iyon.
"Kat, okay ka lang?" curious na tanong ni Patricia habang sinusuri ang kalagayan ko.
May babae kasing tumawag sa lalaking naka-upo kanina. Dala ang order nila at halatang humihingi nang tulong para mag-bitbit ng tray. Tumayo naman 'yung lalaki at siya na ang nag-buhat sa tray. Ngumiti ito at natanaw ko ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
Lord, pati ba naman po 'yon?
"Ah! Oo. Tara na, Pat!" Kinuha ko na agad ang mga gamit ko nang hindi inaalala si Patricia. Alam ko naman kasi na susunod din 'yan sa'kin.
Bumalik na kami sa room namin kanina. Marami na rin ang nakabalik. Pinilit kong linisin ang isip ko at mag-focus sa ginagawa ko ngayon.
"Good afternoon, future CPAs!"
Greetings mula sa aming instructor ang bumungad saming lahat. Agad naman akong napaayos ng upo.
I need to concentrate. Kung hindi ko aayusin ang sarili ko ay mawawasak nanaman ako. Ayaw ko nang maulit lahat ng pinagdaanan ko noon nang dahil sa kaniya.
He's my strength yet my destruction.
He gave light to my world then he leaves me in darkness.
He made me believe that I should be thankful for what I am right now.
Tama nga naman. Pero hindi naman ako naabisuhan na may kapalit pala ang lahat.
I lost myself while fixing his mess.
He's not my first love nor my second.
He's just a part of my life.
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...