"Ang lupit naman ng ex mo, Kat! Dapat pinabayaan mo nalang 'yun e," makahulugang sabi ni Pat. Dinig sa buong studio ang boses niya habang sinasabi iyon kaya hindi na naiwasang mapatingin sa gawi namin ang asawa ko.
"He texted me 'Kumusta ka na, mi amor?'" I smirked after I uttered that call sign. "But that's it! One year had passed at wala nanaman siyang paramdam. He's a ghost indeed."
Patricia hugged me and acted like crying. I bet she mean this kasi sobrang kawawa ko raw kay EJ that time. But what can I do? He's my favorite toxic love after all.
But that was before.
*****
Isang beses lang siyang nagparamdam last year pero parang habang-buhay ko na siyang hinihintay.
I finished the first hell year in accountancy program without retaking any subjects. Siniguro kong sunog ang kilay ko every weekdays. Sobrang bilis ng phasing dahil naka-based ang mga profs namin sa syllabus. Feel ko nga parang wala rin akong natututunan. Laging back to zero sa tuwing magbubukas ng bagong topic. Nakakahilo!
"Welcome sa FAR 2," salubong ng prof namin ngayong first day ng klase. "I am Ryan Payabyab, CPA. You can call me Sir Pay for short." He smiled at us kaya naman ang ilan sa mga kaklase ko ay nagpalakpakan pa.
"Magaling daw magturo si Sir Pay sabi ni Chloe," bulong sa'kin ni Pat kaya tumango naman ako. Obvious naman sa mga iniasta ng mga kaklase ko kanina. Sana lang ay ma-quota ko ang FAR 2 this sem. Ayaw ko talagang mag-retake. Basta! Ayaw ko lang.
Ang first day namin ay puro pagpapakilala lang at ang walang-kamatayang tanong na 'Why BSA'. Seriously? Minsan talaga iniisip ko na kaya siguro kada-sem ang tanungan para mag-self reflect kami kung tama pa ba'ng mga desisyon namin sa buhay.
Hold tight, self. 2 years pa.
After ng klase ay dumiretso kami ni Pat sa canteen para mag-lunch. Timing lang kasi naabutan namin si Chloe with her friends na mukhang kadarating lang din. Lumapit kami sa kanila para makipag-close. Sobrang taas talaga ng mga respeto ko sa mga higher year samin. Kasi knowing BSA, sobrang nakakamatay. Nakakaproud lang na kinakaya nila.
"Xyril and Mika," turo ni Chloe sa mga kasama niya. "Sina Pat at Kat, mga pinsan ko," pagpapakilala niya samin. All of them are wearing graded glasses. Mukha silang matatalino. Ibang level na talaga ang maturity ni Chloe ngayon.
Sabay-sabay kaming naglunch kaya naman pinag-usapan namin ang mababang passing rate nung nakaraang LECPA. Nabanggit din nila ang ibang mga nag-shift last year dahil hindi na-maintain ang retention policy. Ewan ko ba sa BOA? Knowing na hindi globally recognized ang CPA, parang nanghihina ako.
We paused for a while dahil sa lalaking nakatayo sa tapat namin. Sobrang halata na sa akin siya nakatingin kaya medyo nailang naman ako. Chloe and Patricia are smiling. Hindi man lang nahiyang mag-ngiting aso sa harap ni Joshua.
"May gagawin ka ba after class, Kat?" tanong ni Joshua sa'kin. Hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa'kin hangga't hindi ako nagsasalita. Natutunaw ako. Ang lakas ng loob niya ha!
"Magrereview ako sa library. May quiz next week," diretso kong sabi. Ngumisi naman siya habang tinitingnan ang wristwatch niya.
"Let's review together. Sabay na tayong pumunta sa lib after class," then he winked.
What was just happened? Hindi naman date 'yun 'di ba? Hindi man lang niya hinintay 'yung sagot ko. What if indianin ko siya? Kasalanan ko pa kapag nagkataon! Impit na tili ni Patricia at sipa ni Chloe sa paa ko ang sinalubong nila sa'kin.
"Siya 'yung sumalo kay Kat last year sa Obli Con," proud na balita ni Pat sa kanilang lahat.
"Halatang crush ka niya," dagdag pa ni Chloe.
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
General FictionKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...