Chapter 09

21 4 0
                                    

"Good morning, Jaica Building!"

Halos mapatingin samin ang lahat ng estudyante dahil sa sobrang lakas ng boses ni Janine. May pasok nanaman. Buong bakasyon kong inisip kung anong nangyari kay Arik dahil umasa akong makikita ko siya sa Manila pero hindi 'yun nangyari. Halos araw-araw ko ring ini-stalk ang facebook account niya pero ang huli niyang update ay nung Valentine's Day pa. June na ngayon.

"Kumusta ang Baguio, Trixie?" rinig kong tanong ni Janine kay Trixie na halos dalawang buwan din naming hindi nakita.

"Okay lang. Parang pinapunta lang nila ako roon para mag-alaga ng maliliit kong pinsan." Halata ang pagkabagot sa tono ng boses niya. "Nakaka-bored pero buti nalang maraming gwapo." Agad nagliwanag ang mukha ni Janine dahil sa huling sinabi ni Trixie. Talaga naman, Quizon!

"E ikaw naman, Katkat? Kumusta ang Mani— oh shit!" Napahinto kaming tatlo nang biglang halikan ni Arik ang noo ni Nicole habang nagwawalis. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makapag-isip ng tama kung anong sasabihing palusot para makaalis dito.

Anong nangyari sa loob ng dalawang buwan? Bakit biglang naging ganito? Matagal ko ng napaghandaan na mangyayari ito pero hindi ko parin talaga matanggap. Isang buong school year nanaman akong masasaktan.

"Sila na ba?" nagtatakang tanong ni Trixie habang nakatingin kina Arik at Nicole.

"Hindi ba kayo nag-open ng facebook? Naka-in a relationship na sila, kahapon lang." Inilabas ni Janine ang cellphone niya pagkatapos ay lumapit samin para ipakita ang nasa screen niya.

Miguel Alaric is in a relationship with Clara Nicole Sarmiento.

Nabitawan ko ang hawak kong walis dahil sa nakita. Expected ko naman na mangyayari 'to pero bakit ang sakit parin? Parang tuluyan nang nakuha sa'kin ang pinaka-iniingatan kong laruan. At wala naman akong ibang choice kung 'di ibigay iyon dahil hindi naman talaga ako ang tunay na nagmamay-ari. Naki-hiram lang din ako.

"Guys, pasok na raw po sabi ni Sir Jimenez!" anunsyo ni Harley.

"Katkat, tara na!" Hinila pa ako ni Janine para lang makaalis sa garden. "Akala ko may something na, sayang!" rinig ko pang sabi niya.

Akala ko rin.

Tahimik ang klase pagkapasok namin sa classroom. Hindi magkatabi sina Arik at Nicole pero mapapansin mo ang pagsulyap nila sa isa't isa. Unang araw palang ng pasukan pero parang gusto ko nang mag-advance exam para sa finals.

"You can call me Sir Jims," panimula ng bago naming adviser na si Sir Jimenez. Mukha naman siyang mabait at approachable. Pero hindi ko parin maiwasang hanapin si Ma'am Esti.

"Sir Jims!" Itinaas pa ni Xavier ang kamay niya para lang mapansin ni Sir. First day palang, pabibo agad.

"Yes, Mr. Venzon?"

"Alphabetical order ba ang seating arrangement, Sir?"

Inilibot ni Sir Jimenez ang paningin niya sa buong klase bago nagsalita. "You can seat wherever you want. 'Di na kayo bata para diktahan pa kayo sa mga dapat niyong gawin," nakangiti niyang tugon. Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko para tumabi sa mga kaibigan nila. Akmang tatayo na ako para tumabi kina Trixie at Janine nang biglang hawakan ni Arik ang kamay ko pabalik.

"Dito ka lang. T-tabi tayo," nauutal niyang tugon.

Gusto ko siyang tanggihan pero hindi ko magawa. Mas nangingibabaw ang pagka-gusto kong makasama siya kahit alam kong ito rin ang magiging dahilan para masaktan ako balang-araw. Ito rin marahil ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko masabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa magiging pagbabago. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako sa mga bagay na maaaring mawala kapag inamin ko 'to sa kaniya.

Untold Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon