"Thanks sa ride," paalam ni Pat sa boyfriend niya. Akmang aalis na sana si Ducci pero hinawakan ko ang t-shirt niya para pigilan siya. I just need to ask him about EJ. Pakiramdam ko kasi nandito lang siya sa Pilipinas.
"Katarina!" inis na tawag sa'kin ni Pat sabay alis sa kamay kong nakahawak kay Ducci.
Binalewala ko 'yon at itinuloy parin ang balak kong sabihin. "Kailan siya babalik?" tanong ko.
Napahilamos sa mukha si Ducci at sa tingin ni Pat sa'kin ay parang gusto na niya akong sampalin. Alam kong hindi nila alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi nila alam 'yung pakiramdam ng maiwan sa ere.
"You've been asking that for months now. Por favor! Hindi si EJ ang nakita mo sa resto dahil nasa Spain siya," mahabang paliwanag sa'kin ni Ducci. Pareho sila ng girlfriend niya ng ugali. Masyadong mainitin ang ulo, maikli ang pasensya, pero sobrang daldal nila at ang lakas din nilang tumawa. Ngumiti ako sa kawalan bago tuluyang bumaba sa sasakyan.
"My God, Katarina Viel! You look so desperate! Naiinis na ako sa'yo!" sunod-sunod na hinaing ni Pat na parang maluluha pa.
"Binalikan ka kasi kaya hindi mo ako naiintindihan."
Lumapit sa'kin si Ducci at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Escucha mujer, if ever na bumalik ang pinsan ko, you'll be the first one to know." Bawat paghinga ni Ducci ay palalim nang palalim na tila hirap pa siyang tapusin ang sinabi niya.
"Bakit ako?" nagtataka kong tanong.
Tiningnan niya si Pat na umiirap sa tabi habang sa akin nakatingin. Muli ay tiningnan ako ni Ducci pagkatapos sinagot ang tanong ko. "You're the love of his life, Katarina Viel. Always his peace and home." Lumambot ang puso ko sa sinabi niya at umasang totoo nga iyon.
Pagkatapos ay nagpaalam na samin si Ducci. Nagmamaktol pa ngang pumasok ng boarding si Pat dahil lagi raw may pinupuntahan ang boyfriend niya pero hindi nagsasabi kung saan. Laging 'business' o kaya naman 'Ethan' din daw ang isinasagot. Napangiwi ako sa sinabi niya dahil pare-pareho talaga ng mga rason ang magpinsang De Ramalez. Iniisip ko tuloy na kung sino kaya ang ipinapalusot ni Ethan sa girlfriend niya kung sakaling may lakad sila ng mga pinsan niyang lalaki.
Bakit ngayon ko lang napansin na auditing theory is the GMRC of accounting students? Sobrang daming binabasa at pakiramdam ko ay tama lahat ng choices. Kapag hindi ko na alam ang isasagot ay pinipili ko nalang kung ano ang para sa ikabubuti ng company. And I think I made the right choice dahil pumapasa naman ako every quiz.
"Kat, AFAR 2!" naluluhang reklamo ni Pat. Ibinigay ko ang vitamins niya at pinanood ko siyang inumin 'yon. Iniabot ko rin ang tissue. Sumimangot naman siya pagkatanggap n'on.
"Want to shift?" agad kong tanong sa kaniya pero umiling naman siya.
"No. Hindi na. We've been through a lot. Ayaw ko na," sunod-sunod niyang daing.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inabot ko sa kaniya ang textbooks at test banks bago sinabing, "Then review... and survive. Matatapos din 'to."
I saw Joshua in the library and we both greeted each other like the usual. Medyo hindi na nga namin napapansin ang existence ng isa't isa dahil balita ko ay executive officer na siya ng JPIA at busy din siya magreview sa mga quiz bee na sinasalihan niya. Last time I heard about him was when he went to Baguio dahil isa siya sa naging representative ng shool namin sa academic league.
He's setting the standards too high.
Sana lang ay hindi ako magsisi na binasted ko siya last year.
Tumawag sa'kin si Papa at sinabing naipadala na raw niya ang allowance ko ngayong buwan. Nag-thank you naman ako pero nang narinig ko ang boses ni Mama ay agad kong pinatay ang tawag. Hindi parin ako makahanap ng timing para makausap siya.
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
Ficción GeneralKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...