Chapter 03

16 4 0
                                    

"I'm home!"

Nadatnan kong gumagawa ng assignment si Krista sa sala at nagluluto naman ng hapunan si Auntie Rosie. College na si kuya Kael kaya every weekend nalang siya umuuwi rito sa bahay. Ganoon din sina Mama at Papa na parehong busy sa Manila dahil sa negosyo ng pamilya namin.

Dumiretso na 'ko sa kwarto at inisip lahat nang iniasta ko ngayong araw. Hindi naman ganito kalalim ang nararamdaman ko kay Arik noon ah! Pero habang tumatagal, mas lalo akong natatakot. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

"Baka infatuation lang?" pampalubag-loob ko sa sarili ko habang kausap ang butiki sa kisame. Mawawala rin 'to kapag grumaduate kami. Sa simula lang 'to. Kaya pang agapan. Sana?

Napatayo ako nang biglang may maisip na kakaibang bagay na hindi ko pa nagagawa kahit kailan. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at binuksan ang Facebook app. Gusto kong dalawin ang account ni Arik.

Miguel Alaric ~ 1,216 mutual friends. Famous din 'to sa social media dahil sa mga nakakapanood sa kaniyang magperform. Tuwing dadaan nga 'to sa pathway, halos lahat ng estudyanteng madaanan niya, binabati siya.

"Oh?" nanlaki ang mga mata ko nang makitang may status siya one hour ago. "Your presence is enough for tomorrow," basa ko pa sa post niya. Samu't-saring likes at comments ang nakita ko kaya hindi ko napigilang magbasa sa comment section. May nagshare pa nga!

"Walang-kwenta!" umirap ako at inihagis sa kama ang cellphone ko dahil wala akong napala sa mga comments. Puro Notice me idol at Pa-accept po, Kuya ang nababasa ko galing sa mga babaeng tagahanga niya.

"Kat, kakain na!" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Auntie Rosie para sa hapunan.

Pero sino nga bang tinutukoy ni Arik sa status niya? Kaninong presence ba ang enough daw para tomorrow?

"Ba't namumula ka, Katkat? Masama bang pakiramdam mo?" curious na tanong ni Auntie sa'kin. Kinapa ko ang sarili ko at tumingin sa salamin. Masama na 'to, Katarina Viel. Malala ka na.

"Hindi makakauwi ang Mama't Papa niyo sa Sabado. Busy daw doon. Magpapadala nalang sila ng allowance," sabi ni Auntie Rosie saming dalawa ni Krista. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Sanay na rin ako na hindi umuuwi sila Mama dito kaya hindi na 'ko masyadong nalulungkot. Ang inaalala ko lang ay si Krista, lumalaki siyang hindi masyadong nakikita si Mama. Kaya kapag umuuwi sila dito ay malayo ang loob niya sa kanila.

Pagkatapos mag dinner ay nagshower lang ako sandali at bumalik na sa kwarto para mag-aral. "Wala akong maintindihan," reklamo ko. Isang oras ko nang paulit-ulit binabasa ang title ng module pero hanggang ngayon, hindi ko na nailipat sa ibang page.

Para kanino ba kasi talaga 'yon? Sino ba kasi 'yung tinutukoy niya?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ulit ang Facebook. Nagstatus din ako. Gusto kong iparating na curious ako sa status ni Arik kanina.

Happy Valentine's Day everyone especially to you <3. Pagkapost ko ay agad nag-notif ang comment nina Trixie at Janine.

Janine Quizon: may LL ka? hahahaha

Trixie Maniego: Uy! Sino 'to?

Nakaramdam tuloy ako ng hiya kaya balak ko na sanang idelete nang makita kong nag comment si Arik.

Miguel Alaric: Happy Valentine's Day din :)

Napahinto ako ng ilang segundo at tinitigan muna ang comment niya kung totoo ba iyon o hallucination ko lang. Niyakap ko ang cellphone ko sabay padyak sa kama.

Untold Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon