Chapter 22

16 3 0
                                    

"Out of 48 students only 15 reached the quota," bungad ng prof namin habang hawak ang mga answer sheets sa nakaraang exam. Namamawis ang mga kamay ko at parang may bato sa dibdib ko na gustong lumabas. Final exam na 'to tapos major subject pa. Mamamatay ako kapag hindi nabanggit ang apelyido ko sa 15 students na 'yon.

"Mercado."

"Alonzo," pangalawang sabi ng prof namin. Shuta! Mas kinakabahan pa ako dahil halatang magagaling ang mga unang nabanggit. Angkan yata ni Rizal ang mga 'to eh!

"Gonzales." Nagkatinginan kami ni Patricia na parehong maiiyak na. Ayaw ko na! Kapag hindi nabanggit ang apelyido ko, magsi-shift na ako sa second year. Bahala na si Patricia rito, sisisihin ko nalang si Chloe kasi sabi niya nakaka-blooming daw ang accountancy, plus minus lang.

"Dizon," tawag ng prof namin kay Pat pero mukhang natuod lang si Pat sa upuan niya. "Dizon, Patricia Amerin?" ulit ng prof namin kaya hinila ko ang hibla ng buhok niya.

"Sir!" agad siyang tumayo at nag-dub pa pagkakuha ng papel.

Ilang pangalan pa ang natawag pero wala talaga ang sa'kin. Iiyak nalang ako sa CR mamaya. Hindi nalang din siguro ako kakain kasi hindi ko deserve.

"Mr. Zamora and Ms. Saavedra got the highest scores." 

Seryoso ba? Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng prof namin. Tiningnan ko muna ang ibang mga kaklase ko para masiguradong ako lang ang 'Ms. Saavedra' rito.

"Saavedra raw." Inalalayan ako ni Joshua para makatayo, na hindi naman kailangan, pero binalewala ko nalang.

"That's all BSA," paalam ng prof bago inilapag ang ibang papel sa lamesa. Pagkalabas niya'y nagtitigan kami ni Pat ng ilang segundo bago niyakap ang isa't isa. Isang subject lang 'to pero pakiramdam ko ay nanalo na kami sa lotto.

"Whatever review techniques you're doing, keep it up!" naiiyak na sabi ko kay Pat.

"Effective rin si Dela Vega sa'yo," tugon niya habang tatawa-tawa kaming lumabas ng school. Pilit ko siyang pinapaamin kung anong sikreto niya dahil nakikita kong sobrang saya ni Pat ngayon pero ayaw niyang sabihin kung ano, bakit, o sino.

Lumingon ako sa paligid habang naglalakad kami pauwi pero kahit anino ni Arik ay hindi ko makita. Hindi ko na muna masiyadong inisip dahil exam week ngayon kaya paniguradong abala rin siya. Hindi naman niya ako girlfriend para mag demand ng oras.

Madilim parin ang kwarto ni Arik kaya paniguradong wala pa siya roon. Kung meron man, baka tulog? Ayaw ko nalang istorbohin.

"Kat, may pupuntahan ako. 'Wag mo na akong hintayin. O kaya dyan ka nalang matulog kay Migs," bilin pa niya na may halong panunukso bago umalis.

"Patricia, gabi gabi nalang ah!" pahabol ko pa pero kumaway lang siya.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi parin dumarating si Arik. Pinili ko nalang magreview habang naghihintay sa kaniya. Alas-dos na ng madaling-araw pero wala parin sina Arik at Pat kaya nanood nalang ako ng movie habang naghihintay sa kanila.

"Shit!" Nagmamadali akong tumakbo sa room ni Arik nang bigla kong marinig ang tunog ng basag na bote. Balak ko sanang kumatok pero hindi naka-locked ang pinto kaya pumasok na ako agad. Binuksan ko ang ilaw at halos manghina ang tuhod ko dahil sa hitsura ni Arik ngayon. May mga bote sa lamesa, ang iba ay basag pa. Ang mga plates niya ay nabasa na rin at ang suot niyang uniform ay sobrang dumi.

"Okay lang ba siya 'te?" tanong ng kapit-bahay namin.

"Oo. Sorry sa abala," hingi ko ng paumanhin. 

"Kung need mo ng tulong, katok ka lang sa room 12," dagdag pa niya. Nagpasalamat naman ako bago tuluyang inasikaso si Arik.

Untold Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon