Chapter 19

11 4 0
                                    

"Welcome to Kalachuchi Beach, mamsir!" maligayang bati ng bangkero samin.

"Grabe! Ang linaw ng tubig," puri ni Janine habang walang tigil sa pagkuha ng mga litrato sa iba't ibang anggulo. Sandali ko namang ipinikit ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin. Ang effort pa nga ni EJ magdala ng plastic bag kasi hinihintay daw niya akong mahilo sa biyahe.

"Ito ang pinaka-tourist spot sa buong Coron, ma'am. Pwede rin po iyong Kayangan Lake kasi mas sikat 'yon na nakikita sa mga larawan ng mga turista," proud na dagdag pa ng bangkero samin. Napangiti kaming apat sa sobrang ganda ng tanawin. Sulit na sulit nga ang ginawang pagdadrama nina EJ at Janine para mapayagan ako.

Ilang minuto pa ay bumaba na kami sa bangka. Pumitas si EJ ng isang kalachuchi flower at isinabit iyon sa teinga ko. "Wonderful," tila namamangha pa niyang sabi. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago ako itulak ni Janine sa kaniya dahilan para mapahawak ako sa dibdib ni EJ.

"Sorry. Janine ano ba!" reklamo ko pero hanggang ngayon hindi parin ako umaalis sa makisig na bisig ng boyfriend ko. Bumelat lang saming dalawa si Janine habang nakikinig sa mga sinasabi ng bangkero namin.

"De Ramalez!" Isang matipunong boses ang tumawag sa apelyido ni EJ.

"Cairo!" tawag naman ni EJ sa kaniya pabalik. Nag fist bump ang dalawa bago bumaling samin nina Janine.

Totoo nga na magkakakilala sila. Sina Ducci, EJ, at Cairo. Inilapit ako ni EJ sa kaniya at hinawakan ang beywang ko. Nakakailang man pero mukhang nasasanay na rin ako. Maraming beses ko nang nakita si Cairo na kasama si kuya Kael pero ngayon palang ako pormal na ipapakilala sa kanila ni EJ.

"This is Katarina, girlfriend ko." Bumulwak ng tawa si Cairo nang ipakilala ako ni EJ. Kumunot naman ang noo ko. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Ito ba ang totoong sila? Ang yayaman nila!

"Who would've thought that you will settle with one woman?" sarkastikong tanong ni Cairo sa kaniya. Nakakairita man pero may punto naman siya sa sinabi niya. Sino nga bang mag-aakala?

"Gago! Where are they?" Tumanaw pa sa malayo si EJ na tila hinahanap ang iba pang mga bisita.

"Nag lunch lang kami ni Caitlyn dito. Gusto ka na raw niyang makita. Nasa Amanpulo na si Ethan." Itinuro niya kung saan sila nakapuwesto at agad ko namang namataan ang babaeng naka-shades sa loob ng nipa. Caitlyn De Ramalez? Iyong spoiled brat na pinsan ni EJ, sabi ni Ducci Isaac. Tsaka, akala ko ba na dito lang sa Coron? Bakit biglang may-pa Amanpulo sila?

"Oh! The casanova is invited," tukoy niya kay EJ at makikipag-beso sana pero agad lumayo si EJ.

"Together with his girlfriend Cai," nanlaki ang mata nung Caitlyn nang tingnan ako ni Cairo. Same reaction, tumawa rin ito na animo'y niloloko namin sila.

"Alam ba ng Daddy mo 'yan Edward?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Caitlyn at ganon din si EJ. Ano bang meron?

"Here comes the food!" basag ni Cairo sa namuong katahimikan.

Nung una ay walang nag-uusap pero dahil likas na kay Janine ang pagiging madaldal, siya na ang nag initiate ng usapan. "Taga-saan ka, ate?" tanong niya kay Caitlyn.

"Spain... but I kinda' feel suffocated na there kaya umuwi ako here sa Philippines," conyong sagot niya kay Janine na kung papakinggan ay masasabi na agad kung saang university siya sa Manila nag-aaral. "Kayo ba? Ah yeah! Tarlac?" Hindi na niya hinintay makasagot si Janine pabalik dahil mukhang may ibig-sabihin ang mga tono niya ng pananalita. Hindi ko tuloy sigurado kung welcome ba ako sa pamilya ni EJ o hindi.

"Saan ka po nag-aaral?" Tinapik ko ang hita ni Janine mula sa ilalim ng lamesa para patigilin siya ngunit ayaw talaga nitong paawat.

"I'm a Leg Ma from Ateneo. What about you, Edward Jake, anong plano mo sa college? Abuela keeps asking me." Umirap pa ito kay EJ bago sumubo ng pagkain. Gustuhin ko mang makisali sa usapan ay mukhang hindi ko alam kung paano ako lulugar. Kanina lang ay sobrang lapit ko kay EJ ngunit ngayong nakikilala ko ang angkan niya ay unti-unti siyang lumalayo sa'kin. Parang ibang EJ ang nakilala ko sa Tarlac.

Untold Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon