"Katarina, ngayon ka lang ba nakakita ng passport? Kaloka ka naman!"
Nanlulumo akong humiga sa kama habang paulit-ulit na tinatanong ang aking sarili kung bakit ako nagkaka-ganito. Ang weird lang kasi! Hindi ko na nga namalayang naglalakad na pala ako kanina papuntang SAMLOR. Wala rin akong naintindihan sa mga kinukwento ni Chloe habang pauwi kami. Masiyado akong na-occupied ng passport ni Edward Jake.
"Katkat, nandyan ang mga pinsan mo sa labas," bungad sa'kin ni Auntie Rosie pagkabukas niya ng pinto sa kwarto ko. Tumango lang ako habang nagtatakang lumabas agad para tanungin sila Chloe at Patricia kung bakit sila nandito. Kauuwi lang namin at hindi pa ako nakakapag-palit ng uniform. Si Krista naman mukhang exhausted, unang-araw palang.
"Kakababa ko lang ng bag ko Clo, ano bang— saan punta niyo?" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bihis na bihis silang dalawa ni Patricia.
"Birthday ni ate E today. Gaga ka! Nakalimutan mo?" Palihim kong sinilip ang kalendaryo sa pader namin at agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko para makapagbihis. Baka patayin ako ni ate E kapag nalaman niyang nakalimutan ko kung anong araw ngayon!
"Auntie Rosie, pupunta lang ako kila ate E. Doon na ako maghahapunan, birthday niya ngayon. Bye!" sunod-sunod kong sabi. Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita dahil baka abutin kami ng dilim sa dami ng habilin niya. Kilala naman nila Mama si ate E, alam niyang hindi nila ako pababayaan.
"May regalo raw ba dapat?" nag-aalangan kong tanong kay Clo. Tinawanan lang niya ako bago sumagot. "Ihanda mo lang daw 'yang atay mo, Katkat," nakakaloko niyang tugon. Mukhang mapapasubo yata kami ngayon.
Tunog agad ng karaoke ang maririnig mula sa labas pagkababa namin sa tricycle. Nirentahan ni ate E ang resort na ito para wala raw makisali sa mga circle of friends niya. Iba talaga!
"Carrot, sit!" Kinakabahang sumenyas si Chloe nang akmang susugod na samin ang aso ni ate E. Ang laki na ni Carrot!
"B cousins?" nagtatakang sumilip si ate E sa gate at agad naman namin siyang sinalubong ng yakap.
"Happy birthday, Esmeralda! The night sky tells all," sabay-sabay naming bati.
"Late kayo ng five minutes!" puna niya samin.
"Esmeralda, someone's looking for you," tinig ng isang lalaki. Literal na napanganga ako nang biglang iniluwa ng gate si EJ.
Hinila ni ate E si Chloe kaya sumunod naman sa kanila si Patricia. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil masiyado akong affected sa presence ni EJ sa harapan ko ngayon. Bakit siya nandito? Invited ba siya? Wala naman siyang kaibigan sa circle of friends ko o namin nila Pat? Nakaramdam ako ng sobrang kaba habang papalapit siya sa'kin. Nanghihina ako. Parang ang init? Pinagpapawisan ako. Hindi ko alam!
Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa'kin dahilan para mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa sobrang lapit sa'kin ni EJ.
"Chloe invited me. Pasok na tayo." Walang-pasabing hinawakan niya ang kamay ko. "Para kang tanga dyan," dugtong pa niya.
"Kaya ko namang maglakad, Edward Jake!" pagmamaktol ko. Pilit kong hinihila pabalik ang mga kamay ko pero masiyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid pero kahit anino ni Chloe o Patricia ay hindi ko na makita. Nagsisimula palang 'yung party pero ang bilis nilang mawala.
"Sit here," utos niya sa'kin. Hindi ko siya sinunod at nanatiling nakatayo sa tabi niya. Mukha ba akong si Carrot para utusan niya?
"Bakit naman kasi ikaw ang kasama ko? Panira ng araw!" parinig ko.
"Gabi na Katarina," pamimilosopo niya sa'kin.
"Nasaan ba kasi sila Clo? Nakakaasar!"
"Por favor, Katarina! Ang daldal mo." Napahilamos pa siya sa mukha dahil sa pagka-irita sa'kin. Wala akong pakialam. Hindi ko naman siya pinilit na samahan ako.
BINABASA MO ANG
Untold Memories [COMPLETED]
General FictionKatarina Viel invited in an interview about her youth. She reminisces her past and told them how fate tested her patience waiting for her husband. Along her journey, she discovered how love changes people, how responsibilities aided pain, and how...