Capitulo Nueve

762 55 11
                                    



Capitulo Nueve



BAGOT na bagot ako habang nakatingin sa mga tao na mukhang nag-e-enjoy sa party na ito. May mga nagtutugtog ng musical instruments, mga taong busy sa pakikipagkwentuhan, at nagsasayawan ng waltz sa gitna ng venue hall. Si Tandang Manuel busy rin na nakikipagkwentuhan sa friends niya. Sana all may friends. Samantalang ako, nandito sa upuan katabi ang ibang girls na parang nag-aabang na may magyayang isayaw sila.

"Grabe, nakaka-boring naman dito." Gusto kong sumalumbaba kaso papagalitan ako ni Tandang Manuel. Ayoko magalit 'yon. Baka magka-wifi signal na naman ang noo niya. Umayos ako ng upo. "Boooring!" Tumayo ako at lumapit sa bintana. Kita rito sa pwesto ko si Manuel na seryosong nakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Mukhang anytime magbu-burst na siya sa galit. "Ano kayang pinag-uusapan nila kaya may wifi signal na naman sa noo si Tandang Manuel?" Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko. Unti-unting gumaan kahit papaano ang expression ng mukha niya. Bumalik ulit ang attention ni Manuel sa kausap niya.

Napagdesisyunan ko na maglakad-lakad na lang dito sa venue ng party para makita ko kahit papaano kung ano ang mayroon rito. Huminto ako sa harap ng isang family portrait. Maganda ang pagkaka-paint at primera clase ang frame nito. Bilang isang former magnanakaw-former dahil hindi ko naman keri makapagnakaw rito-masasabi kong mahal itong maibebenta sa online auction. Maraming rich kid na magwawaldas ng malaking pera para lang mabili ito. "Parang si Professor Keira at ang asawa niya he-he."

"Magandang gabi, señorita!"

Hindi ko pinansin ang taong nagsalita sa likuran ko. Malay ko ba kung sino kausap nito. Hindi naman ako isang señorita dahil isa akong dakilang dukha mapa-year 2020 or sa panahong ito. Kaya imposible talagang ako ang kinakausap ng lalaking nasa likuran ko. Mas lumapit pa ako sa frame ng painting para makita kong mabuti ang detalye ng design nito. "Wow! Ang ganda naman ng pagkaukit nito." Pinasadahan ko ng haplos ang frame. "Ang galing naman ng taong nag-ukit nito!"

"Salamat sa papuri, señorita."

Nilingon ko ang lalaking nasa likuran ko. "Ha?"

Nginitian ako ng lalaki at tinuro ang frame. "Ako ang umukit sa kwadro na iyan."

"Ah, okay." Binalik ko na lang ang attention ko sa frame.

"Tila ika'y dayo rito."

"Yeah, dayo nga ako rito. Obvious ba?" Obvious na nga'ng new face dito tapos tatanungin pa.

"Taga saan ka, señorita?"

"Taga outer space ako. Sa planetang Mars kung saan nakatira sina E.T at Kokey. Ah! Isama pa si Matteo Do ng Kdrama na My Love From the Stars."

"Ano?"

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki. "Wala." Wala ba itong kasama rito sa party kaya ako ang ginugulo nito?

Ngumiti sa akin ang lalaki. "Sino ang kasama mo sa pagpunta rito?"

"Si Manuel Saenz." Tinuro ko pa si Tandang Manuel na masama ang tingin sa amin ngayon kahit pa may kausap siya. Hala! Ano na namang ginawa kong masama sa kanya? "Sige, maiwan na kita, Kuya." Nagmadali akong lumapit kay Manuel. Tumabi lang ako sa kanya. Dito na lang ako kaysa naman sermunan niya ako mamaya pag-uwi ng bahay dahil may ginawa na naman ako na hindi niya kinatuwa.

"Kilala mo ba ang binibining nasa iyong tabi, Manuel?"

Biglang lumingon sa akin si Tandang Manuel kaya nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis na kulang na lang ay langgamin na ako rito. "Hi!" Hindi man lang gumanti ng bati sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may nakita siyang unusual sa akin. "Ayos ka lang?"

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon