Capitulo Uno

1.2K 66 7
                                    



Capitulo Uno




SABI NILA, maswerte ka raw na pinanganak ka sa mundong ito dahil makikita mo ang kangandahan nito. Para naman sa akin, hindi naman lahat ay maswerte. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may gintong kutsara. May mga malas lang katulad ko. Kung sila, nakikita nila ang kagandahan ng buhay, p'wes hindi sa akin. Hindi lahat ay may mapagmahal na magulang dahil may mga tulad ko na pagkapanganak pa lang ay iniwan na sa tapat ng isang ampunan o simbahan. Ang worst is iwanan sa tabi ng basurahan.

Maswerte raw ang mga batang napunta sa ampunan dahil may mga mag-aaruga sa kanila at hindi ito napunta sa mga masasamang tao. P'wes hindi lahat ng ampunan ay may mabuting tagapag-alaga. Nagkataon siguro na napunta ako sa ampunan na may mapanakit na tagapangalaga kaya mas pinili kong umalis na lang doon sa edad na disisais at tustusan ko na lang ang sarili ko habang nag-aaral sa kolehiyo.

Ang sabi nila maswerte ka raw kapag umabot ka sa college level at scholar ka pa sa isang prestigious school. Ang tinatawag nilang paaralan ng mga elitista, mayaman. Oo, maswerte ka nga pero paano kung katulad mo ako na hindi matustusan ang pangangailangan dahil hindi sapat ang kinikita sa mga part-time job? Nasa edad na bente tres na ako pero nasa fourth year college pa lang ako dahil late na nakapag-aral sa college. Ang mga kaedaran ko ay may kani-kaniya ng trabaho at ang iba naman ay may sarili ng pamilya. Samantalang ako, graduating student pa lang sa kursong Political Science.

"Hoy! Tumigil ka. Magnanakaw!"

Hindi ko pinansin ang taong sumisigaw at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kung saan-saan na ako lumiko hanggang sa hindi ko na marinig ang boses ng sumisigaw. May nakita akong isang bakod at agad akong sumampa para maakyat ko iyon. Nakahinga ako ng maayos nang makarating na ako sa isang bakanteng lote na medyo madilim.

"Sa wakas nakarating ka na rin, Phim! Akala ko nahabol ka no'ng may-ari ng bahay."

Umupo ako sa damuhan at hinubad ko ang suot kong itim na bonnet. Habol-habol ko pa rin ang paghinga ko. "Buwisit ka, Tony!" Binato ko sa kaniya ang bag na naglalaman ng ilang mamahaling kuwintas, hikaw at bracelet.

"Ano namang ginawa kong masama sa iyo?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Ang sabi mo ay walang tao roon. Bakit nandoon 'yong matandang babae?" Hindi ko ine-expect na 'yong matandang babae na iyon ay kaya pang makipag-marathon sa akin!

"Hindi ko naman alam na magpapaiwan 'yon doon." Umupo sa tabi ko si Tony at sinipat ang laman ng bag. "Marami-rami rin ang nakuha mo kahit pa nahuli tayo. Matutuwa nito si Boss."

"Syempre ako pa! Magaling ako d'yan. Marami pa akong makukuha sana kung hindi ka lang palpak sa pagkuha ng impormasyon!" Malakas ko siyang sinuntok sa braso. "Sa susunod siguraduhin mong wala talagang tao sa loob ng bahay bago mo ako papasukin doon. Kapag nangyari ulit ito, bubugbugin na talaga kita."

"Oo na." Binalik ni Tony sa bag ang mga hawak na kuwintas. "Salamat, Phim. Sa Sabado ko na lang ibibigay ang parte mo."

Tumango ako bago tumayo. "Sige, mauna na ako sa iyo. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko."

"Syempre naman. Ingat ka." Inabot niya sa akin ang lumang-luma pero dekalidad kong Jansport bag.

Sinaluduhan ko si Tony bago umakyat sa kabilang bakod ng lote para malapit na lang ang lalakarin ko papunta sa highway. Maiksi na lang ang tulog ko nito dahil apat na oras na lang, start na ang first class ko. Napakamot tuloy ako sa ulo habang naglalakad. Malapit lang ang tinitirhan ko sa subdivision ng ninakawan kong bahay.

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon