Capitulo Siete

755 45 12
                                    



Capitulo Siete



PANAY ang lingon ko kay Manuel sa malayuan habang siya naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya. Mukhang may munting meeting sila sa gitna ng taniman. "Hindi ba nila naisip na pwede naman sa patag na lugar sila mag-meeting? Bakit sa gitna pa ng taniman na anytime baka may mambulabog na daga sa meeting nila? At saka, ang init kaya. Hindi ba sila naiinitan?" Naglakad-lakad ako habang sila ay abala pa rin sa pinag-uusapan nila. Nag-squat ako para magtanggal ng mga damong ligaw sa paanan ko.


Bakit kaya naligaw ng tubo ang mga damong ligaw? Saan kaya sila dapat tutubo?


Nakakatuwa naman magtanggal ng damong ligaw. Nakakatanggal ng stress ko kay Tandang Manuel na ninuno ng mga masusungit na tao sa mundo. "He-he, ninuno ng mga masusungit. Bagay sa kanya ah."


Nagpatuloy lang ako sa pagbubunot ng mga damong ligaw. Tumayo ako at kinuha ko ang kalaykay malapit sa akin. Pagdidiskitahan ko na talaga ang mga pobreng damong ligaw. At least natulungan ko ang magsasaka ni Manuel sa trabaho nila kahit pa 0.5 percent lang ang natulong ko. Pinunasan ko ang tumulong pawis sa noo ko. "Ang init naman talaga sa Pilipinas. Kailan kaya magkakaroon ng chance na mag-snow dito?" Gusto kong iangat ang saya ko para madali akong makakilos kaso baka sungitan na naman ako ni Tandang Manuel. Naiinitan talaga ako sa suot ko. Hirap makahinga ng maayos. Nang gagamitin ko na ulit ang kalaykay, biglang may tumakbong daga papunta sa paanan ko. "Ah! Daga!" Tumakbo ako papunta kay Manuel. Walang sabi-sabing nagpakarga ako sa kanya.


"Ano bang nangyayari sa iyo? Ang dumi-dumi na ng suot mong damit!"


"Tinatanggal ko kasi 'yong mga damong naligaw ng landas tapos biglang may tumakbong daga sa paanan ko." Yumakap ako kay Manuel nang makita ko ang daga na nandoon pa rin sa tabi ng kalaykay. Feeling ko anytime lalapitan ako nito. Sa lahat ng peste sa mundo, ang pinakaayaw ko ay ang daga. Okay lang na lumapit sa akin ang ipis, huwag lang ang daga. Hindi kami close ng kalahi nina Mickey Mouse, Remy, Jerry, at Doding Daga.


"Bumaba ka na nga. Pinagtitinginan na tayo ng mga tauhan ko."


Umiling ako. "Ayoko. Baka lapitan ako ng kamag-anak ni Mickey Mouse."


"Ang kulit mong binibini, Seraphim!" nanggigigil na bulong niya sa akin. Tumikhim siya bago magsalita. "Maiwan muna namin kayo dahil labis na natatakot ngayon ang binibining kasama ko. Bukas na lang natin ipagpatuloy ang pagpupulong na ito." Naglakad na papalayo si Manuel habang karga ako. Sinubukan niya akong ibaba kaso humihigpit lang ang kapit ko sa kanya. "Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo'y magiging usapin na tayo ng mga tauhan ko?"


"I don't care basta malayo na ako sa dagang 'yon!" Lalo pa akong nagsumiksik kay Manuel.


"Tunay na makukulit ang mga binibining galing sa hinaharap," naiiling niyang sabi. Huminto kami sa harap ng isang puting kabayo.


Wow! Malayong kamag-anak ng mga unicorn. Ang ganda!


Walang sabi-sabi na sinakay ako ni Manuel sa ibabaw ng kabayo. "H-Hoy! Bakit mo ako sinakay rito?"

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon