Capitulo Once

714 54 6
                                    



Capitulo Once




"MANUEL,"

"Hmn?"

"Hindi ka ba nababagot?"

"Nababagot saan?" Hindi man lang tumingin sa akin si Tandang Manuel. Patuloy lang siya sa pagkukumpuni ng nasirang upuan ng dining table.

"Dito sa bahay mo. Nakakabagot kaya rito lalo na kung mag-isa ka lang dito. Wala man lang mapagkakaabalahan tapos wala ring masyadong kausap."

Huminto sa pagpukpok ng pako si Manuel. "Hindi. Marami naman akong mapagkakaabalahan dito."

"Sigurado ka? Ang boring kaya rito. Kung sana may internet at koryente rito, sure talagang hindi ako mababagot. Syempre makalalaro ako ng mobile games sa cellphone ko."

"Ang mga bagay na iyong sinasambit ay pawang mga luho lamang."

"Hindi kaya." Umupo ako sa kalapit na upuan. "Kung walang koryente at internet, mahihinto lahat. Walang trabaho, hindi kaagad makikita ang mga sagot sa takdang aralin at mahirap makipag-usap sa mga minamahal natin na malayo sa atin." Pinakita ko kay Tandang Manuel ang Messenger ko. "Idagdag mo pa na hindi ka makakalaro ng mga mobile games o makakapanood sa YouTube. Ang hirap kaya no'n. Paano na ang mundo?"

"Maayos pa rin naman." Humarap si Manuel sa akin. "Tingnan mo ang panahon na ito. Wala naman ang mga sinasabi mong kailangan mo pero nagagawa naman namin ang aming trabaho. Kaya naman naming magkaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak namin sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham. Nasa libro naman ang kasagutan sa mga takdang aralin. Maraming pwedeng gawin dito para hindi ka mabagot. Subukan mong magtahi o hindi kaya'y magtanim ng mga bulaklak. Kung hindi mo 'yon hilig, magluto o maglinis ka. Pagbabasa, pwede rin. Kung hindi mo pa rin hilig iyon, Mag-aral kang tumugtog ng mga instrumento. Maraming bagay na pwede kang gawin sa panahong ito."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Unang-una sa lahat, hindi ko trip gawing hobby ang mga gawain sa bahay. Anong tingin ninyong mga lalaki sa aming kababaihan, ginagawang pang-aliw ang paglilinis ng bahay? Katulong? Hinubog ng mabuti para pagsilbihan kayo? Pangalawa, baka mapatay ko lang ang mga bulaklak kapag ako ang nag-alaga sa kanila. Panghuli, hindi ko na hilig ang magbasa ng libro ngayon. Oo, inaamin ko na sobra akong na-addict sa pagbabasa ng mga kwento. Kasalanan kasi ito ng mga online writing websites. Masyadong nakakaaliw magbasa roon. Mas gusto kong mag-social media or maglaro sa cellphone. Bet ko rin mag-adventure because adventure gives your life a thrill! Hashtag its more fun in the Philippines.

Parang gusto ko matawa sa huli kong sinabi. Anong connect ng tagline ng Department of Tourism na 'Its more fun in the Philippines' sa hobby? "Ang saya ka maglibot-libot tapos makakapunta ka na sa ibang lugar. Pangarap ko na makapunta sa iba't ibang panig ng Pilipinas pero hindi ako mayaman kaya saka na lang iyon kapag mayaman na ako."

"Hindi ba't ang mga kababaihan ay sa bahay lamang mamalagi at hindi pumupunta sa kung saan-saan?"

"Hah! Are you crazy este nababaliw ka na ba? Ano kami? Preso? Nakakulong lang buong buhay sa loob ng bahay? Ha! No, no, no way! Hindi ako makakapayag doon. Hindi kami preso or manika na susunod lang sa kung anong gusto ninyong mga lalaki." Umayos ako ng tayo at pinagpag ang saya ko. "Kaya nga nabuo ang equality o pantay-pantay sa panahon namin dahil kaya naming gawin ang ginagawa ninyong mga lalaki." Kinuha ko kay Manuel ang martilyo at pinukpok ang pakong kanina pa niya hindi napapansin. "See? Sana ako na lang ang pinaayos mo nitong upuan. Eh 'di sana kanina pa ito tapos."

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon