Capitulo Trece

145 11 0
                                    


Capitulo Trece




NILIBOT ko ang paningin ko sa loob ng bahay na magsisilbing tirahan namin ni Manuel ng dalawang araw. Hinatid lang niya ako rito dahil may kailangan daw siyang asikasuhin kaagad. Walang katao-tao rito sa loob pero malinis ang mga gamit kaya sigurado akong may taong naglilinis dito once a week.

Iniwan ko ang mga maleta namin para libutin ang bahay. Hindi ako sure kung ito ay nag-e-exist pa sa panahon ko. Pero ang astig lang kung sakaling nakatayo pa ito roon sa year 2020. Two-storery house, may limang kuwarto sa second floor at may dalawang kwarto rin sa main floor. Puwede na tirhan ito ng isang pamilya na may limang miyembro.

"Bukod kaya sa bahay na ito at sa San Pablo, may iba pa kayang bahay si Manuel?" Bumalik na ako sa sala upang kunin ang maleta ni Manuel at ilalagay ko na ito sa Master's bedroom. Nang maipasok ko na sa silid ang maleta ni Manuel, sa akin naman ang kinuha ko. Bahala na raw ako kung anong kuwarto ang gagamitin ko kaya ang pinili ko ang kuwartong katabi ng kwarto ni Manuel.

Inayos ko kaagad ang mga damit na dala ko. Lahat naman ng damit na ito ay hiram ko sa namayapang ate ni Manuel. Mabuti na nga lang hindi ako minumulto nito. Nang matapos ako sa ginagawa ko, napagdesisyunan kong tumabay sa sala ng bahay. Malakas ang hangin doon kaya masarap tumambay. Humiga ako sa sofa at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko ng The Decameron.

"Seraphim, Seraphim..."

Unti-unting nagising ang aking diwa nang dahil sa mahinang pagyugyog at pagtawag sa pangalan ko. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa tanang ng buhay ko. "Hi Manuel!"

"Bakit dito ka natutulog, Seraphim?"

Nilibot ko ang paningin ko. Nasa sala pa pala ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagbabasa. Nagmadali akong umupo sabay ng paghulog ng libro. Hindi ko inaasahan na sasabay si Manuel sa pagkuha ng libro kaya nahawak ko ang kamay niya. Tumingin ako sa kanya at sinalubong niya ang tingin ko. Naging eratiko ang tibok ng puso ko. Binitawan ko kaagad ang kamay niya sabay iwas ng tingin. Ano ba itong nangyayari sa puso ko? Magkakaroon pa yata ako ng heart disease dito ng wala sa oras.

Si Manuel na ang kumuha ng libro at ipinatong niya iyon sa mesita. "Kumain ka na ba ng hapunan?"

"Hapunan? Ang advance mo naman mag-isip, Manuel. Late lunch siguro-" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong madilim na sa labas. "Hala! Napahaba ang tulog ko."

Ngumiti sa akin si Manuel at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko. "Marahil ay labis kang napagod sa biyahe kaya napahaba ang tulog mo. Hindi ba masakit ang iyong katawan?"

Pinakiramdam ko ang sarili ko. "Nangalay lang ng kaunti itong braso ko pero kakayanin naman."

"Mabuti kung ganoon. Sa labas na lamang tayo kumain ng hapunan dahil pareho tayong hindi kakayanin na makapagluto ngayong gabi."

"Hala! Marunong kang magluto?"

"Sa tingin mo sino ang nagluluto ng pagkain natin nitong tatlong araw?"

"Chef mo?" Sinamaan ako ni Manuel ng tingin. "Sorry na. Tagapagluto pala."

"Wala akong tagapagluto, binibini. Natuto akong magluto ng sarili kong pagkain simula nang pinaalis ko lahat ng criada namin."

"Criada?"

"Isang wikang Espanyol na ang ibig kahulugan ay tagasilbi o katulong. Hindi ka ba nakakaintindi ng wikang Espanyol?"

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon