COPYRIGHT © 2020 by LightStar_Blue
All Rights Reserved
Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system is forbidden without the permission from the author.
All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author and all the incidents are merely invention.
Prologo
"MASAYA ako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."
Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito."
"Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"
Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay ko kay Keira. Pagtataka ang gumuhit sa mukha niya. "Nais kong itabi na ang aking kuwintas. Ilagay sa iisang lugar na tiyak na maayos ang lagay nito."
"Bakit? Hindi ka ba nangangamba na baka makabalik ka sa pinaggalingan mong panahon?"
Umiling ako. Kahit kailan ay hindi na ako makakabalik pa sa panahon kung saan ako lumaki at nagkaisip. May isa tao mang nalulungkot ngayon dahil sa pagkawala ko roon, natitiyak kong naiintindihan niya kung bakit ako narito. "Alam kong hindi na ako makakabalik pa roon. Habang-buhay na akong nasa tabi ng pamilya ko." Sandali kong tiningnan ang aking unica hija.
"Are you sure in your decision?"
"Oo. Maayos na ang buhay natin, Keira. Kasama mo na ang lalaking mahal mo, ganoon din ako. Pareho na rin tayong masaya. Hindi na tayo malalayo pa sa kanila. Hindi rin hahayaan ni Glenda na mangyari iyon. Pareho nating hindi na magagamit pang muli ang ating mga kuwintas, ganoon din ang kay Celestine. Pawang mga sira na."
Binigay sa akin ni Keira ang kuwintas ko. "Pero ang sa iyo ay hindi."
Pinagmasdan ko ang pendant ng kuwintas ko. "Hindi na para sa akin ang kuwintas na ito." Iyon ang nararamdaman ko. Simula nang bumalik ako rito, alam kong hindi na ako ang nagmamay-ari ng kuwintas na ito. Umangat ang tingin ko. "Napag-usapan namin ni Alejandro na gawing isang family museum ang ancestral house sa San Pablo. Kasama ang kuwintas na ito sa mga idi-display roon. Binigay sa akin ni Tita Lannie ang kuwintas ni Celestine. Nais niyang isama iyon doon. Sa tingin ko'y may kutob siya na may alam ako sa kung anong misteryo ang kuwintas ni Celestine at sigurado raw siyang iingatan ko iyon." Umayos ako ng upo at inabot ko ang kamay ni Keira. "Kaya kita pinapunta rito, gusto kong manghingi ng tulong sa iyo tungkol sa plano naming family museum. Marami kang alam sa mga ganitong bagay at mas palagay ang loob ko kung ikaw ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Pareho nating alam kung ano ang kwentong mayroon sa Pamilya Saenz."
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Mayamaya'y tinapik niya ang aking kamay. Tila may bumabagabag sa kaniyang isipan. Pagkaraan ay huminga siya ng malalim.
"Matutulungan mo ba-" Naputol ang sasabihin ko nang hinubad ni Keira ang suot niyang kuwintas at binigay niya ito sa akin. "Keira..."
"Sa tingin ko oras na para magpahinga na rin ang kuwintas ko." Matipid siyang ngumiti sa akin. "Kasama ko na si Gabriel at tiyak na hindi niya kami iiwanan. Time na rin siguro na magsama-sama na ang tatlong kuwintas, 'di ba?"
Napangiti ako sabay tango. "Masaya na tayo at siguro'y sa langit ay masaya na rin si Celestine dahil kasama na niya ang binatang iniibig niya."
"Tama ka. Lahat tayo ay masaya na." Napatingin si Keira sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog. "We're okay now and everything is fine. Tanging si Tita Glenda na lang ang nakakaalam sa susunod na mangyayari."
BINABASA MO ANG
Una Vez en Diciembre
Tarihi KurguDahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na...