Capitulo Sais

842 50 35
                                    


Capitulo Sais



SABAY kaming lumingon ni Tandang Manuel sa taong tumawag sa kaniya. Isang napakagandang babae ang nakita ko. Bigla tuloy nahiya ang beauty ko sa kagandahan nito.


"Señorita Anastasia Realonzo?" Sumunod ako kay Manuel nang lapitan niya ang babaeng nagngangalang Anastasia. Nagtago ako sa likuran niya dahil nahihiya akong harapin ang babae. "Ikaw nga, señorita Realonzo. Magandang umaga, señorita Realonzo!"


Marahang yumuko si señorita Realonzo. "Magandang umaga rin sa iyo, señor Saenz! Mabuti't ika'y aking naabutan."


"Bakit ka nagawi rito, señorita Realonzo?"


"Nais ko sanang pag-usapan natin ang tungkol sa lupain ni Tiya Lucita. Alam naman nating dalawa na hindi-"


"Achoo! Gosh! Nasinghot ko yata ang maliit na feather ng ibon." Napakamot ako sa ilong ko at muli akong bumahing. "Excuse me."


"Hindi ko alam na may bisita ka pala, señor. Paumanhin dahil ako ay nakaabala sa inyo." Matipid itong ngumiti sa akin. "Ako'y aalis na."


"Huwag! Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan."


Napasimangot ako. Kalokang lalaki ito. Bakit sa akin masungit siya tapos kay señorita Realonzo ang lambing ng boses niya? Grabe! Ang unfair lang niya ah!


"Ngunit-"


"Doon na lamang tayo sa azotea mag-usap." Iginiya ni Manuel si señorita Realonzo papunta sa bahay.


Sumunod naman ako sa kanila. Napasimangot ulit ako. Bakit ang gentleman ni Manuel sa babaeng ito tapos sa akin hindi? Tingin ba ni Tandang Manuel sa akin ay isang bata na papasa na maging apo niya sa kasulok-sulukan ng katawan niya kaya ganoon niya ako kung tratuhin?


Pinaupo ni Manuel si señorita Realonzo tapos ako hindi man lang in-offer na umupo. Wala naman akong mauupuan kaya pumwesto ako sa likuran niya.


"Señorita, anong pag-uusapan natin tungkol sa lupain ni Doña Lucita?"


Huminga ng malalim si señorita Realonzo bago ito matipid na ngumiti. "Aalis na ako sa bansang ito sa darating na Enero at permanente na akong titira sa España. Nais kong sa iyo ibenta ang lupain ng Hacienda Irabon dahil alam kong maaalagaan mo ito mabuti."


"Sigurado ka bang nais mo talagang ibenta sa akin ang lupain nila?"


"Oo." Napatingin sa akin si señorita Realonzo. "Hindi mo ba pauupuin ang magandang binibini sa iyong likuran?"


Nakita ako ni Manuel na namumula ang pisngi dahil sa sinabi ni señorita Realonzo. Ngumiti siya sa akin. "Seraphim, maaari mo bang ipaghanda mo ng maiinom si señorita Realonzo?" Hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng munting koryente sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko kaya mabilis kong binawi ang kamay ko. "Maaari ba?"

Una Vez en DiciembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon