Chapter 21

8 1 0
                                    

SKY

"Kumalma ka. Parang kang tanga," bulong ko sa sarili.

Nabaliw na!

Napahawak ako dibdib dahil sa bilis ng tibok nito. Habang nakatitig sa harap ng salamin. Nakikita ang reflection doon ni Summer. Kumawala na ang pinipilang ngiti.

Ang kaninang kaba'y nalusaw na, tanging silakbo ng damdamin ang nangingibabaw. Napalitan nang kilig para sa sinisinta. Napatungo na lang ako at mas napangiti pa nang pagka lawak-lawak, kulang na lang mapunit ang labi ko.

Tinamaan nang matindi!

Mimasdan ko ang aking siko, kung saan siya nakahawak kanina lamang. May kuryenteng dumaloy sa buong katawan, nang maglapat ang kanyang daliri roon.

Kung hindi ako nakapagpigil pa, muntik nang ipadausdos ang mga kamay para mapagsalikop ang aming mga kamay.

Tuluyan nang nalimutan ang dahilan ng pagpunta roon.

Nakahinga ako na nang maluwag. Dimama ang pa rin dampi ng malamot n'yang kamay sa'kin.

Siko pa lang yan, Sky. Siko pa lang!
Paano pa kaya kung yung ano na?? 

Agad nanindig ang ating balahibo sa naisip, saka lang naalala na pag-ihi nga pala ang pinunta ko dito. Mukhang umurong na ang pantog ko sa sobrang bugso ng damdamin.

"Ahhh..." mahinang bulong. 

Nakahinga na maluwag. Napapatingala pa ako. Imahe ni Summer ang naaaninag ko sa'king isipan.

Matapos ang ilang minuto ay i-flush ko na ang bowl. Tumitig sa harap ng salamin. Inayos muna ang sarili at huminga na malalim. Inihanda ang sarili bago linasin ang lugar na 'yon.

Hawak ko na ang doorknob nang marinig ko ang boses ng ama ni Summer. Hindi ko masyadong marinig kaya idinikit ko ang aking tenga, ngunit mahina pa rin ang mga boses.

Alam kong magiging mahirap 'to. Mahihirapan akong makuha ang basbas ng magulang ng babaeng magugustuhan ko.

Isa sa mga unang hakbang upang mapatunayan na totoo ang nararamdaman ko ay ang pagpapalaam sa magulang niya. Nandito ako upang maipakita sa kanila na sinsero ako para sa anak nila.

Hindi na rin bago sa akin ang pagiging strict ng mga ito, lalo sa mga nagpapakita ng interes sa anak nila. Maraming ang nagtangka, ngunit agad rin sumuko. Sa mga mata pa lamang ng mga magulang niya ay talagang mapapatiklop ka na.

Pero hindi ako susuko. Hinanda ko na ang sarili 'ko para dito. Hindi ako basta susugod sa laban nang hindi handa.

Summer deserve everything in this world. She's worth the wait. She's really worth fighting for. My one big shot. My once in a lifetime.

Ika nga nila. "Lahat ng bagay dapat pinaghihirapan."

Lahat magiging worth it, sa huli. Alam kong magiging maganda ang lahat. Hindi naman sa pagmamayabang.

I've felt there's sanguine between us. Magiging positive ako sa magiging outcome nito.

Ilang sandali sa aking pananatili ay nagpasya na akong lumabas. Saglit akong huminto para huminga. Inayos ko muna ang polong suot ko at hinanda muli ang sarili.

Nang makarating ako sa pasilyo, natanaw ko agad si Summer. She's walking back and forth. Animo'y nag-iisip sa tamang gagawin.
Habang kagat-kagat ang index finger niya.

Napaganda niya talaga. My sunshine

Basta tayo'y magkasama laging mayroong umagang kay ganda.

Napapa headbang pa ako, dahil sa kantang naiisip ko. Kantang favorite ng Mama ko. Pakiramdam ko may mga ibon na lumilipad sa paligid. Napapangiti na lang sa kawalan.

Iba na talaga ang tama ko. I need to visit na nang psychiatrist.

Ngunit, napaayos agad ako ng tindig nang magtama ang mata namin. I winked at her. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Kulang na lang malaglag ang panga.

Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi man lang lumihis ang tinginan naming dalawa.

My world stopped. May mga trumpet na tumutugtog.

Nakikita ko na ang liwanag.
Naku! San Pedro 'hwag muna.

Hindiiiiii!!!!!!!!

My heart throbbing faster and faster. Para na gustong kumawala sa loob ko ng organs ko.

Nang magkaharap na kami sa isa't isa. I took her hand. I place it directly sa tapat ng puso ko. Gustong marinig at malaman niya ang epekto niya sa'kin. Ito na naghuhumiyaw sa pangalan niya.

Ilang gabi na ba akong nabaliw sa babaeng 'to? Mga gabi na naiisip ko siya. Nakatitig lang siya. Nagkurap-kurap ang mga mata. At kumikibot-kibot ang mga labi.

Tumahimik ang paligid. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya. Mas hinigpitan ko ang kapit.

Maya-maya pa ay may tumikhim sa may silid. Sabay kaming napatingin sa roon. Gulat na gulat kami nagmakita namin ang tagasundo. Natatanggal ang angas ko dito.

Naku! Ang sundo!!!!
Este si Daddy pala.

Agad na tinampal ni Summer ay kamay ko. Napalayo kami sa isa't isa.

Nu bayan! Agaw moment!! Nasira ang diskarte ko.

Hinawakan ni Mr. Lee, si Summer at inilagay sa kanyang likuran na parang pinoprotektahan laban sa'kin.

Pulang pula ang kanyang mukha. Para any moment e' sasabog na ito.

Nakayuko lang si Summer at pinapakalma ang ama sa anumang komusyong mangyayari.
Napadako ang mata ko sa labi niya.

Run!! Run now. Please !!

Bulong niya sa hangin. Nakikiusap ang kanyang mga mata, ngunit napabalik ako ang tingin ko, nang may kung anong mabigat na bagay sa balikat ko. At doon ko nakita ang mga kamay ni Mr. Lee na may nagbabantang tingin at paraan ng pagkakahawak sa balikat ko ito ay nagpipigil na sumabog.

"Young man," mariin niyang sabi.

Naglaban kami ng tingin. Nanlilisik ang kanyang tingin na parang pinapatay na ako sa tingin pa lang.

"Mag-uusap tayo. Sumunod ka." striktong dagdag niya.

Wala sa sarili akong napatango.
Walang pasabi niyang hinila si Summer papalayo. Ni hindi nagawa pang lumingon ni Summer. Itinaas ko ang aking mga kamay sa ere upang pigilan subalit naglaho na siya.

Naiwan akong natayo at taimtim na nanalangin. Nakakaramdam ako ng black aura sa paligid.

Mukhang kailangan kong magtawag sa lahat nang santo.

.............

Abangan......

*******
Hello my beloved readers! 

Since ECQ ulit tayo nakapag update muna! Pasensya sa tagal busy sa school at sa work. Sana magustuhan nyo!

Enjoy reading!!

Reminder :

Wear your facemask and faceshield. Observe physical distancing paglalabas ng bahay.

Stay safe and healthy everyone!

Love,
Cherrie🍒

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon