Chapter 10

33 2 0
                                    

SUMMER POV

Naging super saya nang buong vacation ko. Hindi na katulad ng dati na super boring. Pagkatapos din ng Mt.  Ulap experience ko. Madami ako nakilala at naging kaibigan isa na doon si Sky. Naging healthy living din ako after non. Nagyaya din sila Alice at LJ na magjogging. Umiikot kami sa village kung saan ko nakatira. Minsan sumasama si Sky pag di sya nakakabasketball.

Madalas nadin kami magkatext at makatawagan para mangamusta. Kasama din namin siya pagnagyaya si LJ at Alice na gumala.

Isang linggo bago ang pasukan.  Naghahanda na ulit kami para doon.
Nagpunta kami tatlo sa Mall, para ienjoy ang last day ng vacation. Hindi sumama si Sky may practice kase siya.  Girls bonding din namin. Nanood kami ng sine at pagkatapos ay kumain. Walang ginawa ang dalawa kundi magasar tungkol samin ni Sky. Napapangiti na lang ako sa kakulitan nila.
Nagshopping na si LJ ng mga pang fashonista outfit niya. Saming tatlo siya talaga ang magaling sa ganong bagay.  Kami naman ni Alice ay tumingin sa may national bookstore ng mga gamit sa school at libro.

Nakaprepare na lahat. Nahanda na mommy ang uniform ko sa school. Kaya natulog ako nang maaga. Excited ako di ko alam ko kung bakit.

Kinabukasan. Tumunog agad ang alarm ko. 5:00am time check.

“Baby Sammi, bumangon ka na dyan, breakfast is ready.” hiyaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

Yes po. Maliligo lang po ako.”sigaw ko

Nag unat unat muna ako at dinama ang ang lamig ng simoy ng hangin bago dumaretcho sa banyo.

After ng 30 mins natapos akong maligo, naguniform na ako at bumaba sa kusina at kumain ng breakfast. Sa hagdan pa lang ay amoy ko na ang mabangong umagahan. Pagbaba ko ay nabutan ko si Mommy na naglalagay ng palaman sa tinapay.  May bacon, itlog, hotdog at gatas sa lamesa.  Sa isang upuan si Daddy na nagbabasa ng diaryo.  Bahagya niya niyang ibinaba ang salamin para sulyapan ako. 

“Good morning! ” bati nya. “Iba ata ang ngiti mo ah! ” dagdag niya

Ngumiti lang ako. Agad naman lumapit si Hunter habang kakawagkawag ang bundot.  Hinaplos ko ang kanyang ulo. 

Pagkatapos kumain ay kinuha ko na ang bag ko sa taas.
Nakaready na din si Daddy na ihatid ako sa school. 

Bye, Baby I love you ” sabi ni mommy pagkatapos akong ikiss sa noo.  Agad ko naman siyang kiniss sa pisngi.

I love you too Mom.”

“I love you more Baby. Ingat kayo. ”

Kiniss din ni Dad si Mom at umalis na kami ni Dad.

Habang nagdrive puro paalala si Daddy. 
Rule no. 1 “Mag-aral maiigi. ”
Rule no. 2.“Huwag masyadong lalapit sa mga lalaki.”
Rule no. 3 “Laging nagupdate.”
Rule no. 4 “Umuwi after school.”
Bago pa niya nasabi ay naunahan kk na siya.  Sanay na ako na ganoon sya.  Nagpaalam na ako kay Dad pagkatigil niya sa tapat ng school ko.  Nagkiss sya sa noo ko at nagpaalam.

“Ingat Dad!”

Pinanood ko ko munang makalayo ang sasakyan ni Dad bago tumungo sa loob ng school.

Natanaw agad ng mga mata ko ang kumakaway nasi LJ at Ali kasama si Sky na nakapamulsa at nakaearphones. Titig na titig. Kaya nag iwas agad ako ng tingin. Ang gwapo niya talaga. Laglag at tulo laway sa kagwapuhan niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nakauniform dahil ngayon lang ulit kami nagkita.

Agad akong lumapit sa kanila. Nginitian ko sila tinanggal naman agad ni Sky ang earphones niya. Hindi ko maiwasang magsulyap sa kanya.

Niyakap agad ko ni LJ ng pagkahigpit higpit.

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon