Chapter 8:

14 2 0
                                    

SKY POV

.....
Di ako masyadong makatulog. Hindi ako mapakali. Ewan ko ba kung bakit hinihila ako ng mga paa ko na lumabas.

“Hay makalabas na nga muna...” sabi ko sa sarili ko. Dahan dahan akong lumabas ng tent at baka magising ung mga tulog na. Nasa labas na ako, sinira ko ulit ang tent.

Habang naglalakad ako, may napansin akong babaeng nakaupo.
Kahit nakatalikod siya. Alam ko agad na si Summer yon.
Nakatingin sa siya sa mga stars. Habang nakataas ang isa nang kamay na naimoy inaabot ang mga bituin.  Ang ganda niyang pag masdan. She look so naive. Ang tapang nya di sya natatakot, kung sabagay maliwanag naman ang buwan.

Gugulatin ko sana kaya lang baka mapasigaw at magising pa yung iba isipin pa pervert ako. Ngayon alam ko kung bakit di ako makatulog dahil nasa labas si Summer. Umihip ang malamig na hangin sumabay sa paghangin ang paglipad ng buhok niya. Napaka ganda.

Oh.Summer!

(Wait kanina pala noong tinanong ko yung name nong naglalakad kami paakyat. Alam ko na Summer yung name niya. Kanina kase sa bus, tinawag siya ni LJ).

“Bakit di ka pa natutulog?  tanong ko. Halata naman nagulat siya.

“Ay, kabayo”,mahina nayang sigaw.

Ang cute niya!

Nagsorry ako dahil baka nagulat ko sya. Nag nod lang siya at tumingin sakin while nakasmile.

Dugdug.. Dugdug... What did you to me?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko inlove na ako kay Summer, kahit di pa ganoon kami katagal magkakilala. Minsan talaga magugulat kana lang without warning or anything may mafeel ka nalang sa isang tao. Ayaw ko munang madaliin o paspasan. Slow muna.
 
“Wala lang! Di pa ko makatulog. Baka namamahay ako haha ”,sabi nya sabay tawa.

"Si Lib maingay matulog tama?
Pag gising ang ingay pati pag tulog. Hays!!!”

Tumango siya at nagtawanan kami.

Sabi na e. Ewan ko ba don!

Noong una medyo na iwas pa siya.

“Akala ko gay na pervert ka....”
sabi niya habang nakasmile.

Anak nang!! Ako pervert!!  Lintik ka talaga.

Pepektusan ko talaga tong si Lib kung anong anong sinasabi!

“Straight guy ako. Sa totoo nga may nagusgustahan akong babae.  Sarap nga niya kausap." sagot ko sa kanya

Hanggang naging comfortable na siya sakin.  Nagkwentuhan kami ng kung ano ano.
Ang sarap niyang talagang titigan, hindi ako nagsasawang tingnan siya.

“First time kong umalis. Hindi nga alam ng Mama at papa ko. Super strict nila eh...” sabi nya.

Nagkwento siya about sa kanya.
Protective sila dahil only child siya. Kaya naguilty siya kase naglie siya. At kaya pala ganoon siya kanina dahil hindi alam ng parents niya.

Napangiti naman noong maalala ko ang cute niyang boses.

"Bakit ka napapangiti dyan?" nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at napatango lang siya.  Nagpatuloy siya sa pagkwekwento tungkol sa sarili niya.

Kaya di niya naexperience ang mga bagay bagay. Miracle baby kase si Summer. Nasa vacation yung parents. Sila pala yung kausap niya sa phone kanina noong umaga. Snowy ang name ng aso nya. Hobby niya ang pagsusulat ng tula at stories. Mas navivisualized daw niya pag nasa peaceful place siya. May mga hobby siya na medyo magkatulad kami. Kaya madalas siyang nasa tahimik na lugar sa school kaya di ko madalas makita. Mahilig siyang makinig ng music most specially pag country music. Favorite singer niya si Ed Sheeran at Taylor Swift pati OPM like I belong to the zoo, December Avenue at Bamboo. Pati K-Drama lalo ang mga OST doon.

Kaya pala pag naabutan ko siyang kasama ni Liberty lagi siyang tahimik at nakaearphones. Nagpainting din siya pag may time. Matagal na din niyang kaibigan sina Lib at Alice since highschool. Kung ano ano pang kwento niya. Gusto niya ang huni ng mga ibon. Favorite niya ang lugar na mapuno. Gusto din maupo sa Bermuda grass sa ilalim ng puno, habang dinadama ang hangin.  Gusto niya basta magreen in short magaling siya sa nature. Isa sa mga nagpaparelax sa kanya pag tumitingala siya sa ulap habang nakapikit. Napangiti ako dahil sa mga kwento niya.

Ulap ang isa favorite niya. Pangalan ko yon sa tagalog. Habang nakikinig sa ako ang gaan sa feeling. Parang dahil sa kwento niya unti unti ko na siyang nakikilala.

Summer meets Sky

The feelings is like forever.

Humiga siya damuhan. Pilit na inabot ang mga bituin. Kaya humiga na din ako. Di ko mapigilang titigan si Summer. Ang face niya, ang mata, ilong, dimples, lashes niya sarap pagmasdan. May kung ano sa kanya na hihilahin kang titigan siya. Hindi mapigilang mapangiti.

Uncontrollable happiness.

Everything about her is beautiful.  Hindi lang ang panlabas niya but her inside. Her personality and genuine heart makes me like her even more. Kinuha niya ang cellphone at nilagay sa playlist niya. Inilagay niya ang earphones sa tenga ko at sa kanya naman ang isa.

“Thank you so much sa paghelp mo akin na maachieve ang isa mga nasa bucket list ko. One of my dream ang mag hiking.” aniya habang nakatingin saking mata na nakangiti.
 

"Maraming salamat sa pagtupad non..."  dagdag niya.

Kita ang genuineness at sincerity sa mata niya na sobrang thankful sakin. Nakakataba ng puso. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Dinadaga ang puso ko. Pakiramdam ko gusto niya humiwalay sa katawan ko sa sobrang bilis ng tibok. May parang slow mo sa pagitan namin dalawa. Nakakabading ang feeling.

Her voice drives me crazy.
Anong ginawa mo sakin Summer?
You make crazy!

“Sabihin mo lahat ng nasa bucket list mo at sasamahan kitang iachieve yon...” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Kasabay sa pakikinig at sa pagdama ko sa liriko ng kanta
**

🎶🎶🎶
Patuloy na nag play ang Kanta.

I'm feeling all my lights going out
All I can hear is your lullaby
From your guide now I'm here without knowing
Those melodies I sing like I know

Don't wanna say goodbye
I wanna hear your voices
in dreams
Don't wanna see your tears
I wanna see your traces
I hear you...

Summer is not just season. 

Her name is Summer. Her sweet tender voice cover me, to make it warm.

“Nakakainlove ka.....” mahina kong sabi.

Nakatitig lang siya kalangitan mukhang hindi narinig ang sinabi ko. Sa bawat pag kurap ng kanyang mata napaganda. Sa mga tawa niya. Di mapawa ang ngiti sa labi ko.
Tawa lang kami ng tawa. Kwentuhan kami ng kung ano ano. Daldal ako ng daldal biglang tumahimik na siya. Paglingon sa katabi ko ayon bagsak na. Nakakatuwang marinig ang mahina niyang paghilik.

“Grabe ka tinulugan mo ako....”
mahina kong sabi habang inaalis ang takas na buhok sa mukha niya.

Pumunta ako tent para kumuha ng blanket. Kinumupatan ko siya medyo gumalaw pero himbing na himbing pa din sa pagtulog hindi alintana ang lamok at lamig sa paligid. Babaeng walang arte sa katawan.
Pinapanood ko siyang matulog. Inalis ko na din ang earphones sa tenga niya. Pati nga tunog nang paghinga niya, pinapakinggan ko. This girl drives me crazy. Pinabantayan ko siya baka kagatin ng lamok. Wala akong pakialam kung mapuyat ako basta gusto ko lang syang masdan kahit buong gabi.  

Habang nakatingala ako sa kalangitan narealized ko na....

Love always comes unexpectedly.

Nag conspire ang universe for us.
Ang romantic ng gabing yon. Sana dina matapos...

Talagang hindi ito matatapos, i will continue this moment pagbalik natin sa Manila.

“Goodnight...Beautiful!!!!" bulong ko sa kanya habang inaayos ang kumot niya.

Inunan ko ang braso ko at nakangiting pumikit dahil nagpaparamdam na ang antok.

.......

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon