Author's Note: Sorry kung may typo. Enjoy reading!!
❤❤***
SUMMER POVNaglakad kami papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita nina Lib at Ali.
Namuo ang katahimikan kahit maingay ang paligid. Ngunit pakiramdam ko, walang tatalo sa tibok ng puso hindi man lang kumalma kahit isang segundo.
Maya maya bigla s'yang nagsalita.
"Okay ka lang ba talagang mag-isa?" tanong niya.
Lumingon ako. Nakangiti man, may bahid pa rin na pag-aalala doon.
Tumango ako bilang tugon at sabihing okay lang ako.
Bumaba ang tingin 'ko sa mga kamay namin na magkahawak. Simula kanina, hindi binitawan ang kamay ko.
Masayang puso!!
Abe teke neseney ke nemen keye.Kakaiba!!
Nakakabaliw!!
Nakakakilig!!Lutang ng parang adik!!
Nakahihit lang Summer!!Biglang napakanta 'ko sa isip.
🎶🎶
Haway kamay
Hindi kita...iiwan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan..
🎶🎶Binura 'ko ang agad iyon sa isip.
Napatingin s'ya kamay namin."Ahh...ang kamay ko,"
Marahan naman n'yang binitawan.
Wag...
"Hmmm.. Sky... ahh-ehh,"
Nag-aalang kung sasabihin 'ko ba o ano. Pero sa huli ay mas pinili 'kong sabihin.
"Parang ang bilis lang e, may i love you agad," nahihiya 'kong sabi.
Parang tuloy bubuyog na nagpaulit-ulit ang huling sinabi n'ya kanina.
Hindi s'ya kumibo.
Napa-isip lang 'ko baka iba ang isipin n'ya. Nagsisi kung bakit ko pa sinabi.Ngumuso ako at yumuko.
Nagulat ako nang bigla n'yang iangat ang mukha 'ko at ngumiti. Ginulo pa ang buhok ko.
Nag-init ang pisngi ko. Naipaisod ako ng kaunti sa kanya. Habang kinukurot ang hintuturo.
Ang mga alaga ko, hindi ko alam kung gutom na ba o ano? Ang paru-paru at bulate 'ko hindi mapirmi.
Nagulat ako nang bigla s'yang humarap at pinisil ang pisngi 'ko. Nagkatitigan kami.
Muntik na 'kong matumba. Marahan niyang hinawakan ang papulsuhan ko.
Umayos ka nga!
Patay ako kila Mama at Papa nito!Oo, college na kami pero hindi naman pwedeng sungab nang sungab, kailangan din maghinay-hinay.
Naramdaman 'ko na lang na bumababa ang hawak n'ya papunta sa kamay ko. Saka ulit kami naglakad.
BINABASA MO ANG
Summer Meets Rain
General FictionRomantic comedy Love Patiently waiting Season of Love New beginning Colorandpastel