Chapter 1:

90 5 5
                                    

SUMMER POV

"What stressful life today!
Keep fighting! Summer!!"
bulong ko sarili habang naglalakad papuntang park.

Nakarating din sa wakas.

Hays! Yes Finally!!

Inhale exhale lang muna ako para mawala ang mga negative vibes na bumalot sa buong sistema ko.

Agad kong nilapitan ang direksyon kung saan lagi ako nauupo kapag  nagpapahinga.

Prenteng-prente ang pwesto ko sa may bench, habang minamasdan ang mapayapang paligid. Napapikit na dinadama ang hanging umiihip.

Napamulat ang aking mata ng makarinig tunog ng gitara sa hindi kalayuan mula sa pwesto ko.

Hinanap ko kung saan ito nanggagaling. Napansin ko 'yung lalaking nakaupo sa may damuhan habang may hawak itong itim na gitara.

Naglakad ako palapit sa kanya. Ginawa ang lahat upang huwag lamang makalikha nang anumang ingay.

Nang medyo malapit ay nilapit ko ang aking tenga upang mas narinig ang boses sa misteryosong lalaki. Hindi pamilyar sa'kin ang tono ng tinutugtog n'ya.

Sa unang tipa pa lamang nanghahalina na. Para itong may mahika na inutusan kang sundan ito. Para akong hinehele. Napakaganda ng boses nito sa malapitan na mas lalong nagpakulay sa kanta.

Kaya habang tumutugtog ang lalaki, binubuo sa isip ang liriko ng kanta at isearch ko sa Google mamaya pagbalik ko sa office.

Humakbang pa ako upang mas makalapit. Medyo mga ten steps siguro na lamang ang layo sa kan'ya. Tanaw ko ang paggalaw ng daliri n'ya. Ilang beses ko ring narinig na inulit-ulit niya ang kanta.

" I look up at the stars
And be my life, ay hindi light.."
dinig kong kanta niya ulit.

"Bahala na basta light or night"

Ang gaan lang pakiramdam at isip ko nang mga oras na 'yon.

Nagtago ako sa may halamanan.
Basta ayaw kong makita n'ya ako.
Baka maistorbo ko ang pag moment niya. Nakakagoodvibes lang talaga ang boses niya. Sarap pakinggan sa tenga ng pagstrum n'ya sa gitara.

Kahit gusto kong magpokus sa boses n'ya, subalit hindi mapigilan ang sariling pagmasdan s'ya.

'Nakaw na tingin lang naman..
Hindi naman masama...!!

Pinagmasdan ko ang likod niya.
Ang biceps ay talaga naman huwow. Mukhang batak sa gym.
Kaya lang bigla kong naalala ang dapat nang ibaon sa limot.

The person I've used to admired.

Stop Summer! Enough for that man!
Hays!!

Muling nabuhay ang sakit. Nakapikit akong tumingala sa langit at patuloy na dinadama ang kanta.

I definitely need to enjoy this moment whilst listening to Mr. Stranger or Mr. Guitar Man, rather than to think him. I won't allow him to ruin my day again.

Hmmm!!

Pagstrum pa lang nang-aakit na pakinggan siya, may kung ano sa lalaking 'yon na nagpagulo sa akin na hindi ko maipaliwanag na dahilan o ano man?

Hindi naman bago sa'kin ang ganito, pero hindi ko pwedeng iaccept nang ganoon na lang, lalo't masyado akong naapektuhan sa lahat ng nangyari sa nakaraan.

But his voice is like something that makes me calm kahit saglit.

Alam kong may dahilan kung bakit ako dinala ng mga paa sa lugar na ito. Baka dahil alam nang tadhana na umiiyak ang puso kong malungkot at sawi.

Summer Meets RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon