SUMMER POV
Since first time kong mag hiking super excited ako. Nakacheck lahat ng dadalhin ko. Di nga ako gaanong nakatulog kagabi, kaya kahit 7am pa call time. 3am nagising na ako.
Nagbook na ako ng Grab.Mga 5:30am nakarating na ako sa waiting place namin.
Wala pang ibang tao ako.
Nakinig muna ako sa music player ko.
Enjoy na enjoy ako makinig.After 15mins, may dumating na isang lalaki. Nakajacket siya na may nakaprint na “YOU CAN DO IT” at nakacap siyang black.
Naupo siya sa bench na medyo malayo sa kinatatayuan ko. Kahit ganoon di naging hindrance sakin na sulyapan ang lalaki.“Gwapo siya.” sabi ko sa isip ko. Maghiking din siguro dahil sa mga gamit na dala niya.
Nangalay na ako dahil kanina pa ako nakatayo, kaya umupo na muna sa ilalim puno. At kinuha ko yung notebook ko at pumumit ng isang piraso doon. Nagsisimula nang umardar ng imahinasyon ko. Lumalawak lalo kung maganda ang paligid. Idagdag pa ang malamig na klima. Feel na feel ko na, medyo nagkakaroon na ako nang vision sa takbo ng ginawa ko nang biglang nagvibrate ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sinong caller.
Mama!!!!
Mabilis pa sa alas kwarto nawala lahat ang imagination ko napalitan ng pagkabalisa at kaba. Nagsisimula na akong manlamig mas matindi pa kanina, namamawis na hindi mawari. Tumayo agad ako. Alam kong mukha akong ewan. Sa karanta ay nabitawan ko ang papel na sinususulatan ko. Nakailang ring na ngunit, nawala na parang bula ang mga salita sa bibig ko. Nagpalakad-lakad ako habang kagat ang aking kuko sa index finger.
Haggang napindot ko bigla ang accept at wala na akong choice. Sa isip ilang santo na ata ang timawag ko. Huwag lang mabisto. Alam ko kung saan ako pupulutin kapag nagkataon.Hindi ko alam ang sasabihin ko,
kaya nakapasinungaling naman ako. Naguguity na talaga pero wala na akong choice. Kung ano anong kasinungalingang pinagsasabi ko.Nag mukha pa akong tanga sa pang gagaya sa aso kong si Snowy.
Nakakahiya!!
Nalingon ko ang paligid nawala si kuya sa kinatatayuan niya. Biglang nanliwanag noong hindi ko siya natanaw. Talaga naman grabe ang pagkakahinga ko nang maluwag. Mukha hindi naman niya naririnig ang sinasabi ko.
Sana lang talaga!!
Turn off to'Ilang minuto pagkatapos naming mag-usap ni Mama. Pag angat nang angat ko ng tingin nagulat ako dahil si kuya ito nakatayo sa harap ko. Parang biglang humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko. Para akong mahihimatay. Abot ata haggang kabilang ibayo ang boses ko.
“Ahhhhh!!!!!!!!” sigaw ko habang nakakapit sa dibdib ko.
Nanlaki na literal ang mata ko. Umakyat ang dugo ko sa ulo. Gusto kong lamungin ng lupa sa sobrang hiya.
“Sorry... nagulat kita...” nagpipigil na tawa niyang sabi.
Umiwas siya ng tingin at kagat labing nagpipigil.Kabagin ka sana kakapigil mo dyan!
Akala ko umalis na ito???
Bakit nandito pa siya.Nasa ganoon akong pag-iisip nang may inabot siyang isang papel. Nabalik ako sa reality.
Akin to'ahhh!!!
Nang magtamang muli ang mata namin, ayon pa din ang nagpipigil niyang tawa.
Pinaka titigan ko ang papel at confirm akin nga. Bigla akong napayuko.
Nang maalala ko ang mga katangahan ko.Sa itsura niya mukhang narinig niya ang pinagsasabi ko kanina.
“Salamat.” mahina kong sabi.
Walang lingon lingon bumalik agad ako sa pweato ko kanina.
Nagkunwari akong may inaayos sa gamit ko kahit wala naman.
Naglakad na siya papalayo sakin, pero naririnig ko ang bungisngis niyang tawa.Napairap ako ng mata sa kawalan.
Kakahiya talaga! Bwisit!
Sa inis at hiya ay tinawagan ko sila Ali at Lib. Ngunit ni isa walang sumasagot. Maya maya pa'y narinig ko ang pangalan na kilang -kilala ko.
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Umaalingawngaw ang boses ni Liberty.
“Summer...” palingon ko nakita agad ang nakakalokong ngiti niya.
Ngayon ko lang sobrang nagustuhan ang kaingayan ng babaeng 'to.
Napapailing na lang ako bago lumapit sa kanila. As usual ayon naman medyo serious mode ni Alice. Niyakap nila ako.“Wow... ang aga mo!. For the first time.”, ani Alice habang nagaayos ng gamit niya.
" Psst! Ano yon ha!? Mukhang may namumuong pagkakaIBIGAN ah!!!' bulong niya with matching kiliti sa tagiliran.
At talagang diniinan ang IBIGAN part.
Sabi ko na e. May navision na ito sa utak niya e!.
"Ay sus! Ewan ko sayo! Di ko alam sinasabi mo dyan!' walang gana kong sabi.
"Aysus deny pa more!!! Eh tingnan mo yang mukha mo nangangamatis sa sobrang pula. Hahaha!! aniya.
Bigla siyang tumawa nangaasar at nginuso yung lalaking kaninang kausap ko.
'Lokong babae 'to. Kung alam lang niya!
Inirapan ko lang siya at naghanda na dahil dumating na ang bus na sasakyan namin patungong Baguio. Nagakyatan na kaming lahat sa loob. Bigla akong nalingon sa lalaki kanina nakatayo siya dahil inilalagay niya ang gamit sa taas. Bigla niya akong nginitian. Ang gwapo niya pero di ko magawang gantihan dahil naalala ko ang nangyari kanina.
At ayon naman ang ngising aso ni Lib. Sinamaan ko lang ng tingin pero lalo pang natawa.May saltik 'to. Sana dala niya ang gamot niya. Hays!
Dahil sa sobrang aga kong nagising natulog na muna ako sa byahe.
....
BINABASA MO ANG
Summer Meets Rain
General FictionRomantic comedy Love Patiently waiting Season of Love New beginning Colorandpastel